Isang normal na araw para sa isang normal na babaeng si Yhen ang masermonan sa umaga bago pumasok sa paaralan. Para sa kanya walang bago kasi walang mababago. Bigla siyang nataranta ng marinig ang sigaw ng ama niyang papasok na sa trabaho.
"Yung susi ng motor Lie! Asan na?" sigaw ng ama niya sa labas ng bahay. Halos liparin niya ng kusina papuntang labas ng bahay para maabot ang susi sa Ama niyang naghihintay.
"Kahit kelan talaga ay ang kupad mong gumalaw! Kaylan ka ba matutong gumalaw ng mabilis hah! Para kang pagong kung kumilos!" wika nito ng iabot niya ang susi dito.
Sa halip na sumagot ay tinalikuran na niya lang ito. Naghanda na siya para sa pagpasok niya sa paaralan dahil huli na naman siya para sa unang subject sa araw na iyon.
"Miss Domingo you're too early for the next subject." ayun na naman ang linyang kabisado na niya dahil halos araw araw siyang nahuhuli kung pumasok.
"Pasensya na Ma'am" hingi niya ng paumanhin dito bago umupo.
"Late ka na naman Lie" sabi ng kaibigan niyang si Chelsie
"Wala namang bago sa arae niya Chel eh! Lagi naman yang late kung pumasok, wag ka ng magtaka dahil gawain na niya yan." segunda naman ng kaibigan niyang si Jamaica.
Tiningnan niya ang dalawang kaibigan niya saka kumindat habang nakangiti.
"Late na nga ako hindi ko pa ba susulitin?" tumatawa niyang sagot sa dalawa na walang ibang nagawa kundi ang umuling na lang habang natatawa.
Natapos ang klase ng araw na iyon ng puno ng biruan at tawanan. Hindi maalis ang ngiti niya habang naglalakad pauwi sa kanila. Totoong masaya siya kapag kasama ang mga kaibigan niya sa paaralan pero hindi niya maintindihan kung bakit nawawala ang sayang nararamdaman niya kapag nasa bahay na siya nila.
Pagdating niya sa bahay nila ay nagbihis agad siya para magluto at gawin ang mga gawaing bahay na siya lang inaasahan ng mga magulang niya na gagawa. Normal na sana ang gabing iyon ng biglang isang malakas na kalabog ang narinig niya sa loob ng kwarto ng mga magulang, nag-aaway na naman ang mga ito panigurado wala namang gabi ang lumilipas na hindi ito nagbabangayan. Siguradong nangbabae na naman ang magaling niyang ama kaya nag-iingay na naman ang nanay niya. Dali dali siyang pumunta sa may pinto at sumilip.
"Pagod na pagod na ako Manuel! Hindi ka na nagbago babaero ka pa rin! May mga anak na tayo't malalaki na pero hindi ka pa rin nagbabago!" sigaw ng nanay niya sa tatay niyang patay malisyang nagbibihis lamang.
"Lalaki lang ako Clarita, natutukso." sagot ng ama niya habang humihiga sa kama.
Huminga siya na malalim saka pinahid ang luhang nahulog galing sa mga mata niya. Hindi niya alam kung ilang beses nang nangbabae ang tatay niya, ilan dito ay nakita mismi ng dalawang mata niya pero nagbulag bulagan lang siya dahil alam niyang hindi ito gawain ng tatay niya pero habang tumatagal ay nauunawaan na niya na tama ang mga nakita niya.
"Ilang beses ka pa bang matutukso bago tumino ha Manuel!?" muling sigaw ng nanay niya sa ama niya.
"Pwede bang tumigil ka na jan Clarita? Pagod ako sa trabaho, kailangan kong magpahinga." sagot ng ama niya habang nakapikit.
"Pagod sa trabaho o pagod kakatrabaho sa babae mo Manuel?" gatong nang nanay niya sa tatay niya.
"Isipin mo na ang gusto mong isipin. Nakakapagod kang kausap." patay malisyang sagot ng tatay niya sa nanay niya.
"Konti na lang talaga Manuel! Kung hindi dahil sa mga anak natin ay baka matagal na kitang iniwan! Pesteng buhay to!" sigaw ng nanay siya sa ama saka ibinato ang isang unan sa ama niya.
Nang makitang palabas na ang ina sa kwarto ng mga ito ay dali dali siyang umalis sa may pinto at tumakbo papuntang sala saka nagkunwaring nagbabasa ng libro at palihim na pinunas ang luha sa mga pisngi niya.
"Pagkatapos niyong mag-aral at gumawa ng mga takdang aralin ay pumasok na kayo sa kwarto niyo at matulog na, maaga pa kayo bukas." wika ng ina niya bago sila tinalikuran at lumabas ng bahay.
"Ate? Alis ba mama?" tanong sakanya ng bunso niyang kapatid na nasa tabi niya.
"Hindi bunso, jan lang yun si mama sa labas magpapahangin." nakangiti niyang sagot dito habang pigil pigil ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata niya.
"Hindi naman niya tayo iwan ate diba?" muling tanong ng kapatid niya sakanya.
Nilapitan niya ito saka ginulo ang buhok nito. Sa murang edad nito ay alam na nito ang nangyayari dahil araw araw nitong naririnig ang away ng mga magulang nila.
"Syempre hindi kasi love tayo ni mama, at syempre hindi niya kayang iwan si bunso kasi mas love ka niya kesa sa amin." wika niya saka ito niyakap ng mahigpit.
Isang normal na gabi na sana iyon kasi nag-away na naman ang mga magulang niya. Para sa kanya ay normal na yun dahil sanay na siya ang kaso ay narinig na naman ng mga kapatid niya ang away ng mga ito.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
KALAWAKAN (ON GOING)
RandomAng kaninang mga bituing natatakpan ng makakapal ng ulap ay biglang nagsilabasan at sabay-sabay na nagkinangan pati na rin ang buwang kanina'y nagtatago ay biglang lumitaw. Sa pangatlong pagkakataon ay ang nagkikinangang bituin at buwang nakangiti...