Nagdaan pa ang mga araw, nakuha na uli nila Bernard ang loob ni Marcus.Jonathan's pov:
Marcus, pasensiya ka na kay Boss, alam mo namang mainitin ang ulo niya at tsaka hindi naman talaga totoo ang mga sinabi namin tungkol sayo, natatakot lang din kami kay Bernard kaya sumangayon kami.
"Alam ko naman yon, pasensiya na kayo sa inasal ko." ani Marcus.
"Sabi ni Boss magnanakaw daw uli tayo sa Linggo sa pinaka malaking bangko dito sa Maynila."
(Tumayo si Marcus sa kinauupuan niya.)
"Bangko nanaman? Sawa na ko don, puro duwag naman tao don at kahit dito sa Maynila"
"E anong plano mo?" saad naman ni Peter.
"Pumunta naman tayo sa ibang lugar!"
"Tulad ng ano naman?" ani Jonathan.
"Sa probinsiya, sa Bataan! medyo malapit lang yon dito kung sasakay tayo ng bus, wala pang limang oras nandon na tayo!"
"Bataan? sabagay probinsiya yon pero maayos ang buhay ng mga tao don." ani Peter.
"Ano tara?" saad ni Marcus.
"Sige sasabihin muna namin kay Boss."
(Pagkatapos nilang mag usap ay pumunta si Peter at Jonathan kay Bernard.)
"Anong balita mga bata? Nakuha niyo na ba ang loob ni Marcus?" ani Bernard habang may hawak na sigarilyo.
"Syempre boss, pero may iba siyang plano"
"Plano? Anong plano."
"Gusto niyang pumunta sa Bataan at doon gumawa ng krimen!" ani Peter.
"Bataan ba?" ani Bernard
"Sige pag bibigyan ko siya, tutal ito na ang huling sandali niya dito sa mundo. Ito ang regalo ko sa kanya!"
(Natuloy nga ang balak nilang pumunta sa Bataan.)
(Nang naroroon na sila ay hindi nila alam ang gagawin)
"Ano ba namang lugar to! Mukhang wala tayong mapapala rito, sayang lang pamasahe natin sa bus!" ani Bernard.
"Hoy Marcus, ikaw ang may ideya nito diba? san tayo pupunta?" saad ni Jonathan.
"Hindi ko rin alam, ngayon lang rin ako nakarating dito!" saad ni Marcus.
"Anak ng tokwa naman Marcus, pumunta ka rito ng walang plano! saad ni Bernard
"Maayos naman ang mga gusali rito o! Mukha namang may mananakawan tayo rito." saad ni Marcus.
"Sandali nga, kanina pa sumasakit ang tiyan ko, ano bang kinain ko?"
"Teka at hahanap akong banyo" saad ni Marcus.
(Pagkaalis ni Marcus ay nag usap ang tatlo.)
"Anong plano Boss."
"Kalimutan niyo na ang pagnanakaw! Ang mahalaga mapatay natin si Marcus.' ani Bernard.
"Boss tignan mo yon o! Kotse naiwang bukas ang bintana" saad ni Jonathan.
"Mapapkinabangan natin yan!" saad ni Bernard.
(Agad nilang pinasok ang kotse noong walang taong nakatingin at matagumpay nila itong napaandar.)
"Ayos! Jackpot!" saad ni Bernard.
"Tara na mga kasama pumunta tayo sa pinuntahan ni Marcus at tapusin na nating ang walang kwenta!" ani Bernard.
(Tumawa ang lahat)
Marcus! tawag ni Peter sa malayo
"Ano? nalabas mo na ba yan?"
"Okay na."
"Tara na! hinihintay tayo ni Boss"
(Naglakad sila papunta sa isang eskinita.)
"Teka muna, san tayo pupunta?" ani Marcus.
"Kay boss, nilabas kase namin mga baril namin kaya dito sa eskinita para walang makakita"
"Ah, nasan si Jonathan?"
"Kasama ni Boss."
(Patuloy silang naglakad hanggang sa may biglang pumalo sa mukha ni Marcus sa gilid.)
"Ah!"
(Dahil roon nagdugo ang mukha ni Marcus.)
(Bigla nalang lumabas si Bernard)
"Tsk, tsk tsk, Bata, masyado kang nag titiwala sa mga tinuturing mong kaibigan. Ayan tuloy."
"A-Anong ibig sabihin nito?!" ani Marcus.
"Peter? Jonathan?" dagdag niya.
"Pasensiya ka na kaibigan, dito na tayo nag tatapos."
(Tinutok ni Bernard ang kanyang baril at sabay pinutok ito kay Marcus, agad namang nawalang nang malay si Marcus.)
"Anong susunod Boss? Hindi natin to pwedeng iwan dito, baka may makakita." saad ni Peter.
"Bweno, isakay niyo siya sa kotse." saad ni Bernard
(Sinakay nila sa kotse si Marcus at tsaka dinala sa isang lugar na parang gubat, kung saan walang taong dumadaan.)
"Dito na natin iwan to! Wala namang tao!"
(pumayag ang lahat at iniwan si Marcus sa kawalan at tsaka dali daling umalis.)
(Ilang oras pa ang lumipas at may biglang dumaang kotse at nakita si Marcus. Dali dali niya itong pinuntahan.)
"Kuya! Kuya gising!" saad ng nakakita kay Marcus habang tinatapik ito.
(Nang hindi nagising si Marcus ay sinakay niya ito sa kotse, balak niya sanang dalhin sa ospital si Marcus ngunit wala naman malapit na ospital doon. Kaya nag disesyon siya na sa bahay nalang niya siya gamutin.)
BINABASA MO ANG
Best Friend
ActionMarcus, a hitman who have no fear at all joins his men in a mission. Little did Marcus know that his group are planning to betray him. When the men betray Marcus they left him wounded and with a gunshot in the middle of nowhere. A ordinary lad saw M...