Loisa Pov
Kinakabahan ako sa bawat hakbang niya patungo sakin pero wait! Sakin? Huh? At ano naman ang binabalak niya? Pero infairness ang gwapo niya pala sa malapitan shemayyyy!!!!Red Kissable Lips, Yung Chick bones niya ang sarap hawakan tapos yung kilay niya medyo makapal ang tangos pa ng Ilong niya tapos yung Buhok niya bagay na bagay sa kanya...
Pero Wait! Arggggg Loisa.. Tandaan mo huh! Hindi ka napunta dito para ma inlove huh! Arggggg Selfffff Umayos ka... Umayos ka
"Gwapo ko ano? Natulala kana ah"
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sakin damn Nakakahiya parang gusto ko ng Mag palamon sa lupa dahil sa kahihiyan arggg"I want You To pretend as my Girlfriend For atleast 3 weeks"
Mahinang sabi niya na sakto lang para marinig ko"Ano? Bakit ako?" Gulat na pasigaw kong tanong sa kanya.. Kaya lahat ng mga Studyante dito sa Cafeteria nakatingin na samin.
"Lower Down Your Voice Babae" Masungit na sabi niya kaya tinaasan ko siya ng Kilay kahit naka salamin pa ako
"Hoy! Lalake. Bakit ako? Ayaw ko nga iba na lang" Pag tanggi ko sa kanya
kase naman kung tungkol ito sa atraso ko sa kanya pwede naman na iba na lang eh kesa pag panggapin niya ako na Girlfriend niya haistttt 2nd Day kona dito sa University na ito pero ang malas malas kona talaga
"Baka nakakalimutan mo Babae may atraso kapa sakin. Alam mo ba na dahil sa ginawa mo hindi ako nakalakad ng maayos kahapon" sabi niya habang umiigting yung Panga niya dahil siguro sa galit? Or inis? Aisttt Ewan
"Oo may atraso ako sayo, pero pwede naman na sa ibang paraan na lang eh"
Sabi ko"Choosy kapa pasalamat ka nga at ikaw pa ang napili kong mag panggap na Girlfriend ko" Sabi niya habang naka ngisi
"Mr.WhoEverYouAre hindi kaba nakaka-intindi? Sabi ko
A. Y. A. W. K. O. N. G. A" may diin na sabi ko at akmang aalis na ako kasama sila Aikka ng biglang may sinabi pa siya"I'll do Everything mapapayag ka lang Ms.Choosy" Sabi niya na agad kong ikinairap kahit hindi niya nakita..
Tskkk! At ano naman ang pumasok sa utak niya at gusto niya akong mag pretend na Girlfriend niya? Tsk! Arggggg Bakit ba ang Malas ko dito sa University na ito? Hindi katulad sa University namin na Chill lang ako walang ka away Awittt hahaha! Joke lang pero kung ano man ang binabalak niya naka handa na ako Hindi ako mag papatalo at Wala sa Vocabulary ko ang Salitang Talonan.
Ronnie Pov
Arggggg That Nerd Choosy pa siya pasalamat siya kase sa dinami-rami ng Studyante na magaganda dito siya pa ang napili ko.. Tskkk Kala mo kung kagandahan eh! Pero wala pa naman siya sa kalingkingan ng Queen Bee dito eh.. Tsk! Ang pinag ka iba lang nila Flirt Yung Queen dito at siya ahmmm Hindi? I guess Pero Argggg Damn"Pano ba yan pre ayaw niya hindi umubra pag ka Charming mo tsk!" Sabi ni Kid habang tinatapik tapik ang balikat ko andito pa din kame hanggang ngayon sa Cafeteria
"Pero Gaya nga ng sinabi ni R2 kanina gagawin niya daw ang lahat mapa payag lang siya. Pero R2 ano na naman bang Balak mo?"Tanong ni Wilbert
" Ahmmm We'll Bully Her Until Pumayag siya"sagot ko agad naman silang nag katinginan sa isa't isa maliban kay Zeus na Alam kona kung bakit tsk!
"Hindi ko hahayaan na i-bully niyo siya" Kontra niya.. Tsk! Sabi na nga ba eh!
"I'am The King And President here kaya pwede kong gawin lahat ng gusto ko. Ako ang masusunod at walang makaka pigil sa kung ano man ang gusto kong gawin" Cold na sabi ko
"Yes, You're the king and president pero Hindi sa lahat ng bagay ikaw ang masusunod. Ikaw na nga ang nag sabi na ikaw ang president pero as a president gawain ba ng president ang mambully ng Studyante? R2 baka nakakalimutan mo kapatid ko siya, kapatid ko pa din siya kahit Hindi niya pa alam" Sabi niya kung maka pag sabi para siyang si dad tsk!
"Wow! Hahaha. Dad Ikaw ba yan? Kung maka pag sabi ka Kala mo ikaw si Dad huh? Matagal ko ng gawain ang Mang Bully Or Should I say NATIN pero ngayon ka lang nag salita ng ganyan? Damn Zeus anong nakain mo?
Baka Nakakalimutan mo. Hindi lang ako ang Bully Dito pati ikaw Bully din.. 'Wag kang mag malinis Zeus" Sabi ko medyo napalakas ang pag ka sabi ko kaya naagaw namin ang atensyon ng mga Studyante dito"Kase Kapatid kona tinatarget mo! R2, ano ba? Ibang usapan na toh! Ayaw kong madamay pati Kapatid ko, ayaw kong mapa bilang siya sa listahan ng mga Studyante na na bully or ma bu-bully niyo." Sabi niya
"Para akong nanonood ng Movie Damn Vitto Yung Pop corn paki Abot bilis ang tense ng sagutan" Sabi ni Kid kaya binatukan siya ni Vitto
"Ano ba Kid, tumigil ka nga kung ayaw mong mapatulog ng wala sa oras" Sabi ni Vitto kay Kid
"Eto naman napaka seryoso Eto na nga Tatahimik na" Sabi ni Kid
"Hey. Guys! Mga Pre, Chill hahaha! Awat na Ano ba? Pinag titinginan na kayo oh! Ano ba." Awat ni Wilbert samin
"Vitto, Kid and Wilbert mag handa kayo bukas na natin simulan.. Kung Ayaw sumali ni Zeus wala na akong pakealam pa" Sabi ko sabay alis..
Ang ayaw ko kase sa lahat yung Kino kontra ako sa gusto ko.
Gusto ko lahat ng Gusto kong gawin nasusunod or masusunod ayaw ko ng may kumo kontra dahil nakaka inis lang eh...
-------
𝙏𝙤𝙗𝙚 𝘾𝙤𝙣𝙩𝙞𝙣𝙪𝙚𝙙.
𝙆𝙞𝙣𝙙𝙡𝙮 𝙑𝙤𝙩𝙚 𝙛𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙞𝙨 𝙘𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙥𝙤 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙜𝙪𝙨𝙩𝙪𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙞𝙮𝙤. 𝘼𝙣𝙙 𝙥𝙖𝙠𝙞 𝙛𝙤𝙡𝙡𝙤𝙬 𝙣𝙖 𝙙𝙞𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙪𝙥𝙙𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙥𝙖 𝙠𝙖𝙮𝙤 𝙨𝙖 𝙣𝙚𝙭𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 😊