Rebelasyon

637 13 5
                                    

Dedicated sa unang friend ko dito sa Wattpad. :">

☆  •  ☆  •  ☆  •  ☆  •  ☆  •  ☆

Rebelasyon

© SparklingStars

"Hinay-hinay naman sa pagkain. Mabulunan ka n'yan," sabi ng best friend kong si Quest. "Libre ko naman 'yan, e! 'Di kita aagawan. Dahan-dahan naman," patuloy pa n'ya pero sige pa rin ako sa pagnguya at pagsubo ng pagkain.

"Sige ka; tataba ka lalo n'yan," pananakot n'ya pero siniringan ko lang s'ya.

"Sus! 'Di naman si Angelo 'yang nilalamon mo."

At, mga kaibigan, doon ako naubo't nasamid ng bongga. Nabigla si Quest kaya dali-daling umupo sa tabi ko at hinagod ang likod ko. Uminom ako ng tubig. Nang ayos na ako, bumalik na si Quest sa upuan n'ya na nasa tapat ko.

"Sorry," sabi n'ya.

"Mano ba naman kasing tigilan mo na 'yung pagbanggit sa pangalan ng hayop na 'yon!" sabi ko sa kanya.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo na tigilan mo na 'yon, 'di ba? Winarningan na kita no'ng umpisa palang, 'di ba?"

E, loko pala 'to, e! Kung dineresto n'ya lang ako bago pa mag-umpisa ang lokohan namin, wala 'tong mga sakit na nararamdaman ko. Gusto kong sampalin at sabunutan 'tong taong nasa harap ko.

"Alam mo na 'yon simula no'ng umpisa pa, 'no?"

"Lalaki din ako gaya n'ya,"  sagot n'ya.

"E, bakit 'di mo sinabi sa 'kin ng diretso?" naiinis na tanong ko sa kanya. Kung sinabi n'ya ang totoo no'ng umpisa palang, 'di ako magkakaganito – messed up.

"Masyado kang caught up sa pantasya mong s'ya na'ng huli. Pero sinabi ko naman sa 'yong pag-isipan mo muna ang lahat bago s'ya sagutin, 'di ba? 'Kung ako sa 'yo, aalamin ko muna ang lahat tungkol sa kanya'. Sinabi ko sa 'yo 'yon, 'di ba?"

Napayuko nalang ako. Nagi-guilty naman ako dahil naisip kong saktan s'ya kanina. Ngayong napag-isip-isip ko, totoo naman 'yon. 'Di lang ako nakinig sa sinabi n'ya. Kontrabida kasi ang dating n'ya, e! Nakalimutan kong 'di lang nga pala dapat suporta ang ibinibigay ng mga kaibigan... mga pagsalungat din sa mga bagay na alam nilang makakasakit sa kaibigan nila.

"Sorry," nalang ang nasabi ko. Ginulo ni Quest ang buhok ko. Nang tumingin ako sa kanya, isang ngiti lang ang ibinigay n'ya sa akin. 'Yung ngiti na nakakapagpatili sa 'kin ng bongga dati.

"O, matunaw ako. Bawal kang ma-in love sa 'kin," natatawang sabi n'ya.

Inirapan ko s'ya. "As if mangyayari 'yon."

Natawa nalang s'ya. Gumaan na rin ang pakiramdam ko.

"Libre mo talaga 'to, 'di ba? Bibili pa ako, a!" sabi ko sabay tayo at lakad papuntang counter para 'di na s'ya makaapela. Kung ililibre ka nalang din, bakit 'di mo pa lubusin?



Dalawang buwan pagkatapos no'ng araw na nilibre ako ni best friend sa KFC, medyo nakaka-move on na ako. Mahirap sa una pero kinakaya ko naman. Napagdesisyunan ko nang unahin ang pag-aaral. Tatlong beses na rin akong nakaranas ng failed relationship. 'Yung una ay no'ng second year high school pa ako. Bawal pa akong magboyfriend no'n pero dahil pasaway ako, sinagot ko 'yung nanligaw sa 'kin. No'ng nagpaalam s'ya, sinabi ng mama n'ya na itigil daw dahil masyado pa kaming mga bata. Nakipag-break s'ya sa 'kin tatlong araw bago ang birthday ko. Nainis ako ng sobra sa kanya dahil 'di n'ya naipaglaban sa magulang n'ya 'yung relasyon namin. Dahil unang heartbreak, isang linggo akong 'di pumasok dahil feeling ko, katapusan na ng buhay ko.

RebelasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon