Chapter One

22.3K 363 15
                                    

Chapter One

"Cheers mga kupal," sigaw ko habang nakaangat ang baso ng alak. Habang ang mga ito, halos 'di na maiangat ang mga bote ng alak dahil sa kalasingan.

"So paano ba 'yan? Panalo ako!'' sabi ko sabay inom nang natitirang laman at malakas na ibinagsak sa mesa ang baso. Malawak ang ngisi na dinampot ko ang perang nasa gitna ng mesa. Oo, pera! Hinamon kasi nila ako ng mga kupal na tambay sa squatter area na madalas kong puntahan para maggala. Kung kaya ko raw silang talunin sa inuman sa akin na raw ang perang pinag-ambagan nila. Akala siguro nila boba ako. Alam ko na ang dahilan nila at balak kapag na lasing ako. Kaso nagkamali sila nang pagbabalakan nang masama. Oh 'di ba, naka inom na ng alak na busog pa sa pulutan nila plus may pera pa. Ngiting-ngiti ako habang binibilang ko iyon. Aba'yy naka 3500 din. Wagi!

"Hoy!" sinulyapan ko ang lalaking kanina pa nakaupo sa kahoy na upuan naka ilang yosi na ito panigurado. Lumapit ako sa kanya at nakipag-apir. Kahit naman malasing ako sa inuman 'di pa rin magagawa ng mga kupal ang balak ng mga ito. Nandito ang pangmalakasang tropa ng taon. Si Landon, ang siga ng magulong lugar na ito. Ewan ko ba, kung bakit na padpad ang kulot na tisoy na ito sa lugar na ito. Tumayo na ito sa upuang ilang oras nitong tinambayan saka ako inakbayan. Sabay kaming naglakad sa madilim na iskinita. Siguro kung normal na babae ako, tiyak na hindi ako mapapadpad sa lugar na ito. Kaso rito ko na kita sa lugar na ito ang freedom ko. Malaya akong gawin ang lahat ng gusto ko ng 'di hinuhusgahan ng mga tao. Dito ko nakita 'yong mga taong tulad ko na gustong tumakas sa buhay na meron sila. Tulad nitong kulot na tisoy na ito.

Sa sobrang gwapo madaming juding ang sumisigaw ng 150 sa loko. Kaso wala lang dito iyon. Nang marating namin ang labasan mabilis itong lumapit sa motor nito. Ang loko naka Ducati Macchia Nera. So alam nyo na, rich kid si kulot. Sumenyas ito na lumapit ako. Aba! Libre hatid na 'to, Sayang pamasahe kung mag-co-commute ako kaya lumapit ako. Hindi muna ako sumakay dahil may binubuksan itong parang candy.

"Oh nguyain mo, maaamoy ka na naman sa inyo n'yan eh!" sermon nito sa akin. Ibinuka ko ang bibig ko saka nito iyon isinungalngal. Wala talagang gentleman spirit ang kulot na ito. Saka nito isinuot sa akin ang helmet. Agad akong sumakay saka mabilis na yumakap sa beywang niya. Sweet? No it's not, ang byaheng 'to ay patungong impyerno. Kaya kung 'di ako yayakap dito baka tumilapon na ako.

Hindi ako nag-jo-joke. Racer ang loko, at kahit wala sa racing field lahat ng kalsada para rito ay arena para sa poging motor nito. Alas-dos na ng madaling-araw wala ng madaming sasakyan sa kalsada kaya mabilis naming narating ang bahay ko. Hindi n'ya ako mismong ibinaba sa tapat ng gate namin. Dating gawi, aakyat na naman ako ng bakod. Dahil kapag sa pinto tiyak na paghahatol na. Wala sa akin ang loyalty ng mga bantay kung 'di nasa mga taong nagpapasahod sa mga ito.

Saktong nakalapag ang mga paa ko sa loob ng bakuran umalis na si Landon. Kabisado ko na ang ronda ng mga bantay. Kaya walang kahirap-hirap na nakapasok ako sa kwarto ko gamit ang terrace sa kwarto ko na iniwan kong bukas kanina. Sinong matinong tao ang dadaan sa pinto ng ganitong oras? Wala, ako lang.

Mabilis along nagtalukbong nang makarinig ng mga yabag. Tiyak na i-che-check nila kung nasa silid ako. Kunwari pang naghihilik ako, bumukas ang pinto at ilang segundong nakiramdam bago muling sumara iyon. Napaupo ako at napangiti. Basic!

---

"What's wrong with you? Minsan na nga lang natin siyang bisitahin nang magkasama nagmamadali ka pa!" hindi pa man ako nakabababa ng hagdan dinig ko na ang tinig ni Amelia. Ang aking ulirang ina.

"You know, I'm busy!" aagot naman ni Joshua, ang gago kong ama. Sa tuwing nagkakasabay ang mga ito sa pagbisita ay ganito lagi ang eksena.

"Heay, guys! What's up?" cool ko lang na sabi saka lumapit sa mga ito. I don't give it a damn about their issues.

"Anak!" excited na lumapit sa akin si Mama saka yumakap."I miss you!" ani nito saka pinupog ako ng halik sa mukha. Miss daw niya ako, pero nasa iba siyang bahay kasama ang mga paboritong anak, apat na lalaking at isang babae na never ko pang na kita kahit sa larawan dahil nasa ibang bansa ang babaeng kapatid ko at ayon sa aking ina for safety nito kaya malayo ang anak nitong babae sa piling nila. Tsk, bulok na talaga ang style ng nanay ko.

"George!" lumapit naman si Joshue at yumakap din sa akin.

"Anong meron? Ba't nandito kayo?" nakakagulat na makita ang mga ito. Ngumiti si Amelia sa akin sabay hila sa akin patungo sa sala. Napabuntong hininga ako nang makita ko ang itsura ng sala ko. Punong-puno mula sa sofa, carpet, at center table ng mga shopping bags.

"Surprise! Galing ako ng Hongkong with my amigas, nag-shopping ako ng mga pasalubong ko sa'yo! Do you like it?" ngumiti lang ako saka bumuntong hininga."Hindi mo ba nagustuhan?"

Paano ba nila malalaman ang gusto ko? Never ko silang nakasama sa bahay na ito. Ilang oras lang at aalis na sila at babalik sa mga mundo nila na hindi ko pwedeng marating. Kasi baka makasira ako ng pamilya. Pamilyang binuo nila sa iba. Ay mali, arte ko rin, ako pala ang results nang pagkakamali nila sa kanilang mga pamilya. Anak sa labas, anak sa pagkakamali! So disgusting. Pero guys , imposibleng umabot ako sa suicidal stage mahal ko ang sarili ko. Dah, ako na lang ang pwedeng magmahal sa sarili ko 'no. Hindi ako aasa sa iba para lang sa pagmamahal. Kaya ko namang gawin.

"I have something for you too!" singit ni Joshue kaya napatingin kami sa kanya. Iniabot nito ang isang atm card. A black one.

"Sky's the limit!" sabi nito sa akin. Tinaggap ko pa rin iyon. Sayang naman kasi.

"Salamat!"

"So paano aalis na ako! May flight pa ako later!" sabi nito saka ako niyakap at dali-dali nang umalis.

"Aalis ka na rin ba?" tanong ko kay Amelia. Alanganin ang ngiti nito. Kaya nagsalita akong muli."It's fine, sanay naman na ako sa inyong dalawa!" sabi ko at tinalikuran na ito at patakbong tinungo ang aking silid. Hindi sa nag-iinarte, feel ko lang. Bakit ba? May angal ka?

The Badass Queen of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon