"I don't think I can do this mom." ani ko habang naglalakad ng paikot ikot. I was wearing this big poofy white wedding dress, and I had tied half of my hair up in a do with flowers all over it.
As having my own fashion empire, I designed my wedding dress to fit my imagination. "I don't think I can do this. Maybe there's still time to cancel?"
"Anak, I know you love Gabriel naman. It's normal to have the wedding jitters." sabi naman ni mommy sa akin.
Nakasuot siya ng green dress na sleeveless and medyo fitted, at abot siya just above the knees, na may maliit na slit; which is also from my company, Belladonna! She paired it with a pearl necklace and black heels.
Napahiga ako sa kama at naghinagpis. "What if ayoko magpakasal? What if I still need time? Paano kung-"
"Ate!! Bakit ka pa nagmumuni-muni diyan? You're gonna be late na for your own wedding na oh!" Biglaang pagputol sakin ni Ria, ang susunod na ikakasal. Char! Ang susunod sa akin sa aming magkakapatid.
Nakasuot siya ng red na longsleeves dress na flowy, also from Belladonna, paired with white doll shoes and a pin in her hair. So basically, all of the suits and dresses used in the wedding are from Belladonna! Gosh I'm so proud of myself!
"Excuse me? A queen is never late. Everyone is just early." palaban kong sabi habang naka ngiti.
"Ano ka? Queen of Genovia ka ghorl? Let's go na nga! Your service is there to pick you up! Tara na mommy, sa hiwalay na car tayo sasakay." kinuha ni Ria ang kamay ni mommy at lumabas na ng hotel room.
Naiwan ako doon magisa. Paano kung hindi pa ako ready to commit? What if I might not be a good wife?
Why do i feel that something's missing?
Pumayag lang naman ako na magpakasal kay Gab dahil matagal nang gusto ni daddy maging business partners ang mga magulang niya. Oo, aminin ko na gusto ko siya. I mean, he's handsome, mabait siya, mas lalo na sa mga bata. He's the type of man na every girl could ask for. Pero bakit pakiramdam ko parang may kulang?
Napatigil ang aking pag iisip noong tumunog ang cellphone ko.
From: anna
girl!! where are you na? papayag ka ba na mags-start 'tong wedding mo without you!?
Narealize ko na oo nga pala! Wedding ko nga pala ngayon! Tumingin ako sa orasan, at 2:30 na! The ceremony starts in one hour! Para makarating ako sa simbahan sa tamang oras, dapat umalis na ako ngayon kasi baka maabutan ako ng traffic. Bumaba na ako sa lobby, and nakita ang aking sundo.
When we we're on the road, i heard my tummy grumble. Hindi ko nga pala naubos yung lunch ko kanina! I looked out the window, may nakita akong nagbebenta ng street food.
Sasabihin ko na sana sa driver na tumabi kasi bibili ako ng fishball. Pagtingin ko, wala pala akong pera! I instead looked longingly at the cart as we passed it by.
First time ako nakatikim ng street food noong college ako. I was with one of my friends when i tasted it. Pinatikim niya sa akin actually! It tasted so good!! Very worth it yung price. Mura pero masarap. That idea made my stomach grumble louder! Gosh nakakahiya kay manong driver, but when I looked at him he was just staring straight at the road.
Dumating na ako sa simbahan, at sinalubong ako ng bunso namin, na si Oli. He was wearing a dark blue tuxedo with a black tie and black shoes. Buti nalang hindi niya tinotoo yung sinabi niya kagabi na mag ru-rubber shoes daw siya.
BINABASA MO ANG
Running Back To You (Belladonna Series #1)
RomanceLiz, the eldest of the Belladonna siblings, is a very sophisticated person. She owns her own fashion empire, and is quite know all over the world. Just as she was about to get married, and old flame came back.