"NALIGAW ka raw."
Sabay pa silang napalingon ng makeup artist. It was none other than Ivan. Tinanguan nito ang kanyang makeup artist. Umupo ang binata sa sofa malapit sa kanila. Naka-t-shirt at itim na pants lang ito with matching cap pa. Paul Soriano look. Medyo mahaba na rin ang balbas nito.
"Nakarating akong Nagcarlan," aniya na natatawa.
"Nagcarlan? Ang layo na noon, ah. Sa kabilang bayan na."
She shrugged. "Iyon ang itinuro ng Waze, eh. Pero noong feeling ko naliligaw na ako nagtanong na ako. Medyo liblib itong Tree Farm pero ang ganda."
Pumalatak si Ivan. "Nag-Waze ka pa? May sketch akong binigay sa 'yo, ah."
"Mas lalo akong nalito sa sketch mo. Pagkarami-raming notes at paalala. Meron ka pang pa-stop over sa Jollibee kapag nagugutom ako. Sa halip na map, parang naging script ang ibinigay mo sa akin. Ivan, pinaghihiwalay ang trabaho at personal na buhay."
Maging ang kanyang makeup artist at natawa.
"Mas nagtiwala ka pa talaga sa Waze," mukhang masama ang loob at inignora ang kanyang sketch.
"Hay naku," inabot niya ang kanyang working script at kinuha mula roon ang iniipit na sketch na bigay ni Ivan. Halos dalawang page iyon with matching sticky notes pa. Talagang sinimulan nito ang sketch sa paglabas niya ng garahe nila as if hindi niya alam ang pagpuntang SLEX.
Ipinasa niya ang sketch sa makeup artist. "Tingnan mo naman." Pagsusumbong niya. Binulatlat din iyon ni Janna. mayamaya pa ay maging ito ay natawa.
"Sir Ivan, nakakalito nga. Kahit naman kasi maliit na landmark inilagay mo pa. Dapat 'yong mga importante na lang."
"Nakalimutan ko pa ngang ilagay kung ilang karenderya ang madadaanan mo. Hindi ko kasi nabilang."
Iniikot niya ang mga mata. Ever classic Ivan.
"Pero in fairness, Miss Florence, ang sweet ng mga notes. Ang cute, nakaka-touch."
"Kita mo na. Buti pa si Janna na-appreciate."
"Grabe ka. Na-appreciate ko naman, kaya lang hindi ko alam kung gusto mo ba akong makarating ng Tree Farm o maligaw."
Ivan just chuckled. Humikab ito.
"Love letter yata ito, Miss Florence." Komento pa ulit ni Janna habang patuloy pa rin ang pagbabasa ng love letter este ng sketch ni Ivan.
"Baka nagpa-practice para sa susunod niyang prospect. Balak ibalik ang old school na diskarte." Napansin niya ang muling pahikab ng binata. Kinusot-kusot nito ang mga mata. Maitim na rin ang ilalim ng mga iyon. "Mukhang wala kang tulog."
Ivan rubbed his eyes once again. "Galing akong station. Brainstorming pa rin."
Isa ito sa may konsepto ng programang iyon kaya naman isa rin ito sa punong abala.
"Dapat natulog ka muna o kaya nagpahinga. Buti hindi ka nakatulog habang nagmamaneho." Hindi niya maiwasang mag-alala para sa binata. Sa sobrang pagod kasi nito minsan ay madali na rito ang makatulog. Ito pa nga mismo ang nagkukuwento noon sa kanya.
"Shh, relax, mother hen. I'm fine." Tumayo ito at nag-inat.
Umigkas pataas ang kanyang kilay. "Kapag ako ang nagsesermon mother hen agad kapag ikaw okay lang. That's being unfair, you know."
BINABASA MO ANG
Tres Marias: Florence Marie, Love Remains
RomanceSa kanilang tatlong magkakapatid, siya ang unang nagkaroon ng love life. Florence thought she had a perfect relationship. Akala rin ni Florence siya ang unang lalagay sa tahimik. Pero mukhang doomed na tumanda siyang dalaga ayon sa tuksuhan nilang t...