Chapter 1: I'm His Ultimate Stalker

47 3 2
                                    

Mitchy's POV

*scroll*

*click*

*scroll*

*click*

*scroll*

*click*

"Kyaaaaaah! Ang gwapo ni Keith!" napatalon ako sa kama sa tuwing nakikita ko ang pictures ni Keith sa facebook

"Keith! Waaaah! Gwapo mo!" nahiga ako at niyakap ang teddy bear ko na may picture ni Keith

"Keith! Ang gwapo mo! I love you! I love you! I love you Kei---" napatalon nalang ako sa kama ng biglang buksan ni Mama ang kwarto ko at pinandilatan niya pa ako

"Ma naman! Before you enter, knock knock naman diyan!"

"Ikaw'ng bata ka! Alas dose na! Hindi ka parin natutulog! Hindi ako makatulog dahil sa katitili mo diyan!"

"Hihihi..."

"Wag mo akong ma "hihihi" diyan! Matulog ka na nga may pasok ka pa bukas!"

"Opo ma. Matutulog na po. Goodnight." nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi

"Goodnight..." sinirado niya na ang pinto. Dumiretso na ako sa higa-an at kinuha ang cellphone ko at inopen ang gallery. Halos mapuno ng pictures ni Keith ang gallery ko pati lock screen lock ko, si Keith.

Yes, I'm his ultimate stalker. Alam ko kung saan siya nakatira. Updated ako palagi sa kaniya. Saan siya magpunta sinusundan ko. Kahit naka side view at nakatalikod siya kilalang kilala ko siya. Pinipicture-an ko pa nga siya school. Halos lahat na siguro na tungkol sa kaniya.

"Keith. Goodnight. I love you.." in-off ko na ang cellphone ko at ipinikit ko na ang mga mata ko

Umaga na. Habang naglalakad ako. Nagkasalubong kami ni Xiana kasama ang kaniyang mga bff na sina Vannesa at France.  Ang super bully sa school namin. Ang tawag sa kanila sa school ay "The Charles Angels".  Para sa akin, dapat ang tawag sa kanila "The Three Froglets" feeler kasi masyado kala mo kung sinong magaganda.

"Oh.. Look who's here?" tinaasan pa ako ng kilay ni Xiana ang leader ng grupo at classmate ko rin

"Excuse me. Wala akong time para makipaglaro sa inyo" aalis na sana ako ng biglang hawakan ni Vanessa ang braso ko

"Oops. Opps. Sinong masy sabi na pwede kang umalis ha?!"

"Aray! Ano ba! Nasasaktan na ako!" kinuha ni Xiana ang bag ko at nilabas niya lahat ng notebook ko. Hindi ko magawang makalapit sa kaniya kasi hawak ni Vanessa at France ang magkabila kong braso

"Asan nayong assignment mo?!" sigaw sakin ni Xiana

"Hindi ko ginawa assignment ko! Ano ba! Bitawan niyo na ako!"

"Psssh. Girls bitawan nyo na siya." pinulot ko yung mga notebooks ko at pinasok sa bag ko at may napansin akong nawawala sa gamit ko. Yung diary ko!

"Saan na yun?!"

"You looking for this?" napalingon ako at nakita ko ang diary ko. Oo diary ko. Puno ng pictures ni Keith

"Ibigay mo yan sa akin!" pero bago ko maabutan pinunit niya agad eto

"Hahahaha. Oh sorry. Napunit ko diary mo." sacarsista niyang pagkasabi at naglakad na sila papunta sa school habang nagtatawanan

Halos maiyak iyak naman akong pinulot ang mga kapira-pirasong papel ng diary ko.

Pagdating na pagdating ko palang sa school. Bumungad na sa aking harapan ko ang bestfriend kong si Jasmine.

"Hi besh." masiglang sabi ng bestfriend ko kung makasmile wagas. Abot tenga ang ngiti.

"Ano na naman? Wala ako sa mood makipagdaldalan sayo." naglakad kami papuntang room

"Bakit besh? Ano nangyari?" umupo siya sa upuan niya

"Yung mga froglets kasi besh. Pinunit diary ko."

"Hay nako besh. Halika nga, punta tayo ng library." yeah library,  isa sa mga favorite place ko. Diyan ko nailalabas lahat ng sama ng loob ko.

Jasmine's POV

Ako nga pala si Jasmine Scott, bestfriend ni Mitchy. Para rin tong loka loka si Mitchy eh. Maiinlab ba naman sa pinsan ko. Yeah, pinsan ko si Keith Sandford. Ewan ko ba kung anong nakita niya dun sa lalaking yun. Pumunta kami ng library at naghanap na ng libro si Mitchy habang ako naman na nagmukhang aso, sunod lang ng sunod sa kaniya. Habang naghahanap siya, nakita ko si Keith na pumasok sa library. Hinihingal. Hinabol siguro ng mga babae. Pumunta siguro siya dito para magtago. Nagulat nalang ako ng biglang pumasok si Xiana at niyakap si Keith.

"Xiana, ano ba?! Bitawan mo nga ako!" sabi ni Keith habang kumakawala kay Xiana

"Ano ba babe. Minsan lang nga akong sweet sayo eh." sabi ni Xiana

"Wag mo akong mababe babe diyan. Hindi nga kita girlfriend!" umupo si Keith at nagbasa ng libro lumapit rin si Xiana kay Keith. Ang landi ng babae na yan! Nakit ko si Mitchy na naghahanap parin ng libro. Kailangan niya tong malaman!

 "Besh...." sabay kuhit ko sa kaniya

"Ano ba naghahanap pa ako ng libro.. Wag ka makulit Jas.." tinapik niya kamay ko pero kinuhit ko parin sya

"Besh, kunin mo na cellphone mo.... Andito si Keith."

"Huh?! Saan?!" napasigaw siya ng marinig niya ang pangalan ni Keith. Juskong babae to. Alertong alerto pag nandiyan si Keith

"Shhh!" - librarian

"Hehe... Pasensya na po.." sabi ko sa librarian

"Saan si Keith besh?..." bulong niya

"Andun oh. Kasama niya si Xiana." tinuro ko yung dalawa

"Bakit magkasama sila ni Xiana?!" sumigaw siya ulit kaya binatukan ko

"Besh, huminahon ka. May lumalabas na usok diyan sa ilong mo eh."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Broke My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon