CHAPTER 14

61 14 18
                                    

DOPAMINE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DOPAMINE

***

"Alam mo para kang multo." 

Nakangiti akong sumulyap sa kaniya, andito kami pareho sa hamba ng bintana ko, nakaupo habang pinagmamasdan ang madilim na kapaligiran. Tanging ilaw lang ng bawat hallway ng hospital na ito ang nagsisilbing ilaw sa malawak na hardin, at syempre ang maliwanag na buwan. Tumawa siya.

"At bakit na naman, Kape?"

Bahagya siyang umayos nang upo na parang medyo nakaharap siya sa'kin. I find it awkward, hindi ko alam bakit bigla ako nakakaramdam nito, at napapansin ko ang puso ko, malakas lagi ang pagtibok nito. Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya, pero alam kong nakatingin pa rin siya sa'kin, pansin ko sa gilid ng mata ko.

"Pasulpot-sulpot ka, hindi ka nagsasabi na pupunta ka dito," saad ko "Ano ba ang ginagawa mo sa araw at gabi ka nagpaparamdam?" pagtatanong ko talaga at napapansin ko kasi parati siyang gabi nagpaparamdaman, though nagkakachat naman kami, curious lang din ako. HAHAHA

"Nothing." simpleng tugon niya sa tanong ko.

"Paanong nothing? As in wala?" sinulyapan ko siya at muli tumingin sa malawak na hardin

"Nothing special naman kasi ang nangyari sa'kin araw-araw, bahay, travel, photography, bangayan with Daddy." normal lang na sabi niya sa'kin pero halata sa tinig niya na malungkot siya. "Sumasaya lang ako sa t'wing..."

"Sa t'wing?" tanong ko kasi naputol na sa part na 'yon

Hindi na siya umimik kaya muli akong tumingin sa kaniya, nakatingin lang talaga siya sa'kin, parang eng-eng talaga tong tao na ito, kaya naman para bumalik siya sa wesyo, bahagya na din akong humarap sa kaniya nang upo at hinawakan ang magkabilang braso niya.

"Huy! Okay ka lang?!"

Nagpakurap-kurap siya, at nakangiting tumango, tumikhim-tikhim siya. "I've been chatting you, hindi ka nagre-reply." pangangatwiran niya

Nanlaki ang mga mata ko. "Totoo?" mariin kong napagdikit ang mga labi ko bago ulit magsalita "Eh, hehe, sorry, hindi ko alam, madami kasi akong ginawa ngayong araw," nahihiyang sambit ko, ginulo niya naman ang buhok ko. 

"That's alright, naintindihan ko naman," aniya, "By the way ikaw ano pala ang mga ginawa mo today?" he added

"As usual, pagkagising ko, kakain ng breakfast, after nun hihintayin si Nurse Ken para painumin ako ng gamot, tapos nag rounds yung Doctor ko, chineck ang heart rate ko kung okay naman siya, at pagkatapos nun, naligo ako, nakipag-usap kila Zosia at Lorelei habang kinakain yung pinadala mong pagkain, and then dumating si Doctor Thirdy, isa sa magaling na Psychiatrist na nakilala, kung sabagay siya lang naman ang kilala kong Psychiatrist, pinag-usapan namin ang panaginip ko last night, though, hindi ko naman naikwento sa kaniya, pero dahil magaling siya siguro nalaman niya." hingal na hingal ako pagkatapos kong magdadaldal sa kaniya sa mga nagawa ko ngayong araw

WHAT WAS GOOD ABOUT TODAY? (ECCEDENTESIAST SERIES 2)Where stories live. Discover now