04 Toyang
____________________________________DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVilla
ToyangTalks: Didn't know there are sweeter words than, "I love you". xoxo
___________________________________
NAPAHILOT AKO SA sentido ko habang kausap sa cellphone si Don.
"Nang, pasensya ka na talaga. Kailangan ako ni Sasha sa pageant niya ngayon."
Hindi niya ako masusundo sa trabaho at ala-sais na ng gabi nang tumawag siya para ipaalam sa akin iyon.
Sa halip na magalit ay napabuntong-hininga na lamang ako.
"Oh, sige. Basta umuwi ka agad pagkatapos mo r'yan, Don. Huwag kang magpapagabi kasi may pasok ka pa bukas."
"Opo, nang. Salamat talaga sa pag-intindi!"
I ended the call and leaned on my swivel chair. I stomped my feet in a sulking manner.
Dapat kasi nagjo-jowa na ako, e!
Mabait naman ako. Passionate at sobrang sipag pa.
Lord, bakit?
Nagligpit na lamang ako ng mga gamit at ipinasok agad sa itim kong Gucci duffle bag na maliit lang ang mga iyon. I slung its strap across my body and went out of the office.
Kung alam ko lang na hindi ako masusundo ni Don, sana pala ay hindi na lang ako nag-dress. Vintage iyon na hanggang tuhod at kulay gray na puff sleeves saka may flower embroidery sa magkabilang gilid. Pinaresan ko iyon ng black Gucci sneakers. I let my hair down too with two black hair clips sa magkabilang side ng buhok ko.
Gusto kong makatipid kaya bumalik ako sa Carmen para pumila roon sa sakayan ng Opol Liner na mga jeep pauwi. Kaya nga lang parang hindi na ako natuto sa huling sakay ko rito na inabot ako ng dalawang oras kakatayo at bandang alas-nueve na ng gabi nang makauwi sa bahay.
Nakauwi na kaya si papa?
Ayoko sana siyang abalahin pero baka pwedeng magpasundo kahit ngayon lang.
I took my phone out of my bag and called my mother right away.
"Ma, nand'yan ba si papa?"
"Oo, bakit? Nasaan ka na?"
"Nasa Carmen, ma. Ang haba ng pila. Baka pwedeng pasundo kay papa? Teka, nagpaalam ba si Don sa inyo?"
"Oo, nagtext kanina. Ikaw naman kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot. Ano bang silbi niyang cellphone mo ha, Antonnia?"
"Sorry, ma. Please pasundo ako kay papa. Kanina pa ako nakatayo rito. Ang haba pa ng pila."
"Oh, sige na. Maghintay ka lang d'yan at sasabihin ko sa kanya. Diyan ka lang sa maraming tao ha. Huwag ka nang umalis d'yan at baka makidnap ka. Malusog ka pa naman kaya tiyak na tiba-tiba sila sa'yo-"
BINABASA MO ANG
Toyang (Eraserheads Series #1)
ChickLitCOMPLETED ON GOODNOVEL Ako nga pala si Antonnia Yulliene Villa. One-half Bisaya, one-half Ilongga, and 99.9% NBSB. (08)036- 024- 36 Nakakalungkot mang aminin pero hindi 'yan ang vital statistics ko. Telephone number ng bahay namin 'yan. Wala lang. I...