𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙞𝙧𝙩𝙮-𝙛𝙤𝙪𝙧 (𝒄𝒐𝒎𝒇𝒐𝒓𝒕)

249 21 3
                                    

Stell POV:

Nandito lang ako sa bahay and umuwi na si Jah sa bahay niya ng luhaan.

Tamang scroll lang ako dito sa IG at nakita ko naman ang post ni Maye.
Umiyak din siya.

Ang complicated nilang dalawa.
Kung magkasama kaming lahat, we try to act na normal lang para hindi sila gaano mailang sa isa't isa.

Ship ko sila. Awtss gege..

Since mabait ako na best friend, pinuntahan ko si Maye sa bahay nila.

"Maye!" sabi ko sabay katok

Binuksan na niya ang pinto at pinapasok ako.

"Maye, alam kong hindi ka okay" saad ko

Hindi siya sumagot at tumango lang.

"Ano bang pinagusapan niyo ni Jah?" tanong ko

Limang segundo bago siya nagsalita.
(a/n: yes po opo, nabilang ni Stell)

"Eto kase, nakipagusap siya sa akin about samin at bumalik lahat ng sakit" saad niya at nakinig lamang ako. Kita ko naman sa mga mata niya ang mga luhang gusto tumulo.

"Lahat lahat, bumalik. Ang sakit na sumira sa buhay ko. Ang sakit na sumira sakin" saad niya. "Kaya nga sa tuwing nakikita ko siya parang bumabalik ang nakaraan na pilit kong kinalimutan" dagdag niya pa

"Ano na gusto mong gawin Maye?" tanong ko

"Ewan. Iiwasan ko siya. Hindi ko gusto makita siya muli" sabi niya

"Hindi naman yan pwede. Kahit na pilit mo siyang hindi makita, alam naman natin na magkikita kayo" saad ko at nagbuntong hininga nalang siya

Naging tahimik kami at tumayo siya papalapit sa akin

"Stell, payakap" saad neto at ibinigay ko naman ang yakap ko sa kanya

"Don't worry Maye, magiging okay lng din ang lahat" sabi ko

"Sana nga, Stell. " saad niya

Makikita mo talaga sa mata niya na nahihirapan siya sa sitwasyon.
Alam ko naman na si Jah ay nahihirapan din.

Just Move On • SB19 Justin [EDITING] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon