Toyang (Eraserheads Series #1)

541 37 13
                                    

Toyang (Eraserheads Series #1)

Toyang (Eraserheads Series #1)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This is a fictional work. Characters, places, and events are either created by the author or used to make the story a simulated one. If similarities of actual persons and actual incidents are discerned, it is merely coincidence.

Bear in mind that plagiarism is a serious crime and it is punishable by the law which anchors on the Republic Act No. 8293, known as the "Intellectual Property Code of the Philippines".

♥♥♥

Ako nga pala si Antonnia Yulliene Villa. One-half Bisaya, one-half Ilongga, and 99.9% NBSB.

(08)036- 024- 36

Nakakalungkot mang aminin pero hindi 'yan ang vital statistics ko. Telephone number ng bahay namin 'yan.

Wala lang.

In case may gustong umakyat ng ligaw. Chaar.

Pero seryoso, kung may balak kayo, tumawag muna kayo para maitali ko nang maigi ang bulldog naming si Djangga. Ilang magnanakaw na rin kasi ang napaospital namin dahil ang hilig manlapa ng bitch.

P. S. I-uupdate ko lang 'to kapag may progress na ang love life ko. Uunahan ko na kayo, pasensya na kung slow haha.

Xoxo,

Toyang

♥♥♥

"You may kiss the bride," announced the priest and I tried my very best not to shout in so much excitement.

Inangat ko na lang iyong panyong hawak ko at siningahan saka pinunasan ang mga luha ko.

Grabe, mas nakakaiyak pa pala 'tong eksenang 'to kaysa palitan ng vows kanina.

"Antonnia, umayos ka," mahinang banta ni mama sabay bahagyang tulak niya pa sa akin gamit ang beywang niya.

Mabuti na lang medyo chubby si oks kaya hindi niya ako napagalaw sa pwesto ko.

"Hindi mo naman kailangan suminga nang malakas. Isa pa, mas malakas ka pang umiyak sa Tiya Geneva mo. Kasal ng anak mo?" panunukso niyang sinamahan niya pa nang panlalaki ng mga mata.

"Ma, parang best friend ko na rin si Ate Georgina. Tears of joy 'to."

Kasal ng pinsan slash best friend ko sa long-time boyfriend niya ngayon. Mahigit four years din sila tapos ang bongga pa ng kasal, talagang pinaghandaan.

Sana ako naman ang susunod... Char.

Wala nga pala akong boyfriend.

"Toyang, kain ka nang marami ha. Huwag kang mahihiya," nakangiting sabi ni Tiya Geneva sa akin na kapatid ni papa nang lumapit siya sa banda namin.

I nodded vigorously, agreeing and thanking her at the same.

Naagaw ng handang valenciana ang atensyon ko. Naalala ko tuloy si Ate Georgina. Naging paborito niya ito simula nang sinama ko siya sa Negros sa probinsya nina mama kaya siguro pinahanda niya rin ito ngayon. Kukuha na sana ako no'n nang biglang pigilan ni mama ang kamay ko.

"Akala ko ba diet ka?"

"Ma, naman. Cheat day ko ngayon," depensa ko naman.

Narinig ko namang tumawa ang nakakabatang kapatid kong si Lucho na freshman na sa college sa kursong Information Technology sa tabi ko.

"Happy?" baling ko sa kanya.

"Ikaw, Toyang ha. Paano naman maaakit sa'yo ang lalaki niyan kung... kung..."

"Ma, chubby lang ako! Hindi ako balyena!" giit ko kay mama bago niya pa maibagsak ang bomba.

"Oo nga, ma. Hayaan mo na si Manang Toyang. Hanggang may pagkain kakain 'yan saka hindi ba love naman 'yong tanggap ka kahit anong laki at bigat mo," sabat ni Don na kasunod ko. Graduating naman siya sa Criminology this school year.

"Dadagdagan ko baon mo bukas," nakangiting sabi ko sa kanya sabay fist bumped.

"Nice!" tuwang-tuwang aniya.

"Naniwala ka naman d'yan sa kapatid mong babaero. Kung gusto mo ng payong totoo, roon ka sa loyal."

"Siyempre po. Gano'n din sabi ni papa, e. Tanggap ka nga raw niya kahit pa ang bungangera niy-"

"Ano?! Julian! Ano 'tong pinagsasasabi mo sa anak mo?! Ako bungangera?! Kailan pa?!" Tumalikod na si mama at nilapitan si papa.

Napapikit si papa at tumayo na saka sinalubong si mama. "Donna, kumalma ka muna..."

Napahagikhik na lamang kami ni Don. Tapos nagpaalam siyang lalapitan muna ang ibang mga pinsan pa namin na kasama ni Lucho sa isang table.

I smiled when I saw Ate Georgina at the center table with her husband. They're so perfect to look at with those smiles on. Sa tuwing nahuhuli nila ang tingin ng isa't isa ay napapangiti sila na parang mga teenagers na kinikilig.

Napabuntong-hininga na lamang ako at sinubo nang buo ang isang puto.

Naiinggit ako.

Ate Georgina's 26 years old now. Ako naman 24. Kung gagawin ko ang math, 22 pa siya nang maging sila ni Benedict.

Aral ako nang aral noong college pa ako para ma-maintain ang full academic scholarship ko nang sa ganon ay walang mabayaran ang mga magulang ko ni kusing sa tuition ko kasi walang-wala rin kami, e. I didn't regret focusing on my studies, though. Kasi kung hindi ako nagseryoso hindi ako magiging Summa Cum Laude at magkakaroon ng magandang trabaho na kaliwa't kanan. Nakapagpatayo na rin ako ng simpleng bahay namin sa lupang nabili ko rin at lumago na rin iyong barbecue station ni papa na ipinundar ko.

Lord, love life na lang talaga ang kulang. Beke nemen.

It really hurts talaga ang tumandang dalaga at mag-isa tapos chubby pa.

Napangiti ako nang marealize ko kung ano ang tugtog ngayon.

"Mahal ko si Toyang
'Pagkat siya'y simple lamang
Kahit namomroblema,
Basta't kami ay magkasama..."

Sana mahanap ko na talaga iyong makakasama ko.

•|• Illinoisdewriter •|•

Author's Note:

This will revolve around the story of Toyang, a part-time Creative Writing teacher and radio DJ, who's still NBSB at the age of 24. Grumaduate with Latin Honors, nagpakulay ng ash blond, at nagwowork-out para pumayat sa pag-asang hindi na siya tatandang dalaga. A tale of dreams, hardwork, hope, family, and of finding love. Walang may anak ng CEO rito, walang nabuntis at amang tinaguan ng baby, at walang powers at kakaibang mundo. Just a normal girl living a simple life with a typical Filipino family and a whole lot of lessons and laughter. ♥

Toyang (Eraserheads Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon