KINABUKASAN maaga ulit akong nagising para pumasok kahit medyo inaantok pa. Umalis ako ng bahay na tulog pa si Casse kaya nag-iwan na lamang ako ng sulat na nakaalis na.
Nagulat ako nang makita ang isang pamilyar na audi car malapit sa sakayan ng jeep nang makalabas ako ng village. Nakita ko na naman ang cute at nakakahulog na ngiti niya sa papaangat na araw. Medyo hinahangin ang magulo niyang buhok, ang singkit na mata ay mas naging mapungay, tila hindi ata siya nakatulog buong magdamag. Nakabukas naman ang isang butones ng white polo niya na pinapakita ang cresent moon na design ng kanyang kwintas.
"Good morning. I guess, iniiwasan mo nga talaga kami." Natatawa nitong bati nang makalapit sa'kin.
"Ang aga mo ha, ginagawa mo dito, H-hanuel." Nag-iwas ako ng tingin dahil sa pagka-utal ko sa pagtawag ng pangalan niya. Iniwasan din sagutin ang sinabi niya dahil totoo naman.
"I'm courting you, right? Sinusundo kita." Nakangiti pa rin nitong sagot.
"Hindi, okay lang kaya ko mag-isa." Pagtutol ko.
"Baka matraffic tayo. Tara na." Hindi na ako nakapalag nang hawakan niya ang kamay ko at alalayan ako papunta at pasakay sa kotse niya. Binitawan niya lang ang kamay ko nang siya na ang sasakay.
Kung may gusto pa rin ako sa kanya ay baka hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko dahil sa kilig, ngunit dahil sa nawala na, awkwardness at hiya na lang ang nararamdaman ko.
"Seryoso ba talaga kayo? Pagtatanong ko nang paandarin na niya ang sasakyan, nasa labas ang tingin.
"Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako? I really want to court you, Diana." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon. Nilingon niya lang ako at binigyan ng matamis na ngiti at saka ibinalik ang tingin sa daan.
"Akala ko kasi nagbibiro lang kayo, o ikaw, lalo na si Clemente. Maloko pa naman ang isang iyon kaya hindi ako naniniwala." Dagdag kong tugon.
Narinig ko ang matunong niyang pagngiti.
"Ang manhid mo talaga no? Tama nga siya." Natatawa naman anitong sabi sa'kin.
"Manhid? Bakit? Ako?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"Wala 'yon." Nakangiti pa rin niyang sambit. Hindi na ata siya naubusan ng ngiti ngayon.
Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan, ganoon palagi ang nagiging routine namin, nila Clemente at Hanuel. Minsan, sinusundo ako ni Hanuel sa bahay at ihahatid sa university. Mas maaga siya kaysa sa gising ko dahil baka taguan ko na naman daw siya. Si Clemente naman, walang sawa pa rin sa pangungulit, pang-aasar at paghahatid sa amin para lang makauwi ng ligtas sa gabi.
Minsan pa kapag magkakasama kamin tatlo, at shempre kasama rin ang kaibigan ko na si Casse, nagkakaroon sila ng pagtatalo. Hindi ko alam kung bakit, sinasabi lang sa'kin ni Hanuel na Boys fight sabay tatawa at mababadtrip naman si Clemente saka magwawalk out.
Minsan nga nag-aaya pa ng date ang dalawang 'yon pero tumututol ako dahil naloloka na talaga ako. Hindi ako makapili kahit paulit-ulit na akong tinatanong ni Casse tungkol doon. Para bang proyekto na dapat magawa ko na ng maaga at mabigyan ng sagot.
Pero sa ilang buwan din na 'yon. May isang bagay akong napagtanto, at natatakot ako rito sa nararamdaman ko.
"Are you excited, Diana?" Tanong ni Hanuel ng makarating sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
Celestial Love
Romance[UNDER MAJOR REVISION] Diana Ramos, a sophisticated woman who has two suitors. Clemente Sol, her bestfriend who used to teased her before to her long time crush Hanuel Lee who is now her suitor. Faith didn't play with them but their feeling does. Wh...