Kagaya ng mga bituin sa langit gusto ko rin na maramdaman kung paano tingalain at makita. Gusto kung magbigay ng kinang sa mga mahal ko sa buhay.
Bata pa lamang ako pangarap ko ng maging isang sikat na artista. Gusto magbigay ng saya sa mga taong nasa paligid ko. Kaya nagsisikap akong makapagtapos ng pag-aaral bago ko matupad ang aking pangarap.
"Liezel, tapos na ba yan? Tapusin mo na yang nilalabhan mo at sayang ang sinag ng araw at matuyo agad."
Natauhan lamang ako sa biglang pagsigaw ni Auntie Marivel saakin.
"Patapos na po Auntie" sagot ko.
Sa edad na 15 taong gulang ay dito na ako tumira sa kapatid ni papa na si Auntie Marivel. Malapit kasi dito ang school na pinapasukan ko. Kahit na may kaya kami pinalaki ako nina mama at papa sa simpleng buhay lang at ayos lang naman yun sa akin.
Tinapos ko na ang mga linabhan at sinampay na ito para hindi na ako mapagalitan pa. Pagkatapos kung masampay ang mga damit ay dumiretso na ako sa loob para gumawa ng mga assignments ko.
"Hay... nakakapagod ng araw na ito" sabi ko sa sarili sabay higa sa aking kama. "Kumusta na kaya sila mama."
Halos apat buwan na ring hindi ako umuwi saamin, sayang naman kasi ang pamasahe kung uuwi ako ng weekends. Yung perang pamasahe ko ay pwede na Lang itago kapag kailangan ko ng pera para sa projects sa school. Makaka-ipon rin ako ng pangbili ko ng bagong sapatos sa darating na pasko.
Habang nakahiga sa kama ay hindi ko na pala namalayan na nakatulog na ako dahil sa pagod.
Nagising na lamang ako sa sunod-sunod na katok."Liz... Liz...?! Nandyan ka ba? Papasok na ko." sigaw ni Sheryl.
"Nandito ako. Bukas yan!"
Sabay bukas ng pinto ng aking kuwarto. Ang ang dali-daling pagpasok ni Sheryl.
"May problema ba?" tanong ko sakanya. "Aahhh..., alam ko na yan papagawa ka na naman ng assignments sakin no?" natatawa kung tanong dito.
"Pano mo naman na sabi ha?" anito.
"Syempre ako pa kilala na kita. Alam ko na pasikot-sikot mo." sabay tawa ko.
"Ouch naman pinsan. Papatulong lang naman. Bat kasi ang talino mo. Maganda pa para kang supermarket all in 1."
"Mahilig lang talaga kasi akong magbasa kapag may time ako. Tsaka anong para akong supermarket? Grabe naman yun."
"Basta para kang supermarket sa akin nasayo na ang lahat kaya nga fan mo ako eh" sagot niya ulit.
"Ewan ko sayo. Halika na nga turuan na kita. Ano bang subject ang assignment mo?."
"Science, chemistry."
Natapos ang pagtuturo ko ng assignment kay Sheryl ay lumabas kami ng bahay para mag-meryende ng street foods.
To be continued...