Sorry, My Friend

5 2 0
                                    


(Nagdaan pa ang maraming mga buwan at di na maipag kakaila na napamahal na si Marcus sa kanyang kaibigan, halos magtanim at mag ani lang ang knayang ginawa sa ptobinsisiya mula noong nahiwalay siya  sa dati niyang grupo.)

Marcus pov:

Malapit na ang pasko, napaka lamig ng simoy ng hangin dito sa probinsiya. Noon pa man ay di ako nakaras na magdiwang ng pasko. Siguro naman ngayon makakapag diwang narin ako.

(Maya maya pa ay lumapit kay Marcus si Emman.)

"Oh, Marc tulala ka diyan?" ani Emman

"Ah wala, naiisip ko lang na malapit na pala mag pasko." ani Marcus

"Dalawang linggo na lang ba? Kailangan paghandaan natin yan!" ani Emman

"Sanay ka bang mag diwang ng pasko?"

"Oo naman, pero hindi ako masyadong nag hahanda ng kung ano man dahil wala naman akong kasama kaya ako lang nagdidiwang mag isa haha." ani Emman

"Pareho pala tayo, hindi rin ako nag hahanda pag pasko." ani Marcus.

"Oh ganun? pero ngayong paskomag hahanda tayo! dahil nandito ka at may kasama ako, pag hahandaan natin yan." ani Emman

(Sabay na tumawa ang dalawa.)

(Dumaan pa ang mga linggo at tuluyan na ngang sumapit ang pasko.)

"Oh Marc gising, pasko na!"

"Ha? pasko na pala?"

"Gising ka na diyan, mag luluto tayo!"

(Agad namang bumangon si Marcus sa kamyang kina hihigaan.)

(naghanda sila at nagluto para sa pasko, ngayon lang naranasan iyon ni Marcus.)

(Pagkatapos nilang magluto ay hinanda nila sa lamesa sa may labas ng bahay ang mga pagkain, at nagbukas din sila ng dalawang beer.)

"Cheers!" ani Emman.

(Kumain at uminom silang parehas.)

"Ah, ngayon ko lang naranasan to." ani Marcus.

"Saya no? ayos din to, sana ganto lang tayo kasaya hanggang sa umalis ako." ani Emman

"Oo nga pala no? aalis ka?" ani Marcus.

"Matagal pa yon, at tsaka pag umalis ako, ikaw na ang mag alaga nitong bukid at bahay, wala naman ding titira dito" ani Emman.

"Talaga? ipagkakatiwala mo to sa lalaking hindi mo naman talaga kilala?" ani Marcus

"Kilala naman kita, ilang buwan na tayong magkasama, di ka na bago sakin."

"At tsaka hindi naman papakialaman ng Tatay ko tong bahay na to, kaya imbes na maiwang bakante, sayo nalang."

"Sige kung iyan ang gusto mo, aalagaan ko to para sayo. Pero dumalaw ka sakin minsan dito pag nandun ka na ah?" ani Marcus.

"Oo naman!" ani Emman.

(Ilang buwan pa ang lumipas, nagkaroon ng trahedya sa bahay ni Emman na siyang kinatatakot niya.)

"Emman, aalis lang ako, babalik ako mamayang gabi!" ani Marcus.

"San ka pupunta? mag ingat ka, tawagan mo ko sakaling maligaw ka haha." ani Emman.

"Diyan lang, may aasikasuhin lang saglit, babalik ako." ani Marcus.

(umalis si Marcus dahil pumunta siya sa nakausap niyang may mabibilhan ng mga armas,gamit ang pera niya, bumili siya ng bagong pistol at ilang basyo ng bala.)

(Sa kabilang banda ang grupo nila Bernard ay pumunta uli sa Bataan dahil wala na silang manakawan sa Maynila, inaasahan nila dito ay mas madaling magnakaw dahil ito'y probinsiya.)

"Boss, anong gagawin natin? dito natin pinatay si Marcus."

"Hm," sabi ni Bernard habang tumitingin sa paligid hanggang sa mabaling ang mata niya sa isang bahay.

"Mga bata, tignan niyo o,simpleng bahay pero mukhang mayaman ang nakatira!"

"Jackpot to boss, ni hindi tayo pag papawisan dito!" ani Peter.

"Pasukin na natin, tandaan niyo, pag may pumalag, patayin niyo!" ani Bernard.

(Pinasok nila ang bahay. Wala silang kamalay-malay na ang bahay na pinasok nila ang siyang tatapos sa kanila)

"Ayos dito boss, madaming gamit, siguro madami din pera dito" ani Jonathan.

(Nagpatuloy sila sa pagnanakaw ng mga kagamitan hanggang sa biglang bumukas ang ilaw.)

"Si-sino kayo!?" ani ng may ari.

"Boss, mukhang pipitsugin lang, madali na to." ani Peter sabay tawa ng tatlo.

(Maya maya pa ay naglabas ng patalim si Bernard, at sinugod ang may ari.)

(Nakaiwas naman ang may ari at napukpok ng matigas na bagay si Bernard na siya nitong kinatumba)

"Bernard, Boss!" ani Peter

"Ikaw!! pagbabayaran mo to!!" sigaw ni Jonathan sabay hugot ng baril at putok sa may ari ng dalawang beses.

(agad namang natumba ang may ari ng bahay.)

"Peter, alalayan mo si Boss, takas na tayo baka may nakarinig!' ani Jonatahan.

(umalis ang tatlo papalayo, ngunit wala ni isang tumulong sa may ari ng bahay, akala ng mga tao ay  kung ano lang ang pumutok, kaya naman hindi ito pinag usapan.)

(Samantala, si Marcus naman ay umuwi na ng gabing iyon kay Emman)

"Emman! may dala akong pagkain, namili ako sa fastfood diyan sa may tabi." tawag niya sa malayo.

(Pagpasok ni Marcus sa may pintuan ay nakita niya na kulang-kulang at gulo-gulo ang mga gamit sa bahay.)

"Emman?! Emman!" tawag ni Marcus habang hinahanap ang kaibigan.

(Nagulat nalang si Marcus at nabitawan ang dala dala niyang pagkain ng makita ang kaibigan na duguan at nakalatay sa sahig.)

"Emman! A-anong nangyari." ani Marcus.

"Ma-marcus, marcus" ani Emman sa hinang hinang boses.

"E-emman? ano-anong  nangyari."

"Ka-kaibigan, ma-may pumasok dito sa bahay."

"Pumasok!? sino"

"Ta-tatlo sila, narinig ko ang pangalan ng Boss nila ay Bernard, ang isa naman nilang kasama ay Peter."

"Bernard?! di bale na, wag ka ng magsalita sandali, dadalhin kita sa ospital."

(umiling si Emman kay Marcus.)

"Wa-wag na, huli na kaibigan. Mangako ka sakin na aalagaan mo tong bahay, kahit na hindi ako natuloy na pumunta sa Japan, masaya parin ako, dahil nakilala kita."

(Timangis si Marcus sa harap ni Emman. Ito ang unang beses na siya'y umiyak.)

"E-emman, kaibigan, patawad. Dapat pala noong una pa lang tinuruan na kitang protektahan ang sarili mo, gusto ko lang sabihin na hindi talaga ako sundalo, isa kong kriminal. Patawad di ko napinindigan ang pangako ko, di kita naprotektahan."

"Wag mong sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan" ani Emman

"Salamat Marc, kaibigan, sayonara."

(pagkasabi nito ay siyang pagtigil ng pulso ni Emman.)

"Emman? Emman?!" kaibigan" saad ni Marcus habang tumatngis.

(Dito nga nagtapos ang pag kakaibigam ng dalawa, sa di inaasahang pagkakataon.)


Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon