AKG

471 44 19
                                    

     "O to the M to the G!" Hindi makapaniwalang sambit ko.

Sino ba naman kasing maniniwala na ginawa mo ang 'makamundong bagay' kasama ang friendship mong bakla since birth?

Bigla namang umungol itong katabi ko na para bang sinasabi niya na huwag akong maingay dahil natutulog pa siya. Aba! Sa sobrang inis ko ay sinabunutan ko siya dahilan para mapabangon siya ng sapilitan.

"Aray naman! Attitude ka, ghorl?" Impit ni Alex at hinawakan ang kamay ko para pigilan ako sa pagsabunot sa kaniya.

"Attitude talaga! Guess what?" Sabi ko sabay irap.

Tinignan niya ako pagkatapos ay tumingin din siya sa ilalim ng kumot kung saan nakatago ang hubad naming katawan.

Mabilis niyang itinaas ang kumot hanggang sa dibdib niya kagaya ng pagkakatakip ko sa katawan ko. Feeling niya naman may dede siya, e.

"Gosh! Queenie, anong ginawa mo sa akin?" Tanong niya. Shock is still painted in his face.

"We were drunk last night and I told you about my feelings for you and I kissed you," simple kong sagot. Iyon naman kasi talaga ang natatandaan ko.

Yes, I love him kahit bakla siya. We were bestfriends since elementary hanggang ngayon na may trabaho na kami. We're living together in one condo pero magkaiba kami ng kwarto. Guestroom dapat yung isa kaso ayaw ko siya makatabi sa pagtulog. Kahit naman may hidden desire ako sa kaniya may natitira pa naman akong kahihiyan para sa sarili ko.

Tahimik kami parehas. Hindi alam ang sasabihin. Paano kung mabuntis ako? I mean, ngayon lang naman may nangyari sa amin pero possible naman iyon, hindi ba?

"Bakit mo ako hinalikan?" Seryosong tanong niya sa akin.

"E, ba't ka tumugon sa halik ko?" Balik tanong ko sa kaniya na hindi niya sinagot.

Napagtanto ko na sa kuwarto niya pala kami gumawa ng himala. Tumayo ako at pinulot ang mga damit ko. Nakita ko pa ang boxer shorts niyang Barbie ang design na nasa sahig. Bakla talaga!

Ramdam kong nakatingin siya sa akin. Hindi na ako nag-abala pang takpan ang katawan ko. Nakita niya naman na ito kagabi.

LUMIPAS ang ilang araw at hindi pa rin kami nagpapansinan. Hindi naman sa magkagalit kaming dalawa. Nahihiya lang talaga akong kausapin siya.

Laging siya ang nagluluto ng umagahan namin dahil siya ang palaging nagigising ng maaga. As usual, sabay kaming kumakain every morning tapos ihahatid niya ako sa trabaho ko. Hahalikan ko siya sa pisngi bago bumaba sa sasakyan niya. Ginagawa parin naman namin ang routine naming iyan. Ang kaibahan nga lang, hindi kami nag-uusap simula noong may mangyari sa aming dalawa.

"Hello! Earth to Queenie!" Iwinagayway ni Maxine ang kanang kamay niya sa harap ng mukha ko para pukawin ako.

Nasa labas kami ng building na pinagtatrabahuhan namin at pauwi na galing sa loaded na trabaho. Nakaka-stress ang araw na ito.

"Ano?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Ay bitchesa ka! Sabi ko nandito na sundo mo."

Napalingon naman ako sa harapan namin at nandito na nga ang bakla.

Nagpaalam na ako sa katrabaho kong si Maxine at patakbong lumapit sa sasakyan ni Alex.

Pagkauwi namin ay agad akong nagluto ng hapunan namin. Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang tumunog ang buzzer ng condo namin.

Lumabas ako sa kusina para pagbuksan kung sino man ang bisita namin.

"Hello everything!" Masiglang bati ni Carlo at Popoy. Mga baklang kaibigan ni Alex na naging mga kaibigan ko na rin.

Attitude ka, ghorl?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon