"Nami! Tulala ka na naman diyan!" Sabi sa akin ng bestfriend kong si Mina
Oh diba? Nami ako tapos siya Mina..
Bumuntong hininga lang ako at tinignan ulit siya.
"Panget ba ako?" Tanong ko,medyo nilaksan ko dahil maingay dito sa canteen
"No"
"Kapalit palit ba ako?"
"Nami.. Hindi"
"Then,why?!"
Sabay kaming natawa dahil sa mga pinaggagawa namin. 6 na taon na kaming magkaibigan,nagsimula kaming dalawa na maging kaibigan noong grade 3 kami.
Nagkita kami noon sa CR at nadulas siya tapos tinawanan ko lang siya.. Tapos ayun na! Naging magkaibigan na kami
"Teka nga lang.. Bakit ka ba tulala diyan?" Tanong niya
"Mina.. Nakita ko kanina si Crush" sabi ko at maiiyak na naman
"Oh? Diba dapat maging masaya ka!" Sabi niya
"Dapat nga eh.. Kaso hindi" sabi ko..
"Oh.. Eh bakit naman?" Tanong niya
"Nakita ko siyang kasama si Vanessa!" Sabi ko bago sumubsob sa table at umiyak
"Huy! Nami! Tsk.. Wag kang umiyak! Pinagtitinginan tayo.. Baka sabihin nila ako ang nagpaiyak sayo" sabi niya at hinampas ako
Pinunasan ko ang luha ko bago tumingin sa mga tao na tinitignan ako
Ngumiti ako bago kumaway
"Huwag kayong magalala! Hindi si Mina ang nagpaiyak sa akin! Yung Crush ko!" Sabi ko at umiyak na naman
"Nami! Nakakahiya ka talaga kahit kailan.. Tumigil ka na nga diyan!" Sabi sa akin ni Mina
"M-Mina! Maganda naman ako diba? Bagay naman sa akin ang buhok kong kulot diba?" Sabi ko at hinawakan ang buhok ko
"Tsk.. Nami.. Oo bagay sayo yan!" Sabi niya,nagkakamot na ng ulo
"Pero.. Hindi naman ganito ang buhok ko eh! Straight to eh! Straight!" Sigaw ko habang lumuluha
"Magsuklay ka kasing babaita ka!" Sabi sa akin ni Mina at naglabas ng suklay sa kaniyang bag at inabot sa akin "Uso to,beh! Try mo dali! Try mo lang!"
"S-Suklay? Ayoko! Sayang lang sa oras yan!" Sabi ko at nilayo ang suklay sa akin
"Nami! Babae ka! Dapat maayos ka sa katawan mo! Huwag mong pairalin ang katamaran mo!" Sabi niya sa akin
"Opo,nay" parang pusang sabi ko
"Nay.. Nay.. Sapakin kita diyan eh" sabi niya
Pinahiran ko ang luha ko bago tumawa at sa huli sabay na kaming tumatawa
"Pero.. Pwera biro.. Maganda ka eh,talagang tamad ka lang" sabi pa niya sa akin
"Ay.. Ang sakit non ha?" Madramang sabi ko
"Hay naku! Ewan ko sayo!" Sabi niya at tumayo na
"Tara na at baka malate pa tayo sa next class natin" sabi niya sa akin at hinila na ako
"Ay teka! Magccr lang pala ako.. Una ka na!" Sabi niya sa akin
"M-Mina!" Tawag ko pa pero hindi na siya lumingon pa
Bumuntong hininga na lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad
"Angelo si Nami,oh"
"Uy si Nami"
