DAHAN-DAHANG ibinababa ng mga kalalakihan ang kabaong ng pumanaw na ama ni Kelli, ang musmos na batang naulila ng kaniyang namatay na mga magulang.
Si Kelli ang nag-iisang anak ng matalik na kaibigan ng papa ni Cassidy. At sa murang edad nilang dalawa ay napagpasyahan ng korteng maging legal na guardian ni Kelli ang pamilyang mayroon si Cassidy.
Masaya, Oo. Nakakatuwa, Oo. Pero sa simula lamang iyon, dahil naging komplikado ang lahat dahil sa isang umuusbong na selos ni Cassidy para sa kaibigang si Kelli.
Bakit nga ba?
Cassidy is just a girl who always rely to others when it comes to 'brainy-session' o matatawag nating 'katalinuhan', kasi nga wala siya ng ganuon. Ang importante lamang sa kaniya ay ang kagandahan, ang estado at ang mga taong pwedeng makatulong sa kaniya. In other word, magagamit.
Bumuntung-hininga si Cassidy habang pinandilatan si Kelli. Nag-crossed arms pa ito sabay flip ng kaniyang nakalugay na mahabang buhok.
Nakikisabay sa eksenang iyon ang kalangitan na nagbabadyang maghulog ng kung anumang bagay mula sa taas. Magkahawak kamay ang mag-asawang sina Via at Hugo habang nasa gilid nila ang dalawang batang babae na sina Kelli at Cassidy. "Alright, enough now. Let's go hon. Tara na girls," anito habang hawak sa magkabilang kamay ang mga palad ng dalawang batang babae.
"Mom, from now on po ba.. Kelli will be my sister na? She'll be living with us na rin? Uhm. So, she'll be my...my...ano nga po 'yon?" Maarteng tanong ng batang si Cassidy na noo'y naguguluhan sa salitang 'foster parents', gaya nga ng ibang bagay, hindi niya alam ang mga iyon at mas lalong wala siyang paki-alam na alamin iyon.
"Yes, hija. We will be her family from now on. Sa mansion na siya titira at sabay namin kayong palalakihin bilang isang tunay na magkapatid," anito habang marahang naglalakad papunta sa kanilang sasakyan.
"I miss daddy..." Sabi pa ni Kelli na humihikbi habang pinupunasan ang gilid ng kaniyang mata. "Don't worry baby girl, tito is here, I'm gonna be your second daddy. Okey?" Sabi pa ng daddy ni Cassidy na gaya ng nakasanayang tonada ng boses nito. Maswerte si Cassidy sa kaniyang mga magulang dahil bukod sa ubod ng bait at responsable, mga aktibo rin ang mag-asawang Montemayor sa pakikipagkawang-gawa at mga pagtulong sa anumang uri ng pamamaraan.
"Hmmp, guess who's here, heler.." Mapanuyang sabat ni Cassidy sa mga magulang na may pinariringgan.
"Hey, Cassidy. Don't worry, you're our only baby princess, don't get jealous to Kelli. She needs us, baby. Naiintindihan mo naman siguro diba?" Si Doña Via na hinawakan ang mukha ng batang edad sampung taong gulang.
"Whatever!" Sambit ni Cassidy na pinandilatan lang si Kelli at naunang nagmartsa sa kanilang sasakyan.
Nang makalayo ang kanilang selosang anak ay tinapunan ng mag-asawa ang batang si Kelli na noo'y nahihiya at hindi komportableng nakatingin lamang sa direksyon ni Cassidy. "Don't worry hija, mabait si Cassidy, kailangan mo lang siyang intindihin.." Sabi pa ng ama ni Cassidy na si Don Hugo.
"Opo, alam ko po." Kemeng sambit ni Kelli na gaya ng anak nila'y sampung taong gulang sa mga panahong iyon.
Naging ganuon ang set-up ng pamilya ni Cassidy hanggang sa naglaon ay na-adopt na rin nito ang pamumuhay kasama ang kaniyang almost-sissy na si Kelli. Iisa lamang ang naging dahilan ni Cassidy sa mga panahong iyon, at iyon ay ang katalinuhan ni Kelli na wala sa kaniya.
Nasa huling antas na sila ng high-school nang mga panahong iyon at naghahanda ng tumuntong sa kolehiyo. Gaya ng madalas na nangyayari, laging naka-alalay si Kelli kay Cassidy sa anumang uri ng proyekto, asignatura at maging sa mga personal na bagay.
BINABASA MO ANG
I am Dating The Probinsyano
General FictionMeet Cassidy Montemayor, ang nag-iisang anak nina Don Hugo at Doña Via Montemayor na kilala sa kanilang nasasakupang bayan ng Sta. Josefa. Lumaki siya sa karangyaan at lahat ng gustuhin niya ay nakukuha niya. She's having all she needs in life, and...