Bakit ba binabalikan ng mga lalaki yung mga nasasaktan na nila? Di ba nila naiisip pag bumalik pa sila ay bumabalik din yung sakit na pinadama nila. Di rin ba nila naisip na hindi lahat ng panahon deserve nila ang second chance. Boy's don't deserve a second chance lalo na't kasalanan nila simula pa nung una kung bakit nasasaktan ang mga babae. Every boy is a heartbreak
"Gab hindi mo dapat binigla si Jayson."
"Para ano pa Jaym dun din naman ang pupuntahan non so bakit ko patatagalin pa?"
"Ang sa akin lang Gab.. Inunti-unti mo sanang sabihin sa kanya na.."
"Jaym please pag-aawayan ba natin to?."
"Fine.. Sorry Gab disisyon mo yun.."
"Sorry din Jaym.. Ang sakit lang kasi sa akin, bakit pa kasi sya bumalik eh ang tagal na non."
"I don't know" sabi ni Jaime habang nakaupo sa harapan ko
"Jaym.. Bakit ba kasi lahat ng lalaking minahal ko ng totoo iniiwan ako? Lahat na lang ng minamahal ko ng totoo puros pa mga maling tao." Sabi ko kay Jaime at unti-unti na ring tumutulo mga luha ko
"Tahan na Gab.. Wag mo na silang iyakan they don't deserve your precious tears." sabi ni Jaime at nilapitan ako at niyakap
"Bakit ba kasi palagi na lang akong napaglalaruan? Do i deserve all those pain they gave me. Deserve ko ba yung lahat ng sakit eh nagmahal lang naman ako ng totoo. Ano bang karapatan nilang saktan ako? May nakalagay ba na label sa noo ko na "hey! Saktan nyo 'ko". Jaym ang sakit sakit na di ko na kayang magmahal ng totoo. Ang hirap hirap na para sa akin magtiwalang muli; sobrang sagad na ang pananakit nila. Oo di nila halata yung sakit na nararamdaman ko kasi palagi akong nakangiti kasi kaylangan. But deep inside Jaym I'm falling into pieces.." Sobra na akong naiyak habang nakayakap kay Jaime
"Tahan na Gab. Iiyak mo na lahat ngayon para bukas wala na, gawin mong motivation yung sakit na nararamdaman mo. And don't allow them na masira mo ang sarili mo.. Cry then move on maging malakas ka para ipakita sa kanila na mali nila nung iniwan ka."
"Jaym okay na naman na ako noon. Bakit pa kasi pinaalala nong Jayson na yun yung mga panloloko nya.. Hindi lang nya naalala ko lahat nong mga panahon na iniwan din ako ng dalawang taong minahal ko din ng totoo. Bat kasi ang hilig ng mga lalaki ang manakit nakakagwapo ba sa kanila pag nakasakit sila ng damdamin ng iba? Di ba sila nag-iisip na simula't sapol kasalanan nila ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nananahimik ako pero ginusto nilang pumasok sa buhay ko" Tumayo ako at pumunta sa kusina at kumuha ng tubig sa ref.
"Gab wag mo ng hayaan silang maapektuhan ka pa dahil sa mga pananakit nila." Sabi ni Jaime habang nakasandal sa kilid ng ref.
"From now on Jaym di na nila ako masasaktan ng basta basta. Di ko na hahayaan ang sarili kong maging iyakin." Sabi ko at nilagay muli ang water bottle sa ref at sinara ito.
"That's the spirit Gab. And always remember na nandito lang ako palagi para sayo, handa akong sumuporta sa lahat ng gagawin mo.." Sabi nya saakin at lumapit tas niyakap akong muli
"Thanks Jaym.. Thank you coz everytime na nagiging malungkot ako nandyan ka palagi." Sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya
"Gab that's what friends are for.. Like duh everytime na kailangan ko ng kaibigan andito ka din sa tabi ko." Sabi nya at bumitaw na kaming dalawa sa yakapan namin
"Because Jaym were family" sabi ko na lang sa kanya para matapos na to at baka sya na naman ang mag-eemote dito. Aagawan pa ako ng moment 😅
"Yeah.. Family" sabi nya at yumakap muli pero bumitaw din agad