Hindi ko naiwasan ang sampal na sumalubong sa akin kahit na hindi pa man ako tuluyang nakakapasok. Bahagya akong natumba dahil sa lakas ng pwersa nito.
Kailan pa ba ako masasanay. This has been my breakfast and dinner for the past years. And as always, I managed to get up on my own.
"Linda, enough. Sinasaktan mo na naman ang anak mo!" rinig kong sigaw ng mabait na asawa ng babaeng na'sa harapan ko.
"Hindi! Sumusobra na 'tong batang 'to! Ayusin mo 'yang buhay mo, Gabrielle!"
I slowly touched my already swollen face. Dahan-dahan kong hinarap ang taong nagmamay-ari ng kamay na iyon.
I scoffed when I saw her struggling to break free from her husband's arms, reaching out to hurt me. Namumula at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
How sweet.
"Anak?" Tumawa siya nang mapakla. "Kahit kailan hindi niya ako ginalang bilang ina."
She turned sharply at me. I smirked when I saw tears twinkled at the corner of her eyes.
Ganiyan lang. Umiyak ka.
"Bakit ba hindi mo ako kayang respetuhin? Kahit bilang tao man lang."
"Dahil wala kang kwenta. Wala kang kwentang tao at mas lalong walang kwentang ina," malamig at may diing tugon ko sa kaniya. "Sana ikaw na lang 'yong nawala."
Nakita kong natigilan siya dahil sa sinabi ko.
Hindi ba siya makapaniwalang nasabi ko 'yon? Well, I just did. And I'm not taking it back.
"Gabrielle, magtira ka ng konting respeto sa mama mo."
This time, even that kind husband of her interfered and shot me a disappointed look. Pero hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Sambit lang siya rito!
"Alam kong nagkakaganito ka dahil sa nangyari sa papa mo. Pero hindi ko ginusto ang nangyari sa kaniya!"
"Hindi nga ba talaga?" My words were full of sarcasm.
I steadied my voice when it started to crack.
Hindi pwede. Ayaw kong umiyak. Hindi ako pwedeng maging mahina sa harap nila.
"Papa died because of you pero ikaw, nandito, buhay at malandi pa rin."
Isang sampal na naman ang natanggap ko mula sa kaniya. Matapang ko ulit siyang hinarap kahit na dinuro-duro niya ako.
I throw a cold glance on her before making my way to my room.
I grabbed a jacket and placed a couple of books in my bag before going out again.
Nowhere in this house feels like home.
I went pass through them, completely ignoring their presence.
"Bumalik ka rito!" Hindi ko mapigilan na mapangisi. I could hear her frustration---a satisfaction in my part.
Gusto kong magalit siya. Hanggang sa puntong hindi na niya maintindihan ang nararamdaman. Just like how I feel whenever I see them happy as if they never drove someone to his death.
I'm never coming back.