«««𖧷 • 𖧷»»»
#1-TAYO.WALA.DULO
Nagumpisa sa kamustahan
at naging magkaibigan
na nauwi sa pagkakamabutihan
at ngayon kapwa tayo nagmamahalanSabi nila pag ika'y nagmahal
sa kapareho mong kasarian
ikaw ay makasalanan
pero tila hindi kinabahan
ng nahulog ako sayo ng biglaan
kahit na kasama tayo sa
tinatawag nilang kababaihanTayong dalawa ay laging masaya
walang pakealam
sa sinasabi ng karamihan
pero tayo din naman ay nasasaktan
lalo na pag hinahadlanganPero bakit ganon?
kala ko ba walang sukuan?
tila nasayang ang meron tayo noon
yung mga saya na ating pinagsaluhan
ito ba ay iyong nakalimutan?
dahil hindi kana nagparamdam
o kahit mag paalam man langIsang araw tayo'y muling nagusap
sa sinabi mo ako ay napakurap
at hindi ko matanggap
na meron kana ngang iba
hindi mo ba naaalala
noon ay lagi tayong masaya
kahit anong problema
ay hindi natin alintana
kaya pala nagbago bigla
kase meron ka ng ibaSiguro nga hindi tayo para sa isat isa
dahil kung tayo talagang dalawa
hindi ka ilalayo saakin ng tadhana
isa lang ang natutunan ko sayo
na may mga tao
na darating sa buhay mo
papasayahin ka nito
mamahalin ka ng sobra
pero hindi parin mananatili
hanggang sa dulo.«««𖧷 • 𖧷»»»
Missy P:Ang sakit talaga ng binuhos mo lahat lahat para sa isang tao pero sa dulo ikaw parin talaga ang talo.
Salamat sa pagbabasa!❤︎
BINABASA MO ANG
Mga tula na aking nilikha
PuisiIba't ibang mga klase ng tula na akin ngang nilikha. Mga tula na minsan ko ng pinagdaanan.Mga tulang akin naring naramdaman.Hindi ito perpekto ngunit galing ito sa aking puso.Mga tula na iba't ibang paksa na ako mismo ang lumikha.