Chapter 2 - Wrong Move

26 2 0
                                    

Chapter 2 

Napilitan akong bumangon ng maaga ngayon. Pag-dilat ng mata ko, nakita kong nakaabang si Harry sa harap ko. Pero siyempre standee lang yun. 

It's been two weeks since we moved here. I've fixed everything and now my room's very organzied. Nakasabit narin siyempre mga poster ko. Medyo nasanay narin ako na gumigising sa malaking kwarto. Sa dati naming bahay, noon kami lang ni Mama ang magkasaman, maliit lang kwarto ko. Kalahati siguro nito. 

Anyways…. bumangon na ako at mamayang 8 ay aalis ako para pumunta sa University. Sunday ngayon pero may orientation kami. Binigay narin saamin yung schedule. May four classes kami together ni Sabrina, sabay din break namin kaya mukhang di ako mahihirapan. 

As usual, naligo ako tapos nagbihis na. Naglagay ako ng konting make-up. Konti lang naman, di kasi ako sanay pero kailangan syempre maganda ang first impression nila sa akin. ^_____^ 

Pagkababa ko, kumain agad ako tapos sakto dumating din si Sab. Sabay kami pupunta sa school. 

"Ready ka na?" tanong niya sakin.

"Oo. Wait, paalam lang ako kila papa." 

Pinuntahan ko sila mama sa sala tapos nagpaalam ako. Siyempre di mawawalan ng rules bago ako umalis.

"O bumalik ka na bago mag 10 pm. Bawal muna ang boys as of now. Make friends para di ka mahirapan bukas." Inakap ko na lang si papa para matigil na sa mga bilin niya. 

"Alis na ako ha." 

Pagkasakay namin ng kotse, nagpatugtog agad si Sabrina. Sakto naman na tumugtog yung Close as Strangers ng 5SOS. -_______- Kakagaling lang po ni Sab sa heartbreak kaya ayan, tinamaan agad ng kanta. Emo na naman yan. Di pa makamove-on sa asungot niyang Ex eh. 

"Hoy pwede ba wag ka muna magdrama. Please Sab! Wala ba sa vocabulary mo yung MOVE ON?" inis na tanong ko sa kanya.

"Bakit ba kasi may mas magandang babae sakin eh!" sigaw niya ng malakas.

"Arte talaga nito. Lilipas rin yan. Gutom lang yan." biro ko sa kanya. Bigla naman naging seryoso yung mukha niya.

"Madali lang siguro sabihin para sayo yan kasi wala ka naman sa posisyon ko. Ang 'move on' parang diet yan…. Mahirap gawin." sabi niya. Magsasalita sana ako pero bigla siya ulit nagsalita.

"Isa pa, di ka pa naman naiinlove kaya kala mo siguro madali. Ikaw kaya, makita mo yung boyfriend mo na nakapatong sa ibang babae, matutuwa ka ba? Kung napangakuan ka ba ng forever tapos napako din, tatawa ka ba? Kung mahal na mahal mo yung tao tapos iniwan ka, makaka-MOVE ON ka ba?" inemphasize niya yung word na move on…. Ano nga naman ba alam ko? Tsk. Tumango na lang ako sa kanya. 

"He's just a boy. The world won't stop if you two broke up. Madami pang dadating. Antayin mo nalang. Wag mo masyado pahirapan sarili mo ha. Andito naman ako eh. Highschool puppy love lang yan. College na tayo! Sigurado naman na maraming magkakagusto sayo sa ganda mong yan.: Lecture ko sa kanya ng may halong bola. Para lang matigil kadramahan niya no. Sure naman ako na magkaka-boyfriend ulit si Sab. Siya ata nanliligaw sa lalaki. 

Strangers with Memories: PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon