Chapter 18

118 13 14
                                    

Aikka pov

Ngayong araw ko na gagawin yung revenge ko kila chienna gagawin ko lang naman ito para kay loisa kase ayaw ko kase na napapahiya siya tsaka kaibigan ko siya ayaw ko na may umaaway sakanya at kung sino ang kaaway niya kaaway ko na rin kaya ngayon nag iisip ako ng plano ko para sa revenge ko kila chienna

Actually Hindi pa alam nila loisa at Sue ito pero sasabihin ko naman sa kanila mamaya pag naka isip na ako ng plano ko at alam kong hindi sila papayag dahil sa dakilang mga Anghel lang naman sila Loisa At Sue Ewan ko ba sa kanila inaaway na nga sila Wala pa silang ginagawa para mapa tigil yung umaaway sa kanila

Si Sue Bago ko siya nakilala daming umaaway sa kanya dahil sa Nerdy siya pero dahil dakilang Mabait ako, ako yung tumulong sa kanya para mabago yung itsura niya at ako ang nag tatanggol sa kanya dati kaya ngayon siya na ang Muse dito Yun nga lang Hindi na nga siya Nerdy pero naging Boyish naman siya Boyish na may gusto kay Kuya Ronnie haistttt at ngayon si Loisa Naman nako ang hirap maging Anghel

Pero kahit pa hindi sila pumayag Wala na talagang makaka pigil sa balak kong gawin sakanila

At sana lang talaga Wala nang gawin sila chienna pag tapos netong revenge na ito at nakakaramdam rin ako na parang may mang yayari din mamaya at alam kong may plinaplano yung mga yun
pero kung ano man ang plano nila uunahan ko na sila hinding hindi sila magtatangumpay sa plano nila sisiguraduhin ko yan.

At ngayon may naiisip nako na plano sa kanila ahmm ipapa kidnap ko lang naman sila meron akong mga katulong yun ay yung mga Pinsan at barkada ng boyfriend ko At Yes! Tama kayo ng nabasa gaya nga ng sabi ko sa isang Chapter kung nabasa niyo meron akong Boyfriend pero hindi alam nila Kuya at ng parents ko dahil nga sa bawal daw ako mag boyfriend muna Secret Relationship lang ang meron kame Mga Pinsan ko lang ang nakaka Alam at mga Tropa ng Boyfriend ko

Wala akong balak na ipaalam sakanila na may Boyfriend na ako lalo na kay kuya Ronnie
Pero kung malaman man niya or nila Edi Bahala na mag papaliwanag na lang ako

Pero ayon na nga Back to my plano ang plano ko ay iset-up sila sa lumang bahay at tatakutin ko sila na pag inulit pa nila yung pang bubully kay loisa ay papatayin ko sila at makakatikim sakin ng sampal yan si chienna ng gigigil nako jan Porket Queen Bee ganyan na Attitude niya tsk!

Sa totoo nga eh Malapit na ang
Face Of The Millennium
napag usapan na namin yan kanina lang ng mga Officers
Kung saan mag kaka room ng Pambato ang bawat section at kung Sino man ang manalo dun Siya ang bago at papalit sa pwesto ni Chienna

Tsk! Well³ Chienna Tsk.
Humanda kana mamaya tingnan lang natin kung saan aabot yang ka malditahan mo

Loisa pov

Andito kame ngayon ni Ate Sue sa cafeteria inaantay namin si Aikka actually kanina pa kami dto antagal nga ng Babaitang yun kainis

"Asan na ba yung babaeng yun antagal naman ata non" sabi ni Ate Sue

"Yan na ata siya oh natatanaw ko na yung bruha na yun" sabi ko

"Grabe sa bruha lois ah..HAHAHA" Natatawang sabi ni Ate Sue

"Sshhhh ka lng Ate Sue baka marinig" sabi ko habang natatawa

"Hey girls" sabi ni Aikka at bumeso siya samen

"Hoy babaita bat ang tagal mo kanina pa kaya kami dto Alam mo ba yun? Huh? Nakakainip kaya mag hintay" May halong inis na sabi ko

"Kaya nga bat ba ang tagal mo? " Tanong ni Ate Sue

"May inayos pa kasi ako" sagot niya

"Ano naman yon?" Tanong ni Ate Sue

"Yung plano ko kay CHIENNA inayos ko lang pinapunta ko na kasi don yung mga friend ko at nag usapusap pa kmi kung ano ang gagawin okay!" Paliwanag niya

I'm Falling Inlove With A NerdWhere stories live. Discover now