"That will be all, thank you. So do you have any questions and clarifications?" I asked my classmates after I discussed the last part of our report.
Luckily, they didn't ask anything, even our instructor kaya nakahinga kami nang maluwag nang mga kagrupo ko. After our report ay dismissal na, we were the 2nd group to report. Our instructor instructed that every meeting there are only 2 groups should present their report.
This is our last subject for this day kaya we have decided to go to Ayala Malls just to hangout and do some window shopping. Nagpa book na si Hailey nang grab, arte kasi nito ayaw niyang mag jejeep pero hinayaan na namin kasi siya naman magbabayad eh, magrereklamo pa ba kami eh libre na nga.
May naka park sa tapat namin na isang color grey mazda suv para bang may hinintay. Bigatin naman nang service. SANAOL
Lumabas si kuya driver at pak mga mamsh ang gwapo ha ang swerte naman nang maka sakay sa kanya, i mean makasakay sa kotse niyang sosyal plus pogi points narin sa mukha ni kuya
"Excuse me miss, sino sa inyu si ms. Hailey?" tinatanong niya sa amin habang tinitignan yung phone niya.
Si Hailey naman parang tanga tinaas talaga niya ang kanyang kanang kamay na para bang nag present pag nag attendance yung instrcutor. Ito nman si Hailey, masyadong pahalata. Nakakahiya jusmiyo.
"Uhmm, pasok na po kayo" sabi ni kuya poging driver
Hindi namin gets anong nangyari pero pumasok parin kami at doon namin napagtanto. Ang tanga talaga nila, tignan niyo, nahawa na tuloy ako hmpp.
Tama nga kami meron nga siyang hinintay, kundi kami. akalin mo yun iyon pala ang grab na binook ni Hailey. Infairness naman kasi hindi halata, ang sosyal nman nito plus the driver pa.
Kami nina Kyla at Denise ay nasa likod habang si hailey ay nasa shotgun seat at tinatanong na kung ano ano si kuya poging driver.
"What's your name?" tanong ni Hailey. Grabeng bruha to' hindi man lang talaga nagpa dalagang pilipina jusmiyo.
"John" maikli niyang sagot. Ay wow snob si kuya poging driver na ang pangalan ay John.
tinatanong pa ni Hailey nang kahit ano-ano si John, sinasagot naman niya pero halatang naiirita na. gaga naman kasi itong hailey eh paano pati ba naman address na kanilang bahay, anong kulay nang kanilang gate, bubong, at pinto tinanong pa para siyang akyat bahay na may operasyon mamayang kalahating gabi dahil may nabingwit siyang bagong impormasyon kung sinong bahay ang kaniyang mabibiktima.
"Thank you John, I'll give you a five stars and ilagay kita sa favourites ko, see you soon" ngiting sabi ni Hailey nang pababa na kami dahil nandito na kami. Napa roll eyes nalang kaming apat, yes kaming apat kasi kasama si John.
"Hula ko titigil na yun sa pag gagrab" sabi ko nung papasok na kami sa entrance nang mall.
"Huh? bakit naman?" tanong niya habang iniinspection ang kanyang bag nang guard.
"Malamang, natakot na yun. Feel ko nga na trauma na yun eh, daig mo pa yung mga HR sa pag interview" sabi naman ni Denise
"Seriously Hailey, pati kulay nang gate, bubong, at pinto tinanong mo pa? para kang akyat bahay" sabat ko naman habang pupunta kaming forme kasi bibili daw si Kyla nang perfume niya.
Tawa lang kami nang tawa dahil parang sasabog na si Hailey sa inis at kahihiyan sa sairili niya. Ngayon lang kasi niya narealize anong pinaggagawa niya.
"Girls punta muna ako nang NBS ha bibili lang akong nang highlighters at refill nang gtech" paalam ko sa kanila kasi alam ko namang di yan sila sasama kasi pag si Kyla at Denise pumasok nang NBS, aasahan mo nalang na may bitbit yang libro paglabas, hilig nila mag basa eh.
"Okay, sasamahan nalang namin muna si Hailey sa laybare, magpapa thread at wax daw sya eh. Doon nalang tayo magkita" sabi ni Denise.
Pagka sabi ko nang okay, pumunta na akong NBS. Pagka pasok ko pumunta na agad ako sa may highlighters at kumuha nang pinaka importanteng kulay sa pag hahighlight ko, ang color yellow at green. Pumili rin ako nang ibang kulay like pastel colors.
Nang nasa may art section na ako, naalala ko na malapit na pala ang birthday ni Ken, kaibigan kong mahilig mag drawing and paint kaya napag isipan ko na bibilhin ang nakitang canvas kasi sigurado akong wala na akong time next week dahil prelims week na.
"ay pulang kabayo!" nabigla kong sabi kasi naman kukunin ko na sana eh may humawak sa kamay ko, sinong hindi mabibigla diba.
"Miss can you give me this one? I really need it and ito nlang daw ang natira" pakiusap nung humawak sa kamay ko. pakiusap? parang nag eexplain lang naman siya kung gaano ka importante ang canvas na ito.
pero wait bakit parang familiar naman ata ang boses niya, pagtingin ko sa kanya nabigla ako omggg!!! di pa naman ako naka pulbo at lipint man lang, feel ko para akong si fiona.
"Trevence?" tulala kong banggit sa pangalan niya. nabigla siya sa pagtawag nang pangalan niya kaya kumunot ang kaniyang nuo habang tinignan ako nang mabuti na para bang inalala kung bakit ko siya kilala at saan niya ako nakita.
"Kung maka tingin wagas? matunaw naman ako niyan. Wag naman masyadong pahalata na type mo ako" i teased him, ginawa ko lang yun kasi di ako mapakali habang tinititigan niya. Ikaw ba naman titigan nang mariin, feeling ko kasi hinuhubaran niya ako.
Sa pagkasabi ko sa kanya nun parang naalala niya na ako kasi nag roll eyes lang siya. Sungit talaga ang sarap hubaran, ay joke, i mean paibigan pala.
"Ako ang naka una nito kaya akin ito. Pero sge dahil mabait ako, I'll give you a chance to reason out why would I let you have this?" sabi ko sa kanya at ngumiting pang miss universe.
bumuntong hininga siya na parang wala na siyang choice kundi ipaunlak ang gusto kong mangyari. Importante yata talaga ito sa kanya.
"This will be our ticket to take our exam next week, particulary on Wednesday, kaya I really need it now because I have no time to find a 36 x 48 canvas and I heard paubos na talaga siya" he explained.
"Eh bakit kasi ngayon mo lang naisipan na bibili at gagawa?" sagot ko naman sa kanya, wow Chrystal coming from you talaga eh noh, best in procrastination ka nga. kapal mo!
"I already finish it, matagal na. Kaya lang na aksidenteng natapunan nang kapatid ko nang juice kanina habang tinitignana ko kung okay na ba ipass or not." seryoso niyang sabi. nakakainis naman nun, kung ako nasa kanyang posisyon baka masuntok ko na yung kapatid ko.
"Dahil mabait ako, papayag ako. I'll give this to you but in one condition" I said and give him my sweetest smile.
I can sacrifice this, kailangan niya naman talaga eh. Bibili nlang ako before Ken's birthday, mahahanapan ko rin yun nang time.
"and what is it?" tanong niya
"Date me"
ଘ(੭*ˊᵕˋ)੭* ̀ˋ
YOU ARE READING
Medical Series #1: Cardio Ecto Me
General FictionChrystal is a 1st year medical technology student in Southwestern University. She loves to party and hangout with her friends after class, especially on weekends. She's a happy-go-lucky person and that makes everyone loves her. Trevence is a graduat...