Bernadette and Juniel - Prologue

2.4K 68 0
                                    


"OH, NO!"

Umagaw sa atensiyon ng mga bisita ang nanulas sa mga labi ni Mariel. Gumuhit sa magandang mukha nito ang biglang pagdating ng kirot, saka sinapo ang kabuwanan nang tiyan.

"You mean, now?" Maagap si Benedict sa pagdalo sa asawa.

Kagat ang labing tumango si Mariel. Mabilis namang binuhat siya ni Benedict at isinakay sa kotse. Kumaway ito bilang pagpapaalam sa mga bagong-kasal na nasa presidential table.

"Poor, Mariel," naiiling na wika ni Frederick bagaman nasa mga labi ang masayang ngiti.

Tumaas ang isang kilay ni Roselle na nilingon ang groom. "Why did you say that?"

Malambing na dumikit ito sa kanya, saka bumulong sa likod ng tainga niya. "Because she will not be visited by us in the next four days, at least."

Lumabi si Roselle. "Of course not. Natural na excited akong makita ang anak nila ni Benedict. Prisintado yata akong ninang ng baby nila."

"Postpone it. We'll have our honeymoon first." Nasa himig nito ang kasabikan.

"As if you haven't—" Naputol ang pambubuska ni Roselle sa asawa nang maramdaman niya ang pagsaway nito sa pamamagitan ng marahang pagsipa sa kanyang binti.

"And who told you I had enough of it? Nakalimutan ko bang sabihin sa iyong isinumpa ko na sa sarili kong ikaw na lang ang babae sa buhay ko mula ngayon?"

Kunwa'y tumirik ang mga mata ni Roselle. "Hanggang kailan naman kaya iyon?"

"Forever and—"

"Mama!" Umagaw sa sasabihin ni Frederick ang patakbong paglapit ni Juniel. Cute na cute ito sa bihis na pang-ring bearer.

Tinapos ni Roselle ang pagkain at hinarap ang anak na nakawala sa pag-aalaga ni Didith. "What is it, my boy?"

Humagikhik lang si Juniel nang yakapin ng ina. Frederick turned his eyes to both of them adoringly. Maluwag ang paghingang sumagap ito ng hangin. Tiyak nito sa sariling aariing tunay na anak si Juniel.

Pumailanlang ang kalansingan ng mga basong matinis na pinapalo ng mga kubyertos.

May kislap sa mga matang nagkatinginan sina Roselle at Frederick. Dinampian ni Roselle ng halik ang anak, saka kinambatan si Didith na kunin muli si Juniel.

Liyad ang dibdib na nakaalalay si Frederick sa asawa nang magsimula silang mag-table hopping. Halos nasa ikahuling mesa na sila nang umagaw na naman ng eksena si Juniel. Ngayon ay iniaabot ng bata kay Roselle ang maliit na aparato — her pager.

Nagpasintabi si Roselle sa grupo ng mga bisita at binasa ang message na pumasok.

Wish our princess only the best...

Galing iyon kay Benedict. Bagaman nagtataka si Roselle sa bilis ng pangyayari dahil kaalis lang ng mga ito sa reception ay masaya siya sa nabalitaan.

"Wala nang atrasan 'to!" Maluwang ang ngiting bumaling siya kay Frederick.

Matigas na umiling si Frederick. Bakas sa mga mata nito ang pagtutol nang ipabasa niya ang message. "Don't take that seriously, Roselle. Nasa computer age na tayo ngayon. At hindi na nakikialam ang magulang sa pag-aasawa ng kanilang mga anak. Bahala silang pumili ng kanilang kakasamahin."

"Basta! Lalaki ang sa akin at natural lamang na nasa akin ang isang salita. She may back out but not me."

------ itutuloy -----

Maraming salamat sa suporta.

You can order some of my books from my Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

Sometimes You Just Know - Volume 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon