Chapter Three

8.4K 245 17
                                    

Kalmado lang akong kumakain ng isaw habang unti-unting lumalapit ang mga ito.

"Mga tol alam nyo ba kung anong ibig sabihin ng TDMKA?" Tanong ko sa mga ito. Natigilan naman ang mga ito at Waring nag-isip."Ayieeee nag-iisip sila, may utak ba kayo mga tol?"

"Ano?" Sabi ng isa.

"TDMKA? Takbo dahil mukha kayong aso!" Sabi ko sabay hagis sa mga ito ng bote ng alak at ng plastic ng isaw. Sayang yun, pero mahal ko ang buhay ko. Kaya ko naman sila pero hindi ko itatake risk ang kutis ko baka magalusan edi nalaman pa ng magulang ko ang escapades ko.

Humabol ang mga ito sa akin. Buti na lang runner ako. Humalo ako sa mga estudyante at ng makakuha ng pagkakataon sumabit sa Jeep na tulad na ginawa ng mga estudyante. Ngising-ngisi ako na kumaway sa mga gangster wannabes na humahabol pa sa Jeep.

Umuwi na lang ako. At dating gawi akyat bakod gang nanaman ako. At walang nakaalam na lumabas ako. Saktong makapasok ako sa silid 7:10 pm na. Naligo muna ako, pagkatapos kong maligo saka ko binuksan ang tv. Sumalampak sa sofa at naghanap ng magandang channel. Napansin kong nag-riring ang phone ko. Agad akong tumayo at dinampot iyon.

Si Landon.

"Oh?"

"Nakauwi ka ba ng maayos?" Tanong nito sa akin, ngumisi ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"Ulol ano to? Pa-fall Gago!" Sabi ko na may malutong na tawa.

"Tss, stupid I'm not pa-fall!" Haha ang sungit ng kulot na to.

"Nandito na ako sa bahay tol, nakailan kayo?" Cool na sabi ko dito.

"Anong naka-ilan?" Bobo din talaga to.

"Diba kasama mo yung chicks mong kolehiyala? Saang kanto mo tinira?"

"Bunganga mo!" Inis ang tinig nito. Pero ako kasi yung tipo ng tao na walang pake. Joke lang Naman Yun, sa magkakaibigan ang mga ganitong inside jokes is fun. Nagiging foul lang kapag may di kaibigan na nakisawsaw.

Ikwenento ko dito ang nangyari kanina. Feeling ko nga kaya nanahimik ito ay sinisisi nito ang sarili. Pero wala lang naman yun sa akin, ayaw kong madieta ang aking kaibigan. Natapos lang ang kwentuhan namin ng kumatok ang kasambahay ko kaya dali-dali akong nagpaalam dito.

"Dinner is ready!" Pormal na sabi ng kasambahay. Taray umienglish. Mas demure pa yung kasambahay ko kesa sa akin eh.

"Okay, yow!" Sabi ko with full energy. Kitang-kita ko ng mapangiwi ito. Feeling ko tuloy weirdo na ang tingin sa akin nito.

Sa bahay na ito, lahat ng kasambahay at bodyguards dumaan sa madugong interview. Kung kumilos sa loob ng mansion akala mo nasa isang 5 star hotel.

Kahit sa pagsisilbi nila sa akin kulang na lang may magpaypay at may gumiling-giling sa harap tulad ng kung paano iassist ang isang maharlika. Amputs.

"Miss tumatawag po ang Mama ninyo!" Uminom muna ako ng tubig bago iyon sinagot.

"Yes?"

"Hi anak, kumain ka na ba? Nagbilin ako sa chef na healthy foods lang ang iserve sayo, sinunod ba nya?"

"Yes!" Tipid kong sabi. Kesa humaba pa ang usapan."We should end this call baka may makahalata pa sayo!" Sabi ko. Noong bata ako, ako yung halos magmakaawa sa Mama at Papa ko na habaan ang usapan namin kasi na-miss ko sila. Pero habang namumulat ako sa reality, nawalan na ako ng pakialam. Sinanay ko ang sarili ko na di umasa sa atensyon ng mga ito na kahit kelan ay hindi ng mga ito maibibigay sa akin dahil tiyak na ikasisira ng mga ito.

"Ana-k? Nagtatampo ka ba kay Mama?" Gusto kong sabihin na hindi lang tampo ang nararamdaman ko. Pero ayoko, ayokong mag-alala ito at ayoko ding maging pabigat sa mga ito.

"No Ma, iniisip ko lang na baka may makaalam nito! Bye!" Iniabot ko na sa kasambahay ang tawag saka tumayo na din at iniwan ang di pa ubos na pagkain at nagdecide na umakyat na lang ng silid.

Itutulog ko na lang ito. Para may energy ako sa mga escapades ko bukas.



Kaso kinabukasan, akala ko normal na araw lang. Tatakas sa mansion at magpapakasaya. Sana hindi ko na lang ginawa. Sana nagmukmok na lang ako sa silid ko nanood ng tv, natulog at nagbasa ng libro.


"Pakawalan nyo sabi ako!" Hiyaw ko sa mga lalaking may hawak sa akin. Wala si Landon na pwedeng tumulong. Walang bodyguards na pwedeng promotekta. Ang meron lang, sarili ko kaso mahigpit ang hawak ng mga ito sa akin. Akala ko simpleng inuman lang kasama ang mga tropa. Ang hindi ko alam may plano pala sila, nanghihina ako dahil sa gamot na inilagay nila sa alak ko. Gising ako, may malay tao pero parang nakalutang sa ere ang katawan at walang kontrol. Saka lang bumalik ang lakas ko pero hindi sapat para makawala sa mga ito.


"Wag kang magulo, tataniman ko ng tinga yang ulo mo!" Sabi ng isa saka idinikit iyon sa aking tagiliran.



"Tanga, sa taas ang ulo! Nasaan ang utak mo? Hiyaw ko dito. Nagtawanan ang mga kasama nito na ikinainis ng lalaki at dinutdot ang dulo ng baril sa sintido ko.


"Gago ka, Kung di ka lang type ni boss baka kanina ka pa patay!" Sabi nito.


"Boss? Sinong boss?" Sabi ko.


"Sino pa ba? Edi si Boss Jecko!" Mariin akong napa-pikit. Sa lahat ng taong iniiwasan ko si Jecko pa talaga, dyos mio anak ito ng politiko sa lugar na ito plus alam ng lahat na myembro ito ng isang grupo na di takot sa batas.




Kahit medyo nanlalambot pa, sinubukan kong magpumiglas.



"Kahit anong gawin mo, si boss ang makakadali sayo!" Nagtawanan ang mga ito. Mabuti dahil mabilis akong nakakuha ng tyempo at sinipa ang mga ito. Nadampot ko ang nabitawang baril ng Isa at pinatamaan ang mga ito sa paa. Saka binitiwan ang baril at tumakbo ng tumakbo sa abot ng aking makakaya.



Nang marating ko ang kalsada gusto kong maiyak sa sobrang frustration. Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala ding sasakyan na dumaraan. Wala akong cellphone, kahit nga ang bag ko ay wala.




Tumakbo ako ng tumakbo. Sa isip ko takot na mahabol ng mga ito.


Nakahinga ako ng maluwag ng may sasakyan padating. Agad akong humarang sa gitna. At mariing napapikit. Akala ko katapusan ko na, pero hindi dahil nakapagpreno naman ang driver. Dinig na dinig ko ang malutong nitong mura. Hanggang sa tuluyang magdilim ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.

Completed na po ito sa D•R•E•A•M•E and na swertehan ni author kaya naging pay-to-read. Kung gusto n'yo pong mabasa ng buo, pwede naman po. May free coins pong ibinibigay daily. Ang The Bad Billionaire Series naman po ay naroon na rin. Series 8 na po tayo roon. Ang series 8 ay on-going and free.

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Badass Queen of the Billionaire (Completed) 🎉
The Badass Queen of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon