PROLOGO

0 0 0
                                    

PROLOGO;

Kapag nasaksihan mo sa mismo mong harapan ang dalawang taong kontento sa isa't-isa.  Pumapasok sa isipan mo ang ideyang maghangad rin ng ganoong klaseng relasyon. Maghahangad ka ng maala fairytale na lovelife kahit alam mo sa sarili mong walang itong katotohanan.

Ngunit sa katulad mong isang perpekto na sa mata nang karamihan. Sa kamalas malasan ay di mo mahanap ang taong magpapatibok ng puso mo. May mukha ka naman, may magandang katawan, may laman ang utak at higit sa lahat, may kaya ka sa buhay. Ngunit paanong hindi mo matagpuan ang taong inaasam mong mamahalin mo at mamahalin ka habang buhay?

Sa kagustuhan mong mahanap siya ay sinubukan mong pumasok sa walang kasiguraduhang relasyon.  Makailang ulit, makailang beses, hanggang sa umabot sa puntong ang salitang, 'BREAK NA TAYO' ang naging pambansa mong linyahan.

Paanong hindi? Sa ilang daang lalaking naging iyong kasintahan, wala man lang ni ISA sa mga ito ang nagparamdam sayo ng kung ano ba talaga ang kahulugan ng salitang 'PAGMAMAHAL'.

Hindi mo naranasang kiligin sa bawat matamis na salitang kanilang binibitawan. Hindi mo nararamdaman ang tibok ng puso mo sa tuwing ika'y hahawakan sa kamay. Hindi mo maramdaman ang pamumula ng pisngi sa tuwing ika'y hahalikan.

Bakit ba kasi ang choosy ng puso ko!?

Ayaw tumibok kahit pa mala Tom Cruise na ang nasa harap ko. Hayst!

Ako si Almeyra, at isa akong LOVE ADVENTURER.

In short, NAGHAHANAP NG TAONG MAMAHALIN.

As a part of it. I went far dating a hundred of guys just to find him. Unfortunately, he's living in a cave, and I'm here in civilicized society.We lived in different world.  Our path won't crossed and I almost tired of waiting and searching him.

Ngunit sa di ko inaasahan, sa isang pambihirang pagkakataon. Sa wakas ay natagpuan ko siya. Ang lalaking nagpatibok sa puso ko sa unang naming tagpo. Ang lalaking hinanahap ko. Ang lalaking pinangako ko sa sarili kong hindi ko lolokohin. Ang lalaking inaasam kong dumating at mamahalin ko. Ang lalaking nagparamdam ng kilig, at saya sa pihikan kong puso.

Ngunit ang masaklap ay ang pagdating ng delubyo sa buhay ko.

Paano niya ako magagawang mahalin kung ang katauhan ko ay nasa katawan na ni Adonis?

Paano niya ako magagawang ligawan gayong isa na akong ganap na lalaki sa panlabas na kaanyuan?

Magagawa kaya niya akong pahalagahan sa kabila ng aking pigura na alam kong dahilan rin nang aking kasalanan sa nakaraan?

I'm Almeyra Athena Ambertown-Suk. I'm the famous 'MISS KOREA ATHENA', a woman of wisdom like Athena but after claiming the consequences of breaking every man's heart.

Those guys, I hurt before conspire  to gave me a lesson. They gave me a new identity... A new life.

I'm not the famous 'Athena' that everyone's eneamoured anymore. 

I am now, ALMEYR AMBERTOWN.

Kung dati ay hinahangaan ako dahil sa taglay kong kagandahan.

Ngayon ay tintingala na ako bilang si ADONIS dahil sa bago kong katauhan.

Pero alam mo yung nakakabigla?

Eto yun eh!

Yung... PINAGPANGGAP NIYA AKONG BOYFRIEND NIYA!

Yes. B-O-Y-F-R-I-E-N-D.

Bilang kabayaran sa pagpapatira niya sa 'kin sa bahay niya.

Pinasok ko ang pinakakomplikadong relasyon.

And the most awkward moment is that is this...

When I speak infront of everyone... Introducing him, my favorite awkward line of sending off those flirty bitches that his mother been setting up to him is this...

"HE'S MY GIRLFRIEND. "

Wtf. Do you even know how awkward it is??

Na lingid sa kaalaman ng lahat. Na tanging ako, ang MASUNURING doctor na umopera sa akin at ang tatlong HUDYONG sinaktan at iniwan ko ang siyang tanging nakakaalam na isa talaga akong ganap na babae.

That I'm actually, NOT a MAN.

That I'm NOT INTO WOMEN.

That I AM WOMAN....just inside a man's body. 

‘‘Ang Girlfriend kong Transsexual’’

©quirkyalone29_082020

He's my GirlfriendWhere stories live. Discover now