«««𖧷 • 𖧷»»»
#2-PUMILI NG MAIGI
Tayo ay may mga kaibigan
ibat iba ang kanilang mga katangian
hindi mo alam kung sino ang totoo
o kung sino sa kanila ang manlolokoMay mga kaibigan ka na..
matatakbuhan mo ano mang oras
sila'y nandyan para bigyan ka ng lakas
kasama mo sa mga kalokohan
pero hinding hindi ka tatalikuranMay mga kaibigan ka na..
parang pulis sa mga pelikula
kung kailan mo sila kailangan
atyaka sila hindi nagpaparamdam
pag kailangan mo ng makakausap
ni hindi mo sila mahagilapMay mga kaibigan ka na..
mas mabilis pa sa sasakyan
pag sila ay may kailangan
naaalala ka lang nila pag
may gusto sila sayong makuhaMay mga kaibigan ka na..
akala mo kakampi mo
akala mo kaibigan mo
pero mukha lang pala silang santo
at nag papalit ng anyo
pag ikay hindi naka lingon
sila ang inakala mong iyong kasangga
pero sila pala ang hahatak sayo paibabaPiliin ng mabuti ang pakikisamahan
mas mabuti ng kaunti ang kaibigan
kaysa sa madami ngunit hindi
mapag-kakatiwalaan.«««𖧷 • 𖧷»»»
Missy P:Friendship is all about the quality not the quantity.Kaya kilalanin ng mabuti ang ating kinakaibigan.
Salamat sa pagbabasa!❤︎
BINABASA MO ANG
Mga tula na aking nilikha
PoetryIba't ibang mga klase ng tula na akin ngang nilikha. Mga tula na minsan ko ng pinagdaanan.Mga tulang akin naring naramdaman.Hindi ito perpekto ngunit galing ito sa aking puso.Mga tula na iba't ibang paksa na ako mismo ang lumikha.