00004xx
Bakit
After that kiss incident, isinumpa ko na talaga sa sarili kong hindi na ako magsasawalang bahala sa paligid ko. Ni hindi ko alam na nandun pala yung mga magulang nun ni Keegan.
That a-hole needs to burn in hell. Nagawa pang magsinungaling eh huling-huli ko na nga? I wonder who his parents are though. NI hindi ko nga talaga siya kilala. Dapat pala pinili ko na lang na makinig sa mga thesis mates ko. Tutal mga tsismosa yun at kasama sila actually sa “fansclub” kuno nun ni Keegan. Sila ang nag update sa akin dati nung palagi pa lang kaming nagkakausap ni Keegan kung nasaan sya, anong ginagawa niya whatsoever.
Nung una wala akong pakialam pero nung biglaan ko syang sinagot, naging interasado ako sa mga ginagawa nya – that’s why I have watched different drifting videos and yung videos na kuha nung mga fanpages nya.
I didn’t even know na madami yung umiidolo sa kanya. Sabagay, kung makikita niyo lang yung mga sasakyan na naid-drift nya, maraming maiinggit na mga lalaki. Pagdating naman sa mga babae, hakot sex appeal and hotness yun plus yung itsura pa nya diba? Ewan ko ba.
Enough about Keegan and his drifting and lying ass.
Nag-aalala ako sa kambal ko. There’s something wrong.
At kapag sinabi kong mali, mayroon talagang mali.
It’s been 4 days since our parent’s birthday pero hindi pa din namin mahagilap si Teyah. Alam naming nasa condo ko sya pero pag nagpupunta kami dun, lagi syang wala. Lagi syang gabi umuuwi at at umagang umaga umaalis. Ni hindi namin alam kung anong meron pero palagi pa ding nagtatanong si Dreigo sa amin kung alam na namin kung nasaan si Teyah.
As much as we want to let him know, kami na muna ang bahalang magtanong at maghagilap sa kapatid kong walang kasing tigas ang ulo. Kasalukuyan akong naghuhumangos galing sa school dahil pinatawag na naman ako ng head namin para i-confirm yung date ng alis and kung gaano kami katagal dun sa conference na mangyayari next year ng January.
Hindi ko din alam kung bakit isa ako sa ipapadala dun dahil I honestly didn’t even know na kilala ako nung head namin. Alam ko kasi dapat third years nung mga ipapadala pero ang sinabi eh yung graduates na lang para hindi maging sagabal dun sa studies nung lower year.
Nagmamadali akong sumakay sa elevator para makapagpalit ng damit. Ayaw kong maghanap kay kambal ng nanlalagkit dahil sa init. Dapat talaga magta-taxi ako kaso wala akong mahagilap kaya nag-jeep ako.
Nagmamadali akong lumabas ng elevator at lumiko sa hallway namin. Napaatras ako at napahawak sa dibdib ko nang makasalubong ko ang sullen-looking Dreigo at may hawak-hawak itong envelope.
“Dreigo! Anong ginagawa mo dito?” pinunasan ko yung pawis na nakalinya sa mukha ko. Bwisit na panahon ito, nakakapanlagkit.
“Nagbabakasali kung nandyan si Teyah.” Whatever their problem is, nakikita kong malaki iyon. Wala pa nga silang ilang linggo na mag-on, LQ agad? Walangya talaga itong dalawang ito.
“Dreigo…” huminga ako ng malalim at lumapit kaunti sa kanya. “Pag nakausap namin sya, ako mismo tatawag sayo. I hope whatever your problem is, sana maayos niyo.” I know I should side with my sister pero hindi ko alam yung nangyayari kaya neutral lang ako. I don’t want to sell my sister to the devil but knowing Dreigo, ayaw niyang nasasaktan si Teyah – nakita ko yun sa nagiging interactions nilang dalawa. Kahit laging nag-aaway yang mga yan dahil na rin matigas ang ulo ni Teyah, alam kong mahal sya ni Dreigo.

BINABASA MO ANG
Afire Love (SPG Girls #3)
DragosteTHIS IS A PREVIEW ONLY. MABABASA PO ANG BUONG KUWENTO SA DREAME APP OR WEBSITE. PAALALA: ANG KUWENTONG ITO AY NASA ILALIM NA NG PAY-TO-READ PROGRAM NG DREAME. IBIG SABIHIN, MABABASA ANG SUCCEEDING CHAPTERS SA PAMAMAGITAN NG PAGBILI NG COINS. SALAMAT...