Pandemya: Pagsasalamin sa Kawalay-katakos
Isang kagimbal-gimbal na pangyayari
Gumulat sa taong akala nati'y magiging maluwalhati.
Isang sakit ang lumaganap, maraming taong nasawi
Dulot nga ba ito ng kasaysayan o kapabayaan ng marami?
Isa itong kapabayaan ng mga nasa itaas
Hindi na natuto sa kasaysayang lumipas
Buhay ng mamamaya'y isinawalang bahala
Pati ekonomiya, isinakripisyo na.
Masyadong kumampante bansa nating ito
Hindi napaghandaan pandemyang wawasak sa kabuhayan ng tao
Inuna ang kapakanan ng damdamin ng karatig bansa,
Paano naman yaong sinumpaan mo ng pangakong pagsalba?
Hindi na sana lumala pa
Kung sa mga eksperto'y binuksan ang tainga
Kung noong una pa lang ay pinigilan ang pagpasok sa ating bansa
Hindi na sana umabot pa sa sitwasyong nakakabahala.
Mga doctor, nars at lahat ng trabahador sa ospital
Hindi makauwi't mayapos kanilang mahal
Sa takot na mahawaan nitong sakit na dulot ng kapabayaan
Sa pasilyo na lamang pansamantalang namamahinga't naninirahan.
Pinabayaan ang mahihirap
Walang makain ni butil ng bigas
Lumabas sa lansangan upang sana'y humingi ng tulong sa nakatataas
Ano't bakit ipiniit sa rehas kung saan sila'y lalong magdudusa.
Itong pandemyang ito'y nagbukas ng ating mga mata
Gobyerno'y walang awa sa mga nasa laylayan at propesyunal sa ating bansa
Sila'y isinawalang bahala, inuna mga bagay na walang halaga
Ngayon sabihin ninyo sa aking hindi sila pabaya.
Ito'y purong kapabayaan
Walang halong dulot ng kasaysayan
Kung noon pa lamang ay ginawang aral na ang nakaraan
Hindi na sana aabot sa puntong lahat ay nahihirapan.
BINABASA MO ANG
Pandemya: Pagsasalamin sa Kawalay-katakos
PoetryThis is my winning piece from the recent celebration of my school for Buwan ng Wika 2020. With the topic: "Pandemya: Dulot nga ba ng Kasaysayan o Kapabayaan?" Enjoy!!💗