IKA-APAT NA KABANATA

2 3 0
                                    

Dahil sabado ay inutusan ako ni mama na bumili ng mga damit nito sa mall, lagi itong nagpapabili ng bagong damit tuwing sabado dahil sahod ito ng tatay niya kung si mama ay lahat bago at magaganda ang damit ay kabaliktaran iyon sa akin. Ang akin ay  luma na at halos hindi na magkasya ang ilan dahil maliit na, gustuhin ko mang bumuli para sa sarili ko ay hindi ko magawa dahil nauubos ang pera ko pangbayad sa ilang school project.

Naglalakad lakad ako mall ng may bigla na lang humigit sa akin at dinala ako sa tagong parte ng mall ngunit may mangilan ngilan pa rin na mga tao ang dumaraan. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko na lang na may dumapo na labi sa sarili kong mga labi at mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko ng malamang si Aaron pala yung humahalik sa akin. Pisting yawa? Matagal bago ako nakagalaw at awtomatiko kong nasampal ang humalik sa akin. Anong karapatan niya?

"Shit! Why did you slap me Amanda?" sigaw nang lalaki na humalik sa akin habang hawak hawak ang namumulang pisngi niya. 

Pagkatapos niya akong halikan magtatanong siya? Bobo ba siya? Edi sana hindi siya nanghahalik ng bigla kung ayaw niyang masampal punyeta namang buhay niya. Sino ba namang baliw ang basta basta na lang manghihila at manghahalik? Pasalamat nga siya dahil sapak lang inabot niya sakin eh. Giatay!

"Sino ka ba para halikan ako? Baliw ka ba? Gago ka pala eh! Bakit basta basta kang manghahalik? At sa mall pa talaga hah? Gago ka! Wag kang magtatanong kung bakit kita nasampal dahil kasalan mo yan! Gago! At anong Amanda? Analie ang pangalan hindi Amanda! Wag mo kong isasama sa mga babae mo."  balik sigaw ko dito habang matatalim ang tingin.

Sa hindi ko malamang dahilan ay sakit at lungkot ang nakita ko sa mga mata nito pero agad ding nawala at saka ngumiti sa akin. Baliw talaga.

"Sana maalala mo ako dahil sa halik na yun Amanda." wika nito habang nakatingin sakanya.

Amanda? Punyeta pala to sabi ng Analie pangalan ko hindi Amanda eh. Nakasinghot ata to kaya nababaliw.

"Anong Amanda? Hindi ako yung babae mo kaya tigilan mo ako." sagot ko dito saka tumalikod.

"If kissing you will make you remember me I am willing to kiss you again and again until you remember me Amanda." muling saad nito.

Humarap ulit siya dito pero naglalakad na ito palayo at hindi ako ulol para habulin siya magtanong kung anong pinagsasabi niya. Naka drugs lang yun at paniguradong isa yun sa mga babae niyang nakipag break sakanya.

Naiinis na pinunasan ko yung mga labi ko ng panyo ko. Gago talagang lalaking yun, basta basta manghahalik  ang pota. Pero malambot labi niya hah, sana all malambot yung labi kalalaking tao ang lambot ng labi. Pero pota talaga mali pa ring halikan ako sa mall, dapat sa walang masyadong tao para mas matagal. Anong pinagsasabi ko? Nauulol na din ako.

Nang makahanap ako ng taxi ay dali dali akong sumakay para maka uwi agad siguradong mapapagalitan na naman ako ni mama dahil malapit ng magdilim. Malapit na kami sa bahay ng biglang magsalita yung driver.

"Hindi man makaalala ang utak mo, hayaan mong puso ang makaalala kung sino siya sa buhay mo." makahulugan nitong saad habang nakangiti sakanya.

Naguguluhan naman siya tumingin dito. Pati si manong baliw din, baka mamaya baliw na din ako dahil dalawang baliw nakausap ko.

"Po?"

"People do not come and go. Nananatili ang isang tao kahit nahihirapan at nasasaktan na ito. Handang gawin ang lahat para sa taong mahal niya dahil ganoon ang pagmamahal, minsan kung sino pa yung takot maiwan at makalimutan ay yun pa ang mang-iiwan at makakalimot. Darating ang isang tao pero kapag nangakong hindi ka iiwan maniwala ka, pero hindi ibig sabihin ay maniniwala ka na ng buong buo.  Makalimot man ang utak mo hayaan mong puso ang magpa-alala sa utak mo. Time will heal." wika nito habang nagmamaneho.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KALAWAKAN (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon