Kabanata 1

17 2 0
                                    

Kabanata 1

Direct

---

Tuloy tuloy akong naglakad sa hallway. Pagpasok ng kwarto ko ay doon lamang pumasok sa aking isipan ang aking mga ginawa.

Putangina?

I touched his...

Erase! I shouldn't be thinking about that. Pero bakit siya nandito? Sinusundan niya ba ako?

No way, Elize! Ikaw ang pumasok sa kwarto niya. Ano bang pinagsasasabi mo?

Hindi mawala sa isipan ko ang mga nangyari. Parang sirang plaka na nagpapabalik balik sa aking imahinasyon.

Umikot ikot ako sa kama kahit na nagugulo na ang damit na susuotin ko para bukas. Naupo ako at hinawakan ang aking ulo gamit ang aking dalawang kamay. Hinila ako ang aking buhok dahil sa frustration.

"Putanginaaaa," sigaw ko sabay lagay ng aking mga palad sa aking mukha. I need to calm myself!

Huminga ako nang malalim at napapikit. I bit my lip.

Ayaw ko at pinipigilan ko ang sarili ko na mag isip o magsalita tungkol sa kanya pero...

May ilang pagbabago sa kanya ngunit nananatili pa rin ang maamo niyang mukha, ang mga titig niyang may tama sa akin, at ang mabango niyang amoy. Kung sa pagbabago ay mas gumwapo lamang siya sa aking mga mata.

I don't get myself! Malamang sa dami ng lalaki sa show business ay dapat hindi na ako nagugulat sa mga tulad niya pero... bakit ganoon?

Natigilan ako sa pag iisip nang narinig kong tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa aking hand bag. I answered the caller.

"Hoy, Elize! Nasaan ka na? Wag ka na pumunta sa bulletin at classmate pa rin tayo! Diretso ka na dito sa room." Narinig ko ang boses ni Jasmine sa kabilang linya.

"Nasa gate na ako! Tumatakbo ako ngayon. Saan ba ang room?" Pilit kong pagsagot sa kanya. Bukod sa pagtakbo ay hinahabol ko na rin ang aking hininga.

I know I shouldn't be late for my first day in class pero late nang natapos ang shooting ko para sa isang teenage magazine.

Ano na lang sasabihin ng teacher ko?

"First day na first day, late! Panghapon na ang schedule mo niyan, ha!"

Napapikit na lamang ako nang narinig ko ang boses ng aking guro. Huminga ako nang malalim at kinagat ang aking labi. Alam kong ako ang may mali ngayon kaya ano pa ba ang masasabi ko sa kanya kundi...

"Sorry po, Miss Anj. Hindi na po mauulit." Nahihiya at pilit kong pagsagot sa kanya.

Oh my God! I can imagine the Higad Girls laughing at me. Sana lang ay hindi ko sila kaklase dahil kung oo ay ito na ang isa sa pinakamasamang araw ko!

Sumenyas lamang si Miss Anj na magtungo na ako sa aking upuan. Itinaas ni Jaz ang kanyang kamay para pukawin ang aking atensyon mula sa pagkapahiya.

Agad naman akong umupo sa tabi niya at kinagat ang aking labi.

"Saan ka ba, hoy?! Gagi ka. Kanina pa ako nagte- text sa'yo," she whispered but I can still sense that she was so pissed.

"Late natapos yung shoot. Sorry! Anyare na ba?" Bulong ko rin sa kanya.

Lumabas na si Miss Anj ng kwarto kaya naman naging maayos na ang aming pag uusap. Nagbilin lamang siya na ibigay sa mapipiling class president ang one-fourth sheet of paper na nakalagay ang magiging partner sa kanyang subject.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ElizabethWhere stories live. Discover now