Nagising ako at nakita ko ang mga taong rumerescue sa akin. Sa pagkakataong ito, di ko na alam bakit nasa loob ako ng isang sasakyan at bakit ako lang mag-isa.
"Ako ba ang nagmaneho neto? Bakit ako nandito? Anong nangyari?" Sunod-sunod kong tanong sa aking sarili.
"Miss, ayos ka lang?" Tanong sa akin ng isang lalaking kumakatok sa bintana ng sasakyan ko.
Lumabas ako sa sasakyan ko at nakita ko ang ilang mga pulis na papalapit sa akin.
"Ma'am, ayos ka lang ba? Kailangan pa ba naming dalhin ka sa hospital?" Tanong sa akin ni mamang pulis.
"Pwede ba naming makita lisensiya niyo ma'am? Nag-oover speeding kayo kanina ma'am e" Tugon naman sa 'kin ng isa pang pulis.
"Wala akong lisensiya at isa pa, di sa akin ang sasakyan na yan!" Diin ko sa kanila.
"Bakit naman ako magkakaroon ng ganyang napakagandang sasakyan, e hirap nga akong pag-aralin ang sarili ko?" Dagdag ko pa.
"Weeehhh?? Estudyante ka pa pala sa ganyang edad ma'am? Mukha ngang professional na kayo e" Sabi sa akin ni mamang pulis na di naniniwala sa mga sinasabi ko.
Ano bang problema ng mga taong 'to? Bakit ayaw nila akong paniwalaan?
Labis akong nagtataka sa mga sinasabi nila. Sa di inaasahan, nakita ko ang repleksiyon ko sa bintana ng aking sasakyan.
Ano to? Ako ba to? Bakit ganito? Bakit ganito yung hitsura ko? Mukha akong nasa 30's na. Bakit di school uniform ang suot ko? Galing ba ako sa oral defense? Third year college pa lang ako ah.
Nanlaki ang aking mga mata habang nalilito sa mga nangyayari sa akin.
" Baliw ata to" "Baka napalakas ang pagkakatama ng ulo neto kaya naging ganyan" "Kailangan niya atang dalhin sa hospital sir, parang wala na sa katinuan e"
Ilan lamang yan sa mga naririnig ko sa paligid sa pagkakataong iyon.
Kalaunan ay may isang napakagarang kotse ang tumigil sa tapat namin.
"Si Nelina ba 'to? Bakit mukhang may anak na?" Pangungutya ko pa sa bestfriend ko nang makitang siya ang may sakay ng kotse.
"Besh, what's wrong? Are you okay?" Agad nitong tanong sa akin.
Si Nelina nga! Yung bestfriend ko talaga ang dumating.
" Besh, ikaw yan? Bakit mukha kang gurang na? Anyari sayo? Bakit ang sosyal mo na ngayon? Kaninong sasakyan yang ginamit mo? Sunod-sunod kong tanong ko sa kanya.
"My ghaddd besh! Anyari sayo? Bakit ganyan ka kung magsalita?" Nakakunot-noo nitong sabi sa akin.
Ano? Bakit pati bestfriend ko nagtataka sa mga sinasabi ko? Ako ba yung may mali?
Gustong-gusto kong umiyak sa pagkakataong iyon dahil sobrang nalilito na ako sa mga nangyayari.
Nakita ko si Nelina na nakipag-usap sa mga pulis.
"Okay sir. We will fix everything here. She needs to rest. Tatawagan ko na rin ang asawa niya" Sabi niya sa mga ito na sa pagkakataong ito ay sumang-ayon naman.
"Anong asawa pinagsasabi niya? Sinong asawa tinutukoy niya?" Tanong ko sa sarili ko matapos marinig ang mga sinasabi ng bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
BACK IN TIME
FanficA short story about a girl whose mind was able to travel back in time during her college days through an accident. By forgetting her present times and feel the past, she might find the man whom she loved before and his role in her present life. D...