XI. Us

420 29 16
                                    

Gal

"Hindi na pala pwedeng mag park do'n sa favorite spot natin?" tanong ko nang mapansing inihinto lang ni Ike ang kotse sa isang bakanteng espasyo sa parking lot dito sa hilltop. Yung madalas kasi naming puntahan ay nasa bandang unahan pa; saktong distansya lang ang layo mula sa mga cafés dito. We used to drive right up there.

"Hindi na. Dinevelop na rin kasi yung parteng 'yon, e." aniya nang bunutin ang susi mula sa keyhole. "May rule na sila na dapat lahat nang sasakyan ay dito sa parking na pumwesto."

Tumango-tango ako at kinuha ang cam-corder. Me and Ike headed out at the same time. Nang makalabas ay ramdam ko agad ang matinding lamig ng hangin kaya napahawak ako sa magkabilang braso. Right. We're currently at the elevated spot of the city kaya talagang mas malamig ang ihip ng hangin dito. Noon nga, madalas pa akong naka-jacket kapag nandito kami. Geez. I totally forgot about that.

"Malamig?"

Napabaling ako sa gawi ni Ike. He was still at the other side of the car. Malamang ay napansin niya ang kaunting panginginig ko.

I nodded.

"May hoodie ako sa loob. Kunin ko."

There was nothing I could do to stop him from opening the door and bending down to find his hoodie. 'Tsaka ayaw ko na rin namang umapila pa. Ang lamig kaya. Baka mamaya, pagsisihan ko ang hindi pagtanggap sa alok niya.

He handed me the hoodie once he found it. Kulay itim 'yon. Hinintay niya munang masuot ko bago kami tuluyang umalis sa parking lot. Hindi naman madilim ang paligid dahil may streetlights naman. As we're making our way to the place, pansin ko ang iilang tao na nakatayo malapit sa railings. May kakaunting tao rin sa loob ng isang café. Dito pa lang ay tanaw ko na ang city lights sa bandang gilid namin. But it's an 'okay' view. I can guarantee na mas maganda pa rin ang view ro'n sa pupuntahan namin.

A couple of steps more and we finally reached it. Pagkarating doon ay kita ko agad ang mga pagbabagong nagawa. I noticed that like the ones near the cafés, nilagyan na rin pala nila ng railings ang gilid ng bangin para iwas aksidente. May trimmed plants na rin sa palibot para mas magandang tingnan. Ang dating madamo at medyo mabatong lupa ay tinubuan na ngayon ng bermuda grass, 'di hamak na mas mainam para sa mga picnics. But of course, may iilang benches din dito.

There were only a few people here with us. May kalakihan ang espasyo rito kaya talagang hindi nakakailang. We can all mind our own business without having to sit near the other people and unintentionally overhearing their conversation.

I looked straight ahead and marveled at the citylights. Bahagya na lang akong natulala at wala sa sariling inabot kay Ike ang cam-corder bago naglakad palapit sa railings. Nang huminto ay marahan ko 'tong hinawakan. I felt the coldness of the metal against my palms. A warm breath escaped from my lips as I stand amazed in front of this breathtaking view. Ang lawak tingnan ng syudad mula rito. I forgot how nice it looked like.

"Maganda ba?" I heard Ike say behind me. Napangiti ako.

"Ang ganda!" I exclaimed, spreading my arms wide, feeling the evening breeze touch my skin. Rinig kong tumawa si Ike mula sa likod. Nang liningon ko ay kita kong kinukunan niya na pala ako ng video. Bumaling ako sandali sa tanawin bago ibinalik ang tingin sa kanya.

"Ang ganda, 'no? I-zoom mo para makita ni Tresh! Baka mainggit 'yon!"

I laughed at the idea. Sana talaga mainggit 'yung gagong 'yon. 'Yung tipong dadalhin niya rin si Care dito.

"Yep! This view is very pretty," Ike agreed and laughed again. Tapos naglakad siya palapit at huminto sa tabi ko.

"Kita mo 'yun?" sabi niya sabay turo sa isang gawi. I followed his line of vision. "Nando'n yung apartment ko."

24 Hours Challenge: EX EDITIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon