Special Chapter: Unrecognized

809 28 0
                                    


UNRECOGNIZED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

UNRECOGNIZED

When It Rains In Baguio

[A Baguio Series special story]


Introduction


Ito ang ayaw ko rito sa Baguio, eh. Sa tuwing umuulan nang malakas, akala mo bumababa ang mga ulap sa kapal ng hamog. Hindi na makakita nang maayos; hindi makapagmaneho nang maayos. Mamaya ay maaksidente pa ako rito.

Kaya mas mainam talaga sa Zambales, eh. Mabuti na lang at doon ko naisipang pumunta.

"Ginaw, putang ina..." bulong ko sa sarili ko habang kinakaskas ang mga brasong bahagyang nababasa ng mga ulan na tinatangay ng hangin papunta sa aming mga naghihintay rito sa pagtila nito.

Tiningnan ko ang motor ko at nakita kong basang-basa na ito ngayon sa pinag-park-an ko. Kung bakit ba naman kasi hindi bumili si Levi ng mga kailangan niya kaya ngayong marami siyang ginagawa ay ako ang inutusan niyang mamili! Tinawag niya pa talaga akong kuya, ha? Tss.

Ilang sandali pa ay tumawag siya sa akin.

"Kuya, nasaan ka na?" tanong niya muli sa kabilang linya.

"Sandali, putangina mo malakas ang ulan, ano gusto mo, sumugod ako?" iritang sabi ko sa kaniya. Narinig ko ang hagalpak ng tawa niya bago niya pinatay ang tawag.

Naupo ako sa gilid at ipinatong ang mga braso ko sa tuhod. Napatitig na lang ako sa hanggang ngayon ay malakas pa rin na ulan. Bakit ba wala akong dalang kapote? Tang ina, uuwi pa akong Zambales bukas!

Tang inang buhay 'to.

Sa gitna ng pagtitig ko sa malakas na pagpatak ng ulan at sa tunog na malakas at malamig na hangin ngayon, ay tumikhim sa gilid ko. Irita akong nag-angat ng tingin at nakakita ako ng isang babaeng naka-salamin, may bangs din. Hindi tuloy gaanong maaninag ang mukha.

Pero mukha siyang maganda, ah? Hmm...

"Gusto mong sumabay?" tanong niya gamit ang mahinhin na boses.

Napalunok ako bago tumayo at hinarap siya nang maayos.

"A-Ano, hindi na."

Tang inang 'yan. Gian, nauutal? Puta, bago 'yan, ah?

At bakit niya ako isasabay? Kilala niya ba ako? Paano kung kawatan pala ako at may gawin akong masama sa kan'ya sa kabila ng kabaitan niyang ito? Mukha pa namang inosente.

Napabuntonghininga na lang ako. "Tsaka, bakit isasabay mo ako? Hindi mo ako kilala. Paano kung may gawin akong masama sa iyo?"

Nakita ko na bahagyang napaawang ang bibig niya matapos ang sinabi ko. Nag-iwas siya ng tingin bago inilagay ang dalawang kamay na may hawak na kung anong hindi ko napansin sa likuran niya.

Unlabeled [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon