One

24 0 0
                                    

"Mundo Granate is fast approaching, right? and I know as a freshmen, I think most of you is excited. So, in a 1/2 crosswise write your expectations and what you look forward for the upcoming event."

I thought we are already done about making this kind of stuff but guess what, i was wrong. Although, I get it because this is a Purposive Communication subject so it's understandable. I have no choice but to get a one whole sheet of yellow paper and cut it horizontally and give the other half to Kyla and start answering.

After done answering, I give a sign to Kyla that I'll go ahead first and we will just meet in medlife. We already planned to go to medlife para ifollow up yung order namin na book, actually pdf sya na pina book bind namin kasi nga naman ang mahal kaya if bibili ka talaga nang book na book talaga kaya yung pdf na binigay nang instructor namin as a reference ay pina book bind nalang namin. At nag paalam naman kami ni Ms. Dy if pwede ba eh pumayag naman kaya go na kami.

Pagkarating ko sa medlife, di ko kinaya ang dami nang tao. Well, ang medlife kasi is a printing services here in Cebu. Yes, hindi lang sila exclusive sa school namin kundi pwede siya sa ibang schools. Anyways, hindi ko yata kayang sumiksik sa kanila baka ako'y mahilo lamang kaya kukunin ko na sana ang phone ko para matext sila Kyla na mamaya or bukas nlang namin balikan dahil sa rami nang tao perobnagpakita na silang tatlo sa harap ko.

"watdaaa?! wag niyong sabihin makikipag gyera tayo diyan?" di makapaniwalang utas ni Denise

"gusto niyo? pwede rin naman para malaman natin sinong unang mamatay" pabiro kong sabi

Inirapan lang nila ako at natatawang umalis at pumuntang AZCO para sa PE namin. Babalikan nalang namin mamaya pagkatapos nang PE. Kailangan kasi namin yun bukas kasi gagawa na kami nang powerpoint presentation namin para sa reporting ngayong friday, eh wednesday na ngayon. Diba best in procrastination talaga kami eh samantalang last week pa yan binigay hays student life hmp.

"tanginang workout 'to. kailan pa ba ito matatapos?? eh parang hindi naman nakakaganda sa kalusugan eh nakakadagdag pa nang stress" reklamo ni Denise habang nag seset-up

"pag ikaw narinig ni sir, tatawanan lang kita" sagot nman ni Hailey

"ay grabe kayo! think positive kayo uy! tignan niyo ang paligid niyo mawawala stress niyo" sinigit ko sa kanila

"iba naman kasi yang tinititigan mo Chrystal eh" pang aakusa niya sa akin

"huy! ang judger niyo! grabe kayo sa akin ha!" madramang sabi ko sabay hawak sa aking dibdib para ipakita sa kanilang nasasaktan ako sa binitawan niyang salita pero syempre biro biro lang.

Nang umupo muna ako sa bench para magpa hinga, may nahagip ang aking magagandang mata. Siya ay naka jersey, may naka print na CITE sa harapan nang kanyang jersey at sa bandang likod naman ay may nakaukit na number 7 at sa ibabaw ay may naka lagay na Lucero at nasisigurado kong apilyedo niya iyon.

Napako lang ang tingin ko sa kanya at sinubaybayan lahat nang galaw niya simula sa pag dribble nang bula, sa pagpasa at pagsalo at sa pag shoot niya. Dahil sa tutok ako sa kanya hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang mga bruha.

"ayun, new crush spotted na naman! alin sa mga yan mamsh?" tanong ni Kyla na sinusundan ang aking mga mata

"Cite. Number 7. Lucero. tangina ang hottie bebe niya gurl!" sagot ko nman sa kanya na nagpipigil sa kilig

"ahh. di nman ganun ka hot pero ang gwapo ha infairness. pero pang ilan na ba yan sa listahan mo?" tumatango tangong sagot niya habang natatawa sa sariling tanong.

Medical Series #1: Cardio Ecto MeWhere stories live. Discover now