Kabanata 1

248 17 0
                                    

Nagising si Arcelles dahil sa malakas na tunog mula sa labas ng kanilang bakuran. Mabilis siyang napatayo at sinilip ang kaniyang bintana.

It was her parents.

Nag-aaway ang mga ito.

"Bumaba ka sa kotseng 'yan, Guillermo!" sigaw ng kaniyang eskandalosang ina.

"Get out my way, Divina." Narinig pa niyang saad ng kaniyang ama. Kalmado lang ang boses nito. Kung tatantyahin, siguro'y tinutupak na naman ang kaniyang ina.

Nakita niya ang dalang baseball bat nito at ang basag na salamin sa likod ng kotse ng kaniyang papa.

"Don't you tease me, Guillermo. Gusto mo bang basagin ko lahat ang kotse mo?"

"Ikaw ang bahala..." sabi pa ng ginoo saka humarurot sa pagpapatakbo ng kaniyang sasakyan.

Galit na galit ang ginang sa sandaling iyon at nagmartsa sa loob ng mansion.

Ganito na lang ang nabubungaran ni Celes sa kanilang tahanan, kung hindi basag na kotse o bintana, mga sirang gamit o appliances naman ang naaabutan niya dahil sa pag-aaway ng kaniyang ama't ina.

Minsan nga ay natatanong niya kung hindi ba sila napapagod sa ganoong scenario.

Mabilis siyang naligo at nagbihis, pumunta siya sa kusina at doon naabutan ang kaniyang kapatid na si Amia.

"The food's ready, ate." Sabi pa ng dalaga na abalang ngumunguya.

"Okay."

"Gusto mo ng milk, ipagtitimpla kita..." sabi pa nito.

"No."

"Ah okay, uhm, ate, may lakad ka ba ngayon?"

"Why?"

"Kuwan kasi, may activity kasi kami sa school tapos..."

"Meron." Walang gana na sagot niya rito.

"Ah, s-sige..." nalungkot ang mukha nito.

"Nasaan ba si mama? Ba't hindi siya ang sabihan mo?"

"Eh kasi, may lakad daw s'ya sa..."

"Saan? Sa Casino?"

Tumahimik na lang si Amia saka mahinang tumango. Kung hindi siya nagkakamali, hindi ito binigyan ng allowance ng ama niya kaya nagwawala ito kanina.

"Nag-away na naman sila kanina, ate." Mahinang sabi pa ni Amia.

"Hindi ka na ba nasanay?" pabirong saad niya rito.

"Sa totoo lang, ayoko nang magtagal sa pamamahay na 'to, ate. Plano ko nga na magmamadre na lang ako kapag natapos ko na ang senior high school ko..."

"Sira ka ba? Magmamadre ka?"

"Ayoko namang pamahalaan ang kompanya natin, ate. Ayokong ipakasal sa kung sinu-sinong lalaki d'yan, hindi ko gusto ang disposisyon natin, ate. Mayaman nga tayo, pero hindi naman tayo masaya..." malungkot na saad ni Amia.

Kumurot sa puso ni Celes ang huling sinabi ng kaniyang kapatid. Tama ito, hindi sila kailanman naging masaya. Wala sa ala-ala niya na minsan ay nabuo sila, dahil aside sa pag-aaway at hindi mabilang na gulo, saksi rin ang mga katiwala nila sa mansion kung gaano kalungkot ang pamilya na mayroon sila.

Natahimik si Celes sa sandaling iyon, gusto niyang bawiin ang sinabi niya sa kapatid niya kaya lang ay nauunahan siya ng pride.

"Mauna na ako, ate. Baka ma-late ako sa school," paalam ni Amia.

"Sige."

Nang mawala sa paningin niya si Amia ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Sumandal siya sa inuupuan at tiningnan ang kaniyang cellphone. Mamaya sila magkikita ng kaniyang kababata na si Melanie, matagal na silang magkaibigan na dalawa. Kung hindi lang nag-resign ang mama ni Melanie bilang kasambahay sa mansion nila, ay tiyak na hanggang ngayon ay magkasama pa rin sana sila sa mansion.

Marrying a MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon