GHOST : ❛ 76 ❜

525 27 168
                                    

Maayos na damit? Check.

Maayos na buhok? Check.

Mabango? Check.

Poging mukha? Check!

Flowers? Check din!

Huminga muna ako nang malamim sa harap ng pinto kung saang kwarto naka stay si Andi. Sana kausapin niya ako.

Pinihit ko ang pinto para magbukas, dahan-dahan lang para hindi siya magulat. Nang makapasok na ako nang tuluyan ay sinarado ko ito nang mabuti.

Abot langit ang ngiti ko nang makita ko siyang nakatingin lang sa bintana, na miss ko siya, sobra... Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabing higaan, nilapag ko ang flowers na pabobito niya sa tabing table naman. Hindi manlang niya naramdaman ang presensya ko o ano. Hindi parin umaalis ang tingin niya sa labas.

Oo na maganda na ang langit pero syempre pansinin mo naman akong boyfriend mo oh :( joke ang drama ko naman. I saw her flinched, biglaan niya akong nilingon. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat, ang gwapo ko siguro masyado tsk.

"J-Jihoon?" Maiyak-iyak niyang sabi, pati ako naluluha sa reaksiyon na pinakita niya. Alam ko na rin kung saan mapupunta tong sasabihin niya. Yumakap siya sa akin nang mahigpit tila ba ayaw niya na ako pakawalan sa sobrang higpit.

I hugged her back, this feeling.. I just want to be in her arms forever, It feels like I'm home. Ilang segundo pa ay kumalas siya sa yakap namin at ngayon naman ay hinawakan niya ang mukha ko ng magkabila niyang kamay.

Hindi ko mapigilang hindi maiyak, kada bisit ko ganito nalang lagi ang ginagawa niya sa akin.

"I-I thought you're dead..." Bumuhos ang luha niya na para ba talaga akong namatay. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa mukha ko, sa sobrang lambot ng kamay niya ay napapikit ako.

"I'm alive Andi and I'm here." I patted her head, yumakap na naman siya sa akin. Hindi na nagbabago ang kalusugan niya dito sa mental. Akala ko kaya siya nandito para gumaling pero hindi.

Mayroon siyang psychosis disorder, lahat ng bagay na na-iimagine niya or napapanaginipan niya ay totoo para sakaniya. Hindi niya na alam ang nangyayari sa realidad kaya naapektuhan ang utak niya. Alam kong masakit pero hindi iyon ang dahilan para iwan ko siya.

I love Andi, I love her with all my heart, with or without disorder, I love her.. and seeing her like this hurts me a lot. Ang hirap makita ang taong mahal mong nahihirapan, I miss her old self, lahat sakaniya na miss ko.

Ang pagiging madaldal, well madaldal naman siya pero ang dinadada niya lang 'Akala ko patay ka na' which is hindi naman. Ang pagiging maharot, maharot naman din siya ngayon panay yakap sa akin. Ang pagiging masayahin niya, iyon.. iyon ang hindi ko siguradong babalik pa ba o hindi na.

I will do anything just to make her smile again, havang akap-akap siya ay humagulgol ako. Lagi nalang akong naiiyak habang nakikita siyang ganito, nakakainis lang kasi parang pinapamukha ko sakaniya na naghihirap siya sa sitwasyon niya. Ang sakit lang talaga.

"Jihoon.. don't l-leave me p-please."

"I won't, I will never leave you Andi." Ngumiti ako kahit masakit, ngumiti ako kahit na parang imposible.

ghost | park jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon