Sun

38 23 43
                                    

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago simulan ang star gazing. Marami na rin ang tao sa paligid, ang iba ay may mga tent pa para duon matulog. Ang iba naman ay nagpapahangin at ninanamnam ang ganda ng tanawin sa gabi, katulad namin. Malayo nga lang ang pwesto namin ni Hanuel sa kanila dahil malapit kami sa mga puno at nasa pinakagilid pa.

"Look at this." Pinalapit ako ni Hanuel sa telescope pagtapos niyang sabihin 'yon.

Sakto lang ang taas ng telescope kaya nakakaupo pa rin kami.

Napahanga na lang ako sa nakita ko. Sobrang liwanag ang sinabi niya sa'king buwan. Inilipat naman niya ang way ng telescope at ibang planeta naman ang nakita ko. Minsan pang may dumaan na shooting star na ikinatuwa ko.

"Hanuel may-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin nang paglingon ko sa kanya'y nagtama bigla ang labi namin. Parehas kaming nagulat, ako na mismo ang naglayo sa sarili ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

Hindi ko naramdaman na sobrang lapit na pala namin kanina pa dahil masyado akong nadala sa ganda na nakita ko.

Nagulat ako ng biglaan niyang hawakan ang likod ng leeg ko at ilapit ito sa kanya saka ako siilan ng matamis na halik. Banayad at masarap sa pakiramdam, napapikit na lang ako para damhin ang halik niya.

"I'm sorry." Sinabi niya iyon sa mababang boses pagtapos bitawan ang labi ko para makalanghap ng sariwang hangin at muli akong hinalikan. Sobrang sarap sa pakiramdam no'n ngunit hindi ko malaman kung bakit sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay mali ang ginagawa namin ngunit hindi ko rin naman mahinto, nadala na ako.

KINABUKASAN tanghali na kami nagising parehas. Nag-asikaso na kami at kumain saka umalis. Hapon na nang maihatid niya ako sa apartment.

"Salamat Hanuel, nag-enjoy ako." Nakangiti kong tugon bago bumaba ng sasakyan niya. Andun na siya sa labas ng pintuan at aalalayan na akong makababa.

"Me too. Pasok kana sa loob. Salamat ulit."

Pagpasok ko sa loob ng gate, sarado at mukhang walang tao sa loob. Hindi rin naman sumasagot si Casse nang tawagin ko ang pangalan niya.

"Walang tao?" Tanong bigla ni Hanuel na nasa labas pa rin ng gate. Nagkibit-balikat na lamang ako bilang sagot.

Binuksan ko na ang pinto gamit ang spare key na meron ako, pero bago palang ako makapasok narinig ko na ang dalawang pamilyar na tinig galing sa loob.

"I-I like you." Sambit ni Casse. Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil hindi pa naman ako pumapasok sa loob ngunit napamilyaran ko na ang boses niya.

"C-casse." Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses na 'yon. Nagdulot bigla iyon ng pagsikip ng dibdib ko.

Naguguluhan man kung bakit pareho silang nasa loob. Kung bakit at ano ang pinag-uusapan nila, nanatili na lang akong nakatayo sa gilid at hindi na gumalaw.

"You're a sun that I can touch and kiss. A sun that I can hold without getting burn."

Nanghina na ang tuhod ko at nagbabadya ang luha sa mga mata ko nang marinig kong sabihin iyon ni Casse.

Ako 'yon. Ako ang nagsabi nun sa kanya. Mga salitang balak kong sabihin kay Clemente ng malaman ko na siya ang gusto ko.

[FLASHBACK]

"Casse, I think I like Clemente." Pahina ng pahina ng sabihin ko iyon. Hindi ko pa rin maamin sa sarili ko.

"T-talaga?" Tanong niya. Naguluhan naman ako sa reaksyon niya ngayon.

Celestial LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon