"Thank you Ma'am. iCare Philippines are happy to serve you." Inalis ko na ang headset ko at napa pikit. Patapos na rin naman ang shift ko at masakit na rin ng likod ko. I need a massage. Both body and my head. Pagka dilat na pagka dilat ko ang muka ni Rose na nagsusumamo ang bumugad sakin.
"Clem sama kana please. Bithday naman kasi ni Sir Bong. Palagi ka kaya nun hinahanap. Wala ka kasi always sa birthday nya taon taon." Mahabang lintaya ni Rose.
"Makakahindi pa ba ako sayo? Parang iiyak kana dyan eh. Oo na." Natatawa kong saad.
"Yes! Sismars payag na sya! Makaka party narin tayo ng kompleto sa bonggang club na yun!" Sabay sigaw ng kung sino mang kasamahan dito sa department namin.
Ngumiti na lang ako at napatango tango. Ngyaon lang to baka sabihan pa akong kj ng mga ito.
"Oo na. San nga yon?" Sabi ko habang nag uunat. "Uuwi muna ako." Sabay tayo at ayos ng mga gamit ko.
"Sa Zone X. Yung bagong club sa city proper." Sabat ni Rose.
"Zone X?" Tanong ko pa.
"Bagong bukas daw yung Zone X na yun mga sismars! Kapatid yata yun nong sikat na Club X and I heard na kaibigan ni sir yung owner ng Zone X! Yung isa sa mga kambal na yummy! Si TJ ata yun o JT? Basta isa sa yumming kambal kaya madali lang kay sir na maka book dun. Balita ko nga kahit mga celebs eh nahihirapan maka pasok dun." Singit ni Sam-ang baklang mukang babae na parang naka kita ng star ang muka sa pag bangit ng palangan nila sir at yung mga kaibigan ni sir.
"Eh sila naman talaga yung may ari ng Club X diba?" Pagtatanong ni Rose.
"Ay girl nope" Sam said popping the 'p' "Yung Club X kay papa JT yun tapos yung Zone X naman ay kay papa TJ yun. Ganon." Maarteng sabi pa ni Sam
"Eh parang kanila naman talaga diba? Kambal sila remember?" Saad ni Rose.
"Ay may point." Naka nguso pang sabi ni Sam."Ay pero malay mo hiwalay ang kanilang assets diba?"
"Ang yaman pala nila kung ganun." Nasabi ko nang malakas.
"Agree to the max girl! And you know sila din kaya yung may ari ng Air Philippines. Yung sikat na airline company. San ka pa? Yummy na, ma datung pa." Natatawang saad ni Sam.
"Tumigil ka na nga Sammy. Wala namang pakialam dyan si Clem! Ano ka ba. Alam mo namang old maid na sya diba iba yung mga taste nyan. Wag ka nga baka mag bago pa mood nyan di pa yan maka sama satin." Sabat ni Yna. Ang aming specialist.
"Che. Ikaw din naman ah malapit na ka na maging old maid." masungit na sabat ni Sam kay Yna.
I raised my eyebrows at Yna."Ganon ba? Sige di na lang ako pupunta."
"Toh naman joke lang." Sabay tawa ng peke ni Yna.
"Tigilan mo nga si Clem, Yna." Sita ni Rose. "Hayaan mo na lang sya Clem. Alam mo naman ang ugali ng babaitang yan."
"Ano ka ba Rose. Okay lang no. Totoo namang old maid na ako." I said with my low voice.
"Aish umuwi ka na nga! Mag palit ka yung malalaglag yung mga boxers nila. Dapat yung bongga ha para ma ingit yung si Yna maldita na yan." Pag u-uplift sakin ni Rose.
"Wala akong bonggang damit ano ka ba. Sige mauuna na ko. Susunod na lang ko dun." I said while getting my things at pupunta na sa elevator.
"Dapat lang!" Rinig kong sigaw ni Rose habang papasok na ako sa elevator.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ng apartment ko bumugad agad sakin si Muning-ang anak kong matabang pusa.
Sa edad kong trenta sigurado na akong tatandang dalaga na ako. Old maid na nga tawag sakin. Ewan ko ba noong mga panahong fresh pa ako at mas bata marami namang nanliligaw sakin. May mga naging karelasyon din ako kaso di tumagal hanghang sa naging tumandang dalaga na nga ako.
Okay naman ako sa kung anong meron ako ngayon. Sapat naman ang sinusweldo ko para sa tubig, kuryente, wifi, pang groceries, renta dito sa apartment at sa amin ni Muning. Napatingin ako sa alaga kong pusa nang nilalandi nya ang paa ko.
I smiled at my cat; "Oo na Ning, eto na papakainin na kita." Sabay buhat sa kanya. Ang bigat bigat na nya at ang taba taba na rin. Akalain mo yun kelan lang parang pusakal tong pusa na to, payat, madumi at pinabayaang pusa talaga ngayon pwede na syang makipag sabayan sa mga sosyaling pusa.
"Meow...meow...." purr ni Muning.
"Aww bibi wait ha. Tatanggalin lang ni mami yung shoes nya ha?" Pag aalo ko sa pusa.
"Meow... meow..." purr nya ulit at parang na intindihan nya ang sinabi ko. Natawa naman ako.
"Aww gutom ang na bibi ko." Sabay punta namin ni Muning sa kusina. "Tara na mami will feed you." I patted the head of my cat.
Binigyan ko nang cat food at cat milk si Muning sa kanyang bowl; "ayan ning. Pakabusog ka bibi ha. May pupuntahan pa kasi si mami na party pero uuwi din naman ako. Gagabihin nga lang." I said to my cat sabay lapag sa sahig ng kusina at nilambing ko ito.
She looked at me na parang alam nya ang sinasabi ko at na iintindihan nya. She just purred again and meowed at me.
"Good girl ang bibi ko. Mag papalit na si mami ha. Eat well my bibi." I said to my cat and went inside my room.
I was looking at my reflection at the mirror. I look okey naman parang wala namang pinag bago, white polo shirt, dark blue demin pants, a rubber shoes at lastly I sprayed my perfume para bumango lang ako nang konti. I was busy looking at my reflection nang tumunog ang cellphone ko. It was a message from Rose.
Clem san kana? Nag sta-start na yung party.
Oo na. Eto na pa alis na.
Bilisan mo. ASAP.
BINABASA MO ANG
Two for Love
RomanceSimple lang naman ang buhay ni Clem. Isang thirty year old na old maid, a call center agent at may alagang matabang pusa. Boring para sa iba pero ayaw na ayaw ni Clem ng hassle sa buhay at ang Sandoval twins na sina TJ at JT ang magbibigay ng kakaib...