Ardy’s POV
Matagal-tagal na din akong di nakapunta sa subdivision na ito ahh… last kong punta dito nung 11 years old pa ako.
Ilang taon narin ba ang nakalipas 11, 12,13,14 ahh mga 4 years narin pala..
Dito nga pala kame magpapasko sa lola ko hanggang New year kame dito.
Pagdating naming kina lola napansin kong malaki narin ang pinagbagong mga bahay dito pati ung ibang mga kapit bahay iba narin..
Nag bless muna ako kay lola bilang pag galang magalang kaya ito tsaka favorite ko talaga tong lola ko na to sa lahat.
“kamusta na po kayo lola” tanung ko
“mabuti naman ardy..matagal tagal na din tayong di nagkita” sabi ni lola Azon
“Oo nga po ehh … yaan mo la mahaba-haba naman ung bakasyon ngayon matagal tayong magsasama” sabi ko ulit biglang dumating ung mga pinsan ko.
“what’s up” sabi ko
“oyyyy!!!” sabay yakap sakin aray ko naman..
di naman masyadong halata na namiss nila ako ng sobra.
“di naman halatang miss mo ko rose ahh”
“ ang tagal kaya namin kayong di nakita kamusta na nga pala” sabi ng pinsan ko
“ eto gwapo parin” ang yabang ko no..
Pagkatapos ng kamustahan at paglilipat ng damit lumabas ako..
Sumilip doon sa tapat ng bahay nila lola pero syempre patago lang baka Makita ako ehh..
“kamusta na kaya siya” tanung ko sa sarili ko…
Ayy oo nga pala di pa ko nagpapakilala..
Ako nga pala si Ardy Kurt Santos representing the beautiful country Philippines heheheh baliw lang..
Pero sige seryoso na may katangkaran ako,
medyo kayumanggi bata ehh medyo ligalig pa kaya ganito,
ung mata ko medyo singkit, marunong akong mag guitar pati sumayaw..
bale natuto dahil kay Isay
Flashback!
Bakit kaya malungkot ung mga tao ngayon wala akong idea..eto si mama naiyak bakit kaya.
“ma bakit ka po naiyak. Anung nangyari. May namatay po ba? heheheheh” tanung ko
“sira ulo ka talagang bataka pero oo meron ung lolo mo kamamatay lang kaya pupunta tayo doon sa kanila” sabi ni mama
“ganon nakakalungkot naman po” umiyak ako syempre favorite kong lolo yun ehh
Kina hapunan pumunta kami kina lola.
Andito lahat ng kamag-anak namin nakikiramay pati na rin ung mga kapit-bahay nila lola.
Nag bless muna ako sa mga tita at tito ko pati narin sa lola ko.
Tapos umupo ako medyo doon sa likod napansin ko na may batang umiiyak.
Tinignan ko siya pero di ko naman siya kakilala kaya lumapit ako.
“ bata bakit ka naiyak lolo mo din ba siya?” sabi ko
“hindi ahh kapit-bahay lang namin siya. Ikaw ba?” sabi nung bata
“lolo ko, kasi siya kung maka- iyak ka naman kasi kala ko kamag-anak ka din namin, pero bakit ka nga naiyak?”
“ oo nga no dang O.A ko narin pero tinuring ko nadin siyang lolo ko kasi ang bait-bait nya sakin ehh”
“ahh kaya pala!! Teka ano nga palang pangalan mo” tanung ko
“Is---“ naputol ung sinabi niya kasi tinatawag na siya.
“IISSAAYY” sabi nung babae baka mama nya
“sige bata bukas nalang ulit babye”
“babye din Isay?” gumiti lang siya siguro tama ako
Araw- araw ko siyang kalaro.
Pagkatapos nya sa school lumalabas siya para maglaro buti na nga lang friend siya ng pinsan ko kaya medyo naging ka close ko siya.
Nanunuod kame ngayon ng Tv medyo sweet siya tungkol kasi sa mga boyfriend tong mga kasama ko naman kinikilig kahit mga bata pa kami.
Tignan mo 11 palang ako ung iba 10 tapos tong si Rose pati si Isay 9 palang.
“anong klaseng boyfriend ung gusto mo” bigla kong natanung sa kanya
“uhmmm…. Sirugo ung marunong mag guitar tapos magaling sumayaw at pati yieeee syempre sweet” may halong tili pa talaga nakakaloka
“un lang”
“hehehe un palang” sagot niya
“bakit mo nga pala naitanung”
“wala lang” sagot ko
“ahhh”
“pero susubukan ko promise” tapos ayun ngumiti lng siya.
Pagkatapos ng dalawang linggo umuwi na rin kami at dahil ng promise ako kay Isay pinagaralan kong mga guitara at sumayaw.
Mabilis din naman akong natuto dahil sirugo gusto ko at feeling ko kasi crush ko na din si Isay.
End of Flashback..