Parekoy, 'Takte ka! Mahal kita! (3)

39 2 0
                                    

Dun na tayo sa part na hindi casual yung pag-uusap namin..

Ewan pero kapag nakikita ko ang taong iyan kumukulo ang dugo ko..

Medyo super napakayabang kasi eh..

Nagkausap lang kami nang maayos nung humupa ang signal niya..ANG TRADISYONAL NA HANGIN NA LAGI NIYANG DALA..

"Oh.. anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"Wala.."

"Eh pa'no ka napunta dito?"

"Tinatanong pa ba 'yan eh di sumakay ng bus.."

Ang ayos ng sagot niya noh..

"May field trip din ba kayo?"

"Field trip? Siguro Oo, pero si Mama ang facilitator ng field trip niya..Ang boring na nga eh.. Wala man lang magawa"

"Wow, himala ha..Walang magawa? Di ba dapat matuwa ka pa dahil yun ang gusto mo?"

"Tsk.. sa bagay lahat naman ng tao ganyan ang tingin sa 'kin..TAMAD, WALANG SILBI, WORTHLESS at PATAPON.."

Engkk... nagdrama?

"Bakit ka ba nagkakaganyan ha? Di ka naman dating ganyan ah?"

"Talaga?"

"Oo.."

"Pa'no mo naman nasabi 'yun? Ha? Eh isa ka pa nga sa mga taong badtrip na badtrip kapag nakikita ako"

"Eh bwiset ka kasi.. 'Tol upo ka nga muna dito..."

Pinaupo ko siya sa bench katabi ko.

"Alam mo lahat ng tao pwedeng magbago"

"Oo alam ko yun, pero yun na nga ang mahirap eh.. ang pagbabago, hindi kasi yun napagpapractice-san lagi na lang manggugulat palaging may paandar..Ayoko nga nun ehh.."

"Natatakot ka lang, gusto mo tulungan kita?"

"O sige pero wag mong ipagkakalat na weak ako at nagpapatulong sa isang babae.."

"Basta tandaan mo na ang pagtulong o kapag tinutulungan ka, hindi yun kahinaan...Di ba nga NOBODY IS AN ISLAND..Di ka pwedeng mabuhay ng mag-isa..Ikaw lang 'tong nag-iisolate ng sarili mo para di maintindihan ng marami.."

"Sige anong first step para dyan sa CHANGE...CHANGE na yan?"

"Dapat maging magalang ka sa lahat lalo na sa nakatatanda sa'yo at sa mga babae.."

--------------------

Parekoy, 'Takte ka! Mahal Kita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon