SIMULA

34 4 1
                                    

WAY BACK INTO LOVE
rubiengzsamson




Simula

"May panibagong balita na naman sa Sto.Tomas na si Ericha Davill ay ginahasa kagabi sa bandang alas diyes. Ayon sa nag-imbestiga ay sinaksak ito ng sampung beses sa katawan hanggang sa mawalan ito ng hininga. Ayon sa saksi na nakanood ng buong pangyayari ay limang mga hindi kilalang lalaki ang gumahasa sa dalagita. Ang mga magulang ng biktima ay humihingi ng hustisya sa pagkamatay ng dalaga. Siya lang daw ang nagtratrabaho para sa boung pamilya at ang nagpapaaral sa mga kapatid. Kaya kong sino man ang umuuwi ng gabi ay mag ingat kayo at kung maaari ay agahan niyo ang pag uwi lalo na sa mga babae."

Napailing nalang ako sa aking napanood sa tv. Tuwing umaga ay ang unang binabalita ay tungkol sa mga ginahasa. Sa bawat gabi-gabi ay may ginagahasa. Walang katapusan ang pangyayari sa mundo, walang pagbabago. Bagamat may bagbabago ngunit hindi ang ganito.

"Hoy ikaw Kayliez alam kong gabi kana umuuwi at alam ko yon dahil nagigising ako. Mag ingat ka at sabi nga sa balita ay kung maaari ay agahan mo ang pag uwi." si tita na walang katapusan sa pagsasalita sa akin.

"Tita ano na'ba naman kayo. Nandiyan naman po ang boyfriend ko at hinahatid niya ako pauwi dito kaya huwag na kayong mag-alala."

Si Joey ang matagal ko nang kasintahan sa loob ng dalawang taon. Nakilala ko siya noong ako ang naging photographer ng kanilang pamilya at doon nagsimula ang aming pagmamahalan. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng boyfriend na mabait at mapagmahal. Hindi niya ako pinipilit sa mga gusto niyang gawin sa amin at iyon ang hinahangaan ko sa kaniya. Mahal ko siya at alam ko 'rin na mahal niya ako dahil iyon ang pinapakita niya sa akin at pinaparamdam. Masaya ako sa aking buhay na kasama siya at talagang hindi ko ito sasayangin.

"Kahit na, wala akong tiwala sa boyfriend mong yan."

"Two years na po at wala parin kayong tiwala sa kaniya?"

"Walang basihan ang pagtitiwala. Kayliez nag-alala lamang ako para sayo. Madilim sa daanan at malayo ang lalakarin mo papunta dito. Nandito tayo sa Sto.Tomas at madami na ang nagagahasa."

"Tita nag iingat naman po ako at hindi ko po pinapabayaan ang sarili ko."

"Sige na, baka ma-late kapa sa trabaho mo basta mag-iingat ka."

"Opo. Klaron, Klaris aalis na si ate."

"Ate mag-iingat ka at wag mong kalimutan ang pasalubong ni Klaris." si Klaron.

"Oo naman."

Binuhat ko si Klaris na apat na taong gulang pa lamang. Ang malambot niyang pisngi ay kinurot ko dahil sa panggigigil at hinalikan.

Nagpaalam ako sa kanila bago umalis. Nang makalabas ako sa village ay pumara ako ng jeep upang makapunta sa aking trabaho.

Tatlo kaming magkakapatid at matagal ng namatay si mama. Walang naka alam sa amin na may sakit siya sa puso at siya lang ang nakakaalam, sabi ng doktor ay kung magkaanak siya ay imposible daw itong mamatay ngunit huli na ang lahat nang pinagbubuntis niya so Klaris. Si papa ay namatay sa sakit na Bone Cancer stage 4. Simula ng nawala sila naghirap kami. Kung hindi lang ako nagtrabaho habang nag-aaral ay baka hindi kami makaahon sa hirap. Tinulungan ako ni tita ang kapatid ni mama na palakihin ang bunso kong kapatid. Ngayong taon ay aalis siya at mangingibang bansa para sa amin at isa pa ay malaki ang sahod. Si Klaron ay koleheyo na at dalawang taon na lamang ay gra-graduate na siya ng Engenering.

WAY BACK INTO LOVEWhere stories live. Discover now