Chapter 3 - Blue

2 0 0
                                    

I am not excited. 

Seriously, dapat excited ako ngayon pero hindi! Natatakot ako at kinakabahan. Feeling ko talaga mahihirapan ako dahil sobrang awkward ng personality ko tapos di ako pala-salita. Pwede naman siguro hindi ako pumasok ngayon kasi for sure puro introduction lang yung… or pwede ring hindi kasi college na ito! Wala akong alam! 

Chineck ko uli yung bag ko. Ayoko na may makalimutan. Ilalagay ko na yung mga importante sa locker ko kasi ayaw ko ng may madaming bitbit everyday kaya eto ako ngayon, ang daming dala. Lahat ng textbooks dala ko pati yung extra kong damit for emergency nagdala rin ako pati ata panligo dinala ko na rin. Girls scout ako eh! 

Sa sobrang dami kong dalang libro hindi ko na alam kung paano bubuhatin papasok sa University. For sure naman na sa sobrang bait ng bestfriend ko, hindi ako nun tutulungan at pagtatawanan lang ako. 

Nagbreakfast muna ako bago sumakay papasok ng kotse. Hindi ko talaga alam kung anong nararamdaman ko eh. Natatakot talaga ako at kabadong-kabado. Sana lang maging maganda ang first day ko. 

Walang traffic kaya nakarating agad kami dito sa uni. Eto na talaga… tinulungan ako ng driver namin para dalhin papasok yung mga dala kong libro. Adik din kasi ako eh, pwede naman paisa-isa ang dala ng mga libro pero dinala ko parin lahat. Baka kasi kailanganin namin agad. Ano bang alam ko sa college? 

Hinahanap ko yung building C kasi dun nakalagay yung mga locker pero nakalimutan ko na kung nasaan. Hindi ko parin nakikita si Sabrina. Baka late yun or nakahanap na ng mga bagon friends. Nahihiya ako sa mga tao dito kaya ayaw ko magtanong. Sakto may nakita akong guard na naglilibot kaya tumakbo ako papunta sa kanya.

"Manong gua-" Naputol yung pagsigaw ko dahil sa nakabangga sakin. Wala bang araw na wala akong mababangga? 

Hindi ako tumumba pero yung mga gamit ko nalaglag. Pupulutin ko na sana yung isang libro pero may isa pang kamay ang humawak dun. 

"Anak ng palaka naman oh." bulong ko. 

Bakit sa dinami-dami ng tao dito, siya na naman? 

"Tadpole." sagot niya. Ano daw? Tadpole? Aba, nasaniban na ata. 

"Bakit lagi mo na lang ako binabangga? Type mo ba ako?" Tanong niya. Hindi lang pala masungit to! Cocky din ang attitude. Bwisit naman! 

"Excuse me lang ha. It was never my intention na banggain ka at lalong hindi ko type ang mayayabang na kagaya mo!" Nakakainis tong lalaking to. 

Nag-smirk siya bigla tapos kinuha yung iba kong libro tapos binigay sakin. Bakit parang naging gentleman? Inirapan ko na lang siya at naglakad papalayo.

"Thank you ha!" Sigaw niya. 

Nilingon ko siya at sumigaw. "Walang anuman!" Note the sarcasm. 

Finally, narating ko narin yung locker room. Napaka-laki naman kasi nito. Hanggang building Z ata eh. Mayaman siguro ang may ari nito. Masyadong maayos ang mga facilities at halatang pang-mayaman. Yung mga locker nila walang number kasi surname namin ang nakalagay. Tinignan ko yung katabi kong locker. Naka-ukit dun ang name na "Henderson". Uy! Foreigner siguro to or exchange student. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strangers with Memories: PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon