Here's the last update. Yep. Last na. Again, post 1-6 are the chapters posted by the writer. POV na ulit 'to ng reader. Enjoy.
***
Sinulat ko sa papel ang nakuha kong impormasyon sa posts niya at tumawag ako ng pulis. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko ‘to nagawa. Hindi ko nga alam kung totoo ba ‘tong sagot na nakuha ko o nag-ooverreact lang ako. Pero para sigurado ay cinontact ko ‘yung mga pulis at sinabi ko ‘yung sitwasyon. Sinabi ko rin sa kanila na kailangan ay hindi malaman ng pupuntahan namin na darating sila.
Agad-agad rin akong umalis ng apartment kahit na 10 PM na at delikado na sa labas. Hindi rin ako matatahimik kung hindi ko ‘to gagawin.
Sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko ngayon habang nakasakay ako sa motor ko. Oo, nagmomotor ako. Pinamana pa ‘to sa akin ni Papa para raw hindi na ako magcommute kapag pumupunta ako sa campus. Medyo weird nga lang dahil babae ako kaya naman ang tingin sa akin ng classmates ko ay may tendency akong manakit at mambully.
Anyway, pinaandar ko ‘yung motor ko at pumunta ako sa location na nakuha ko at kung anu-anong tumatakbo sa isipan ko. At kung tama nga ‘tong ginagawa ko ay sobrang hanga na ako sa writer na ‘yun.
She’s freaking awesome! Ang talino niya para magawa ‘yun ng hindi man lang napapansin ng iba. Idol ko na talaga siya dahil nagawa niya ‘to kahit na...kahit na nasa kapahamakan ang buhay niya.
Nakarating agad ako sa isang mataas na building at mukhang ito nga ang nakalagay doon. Sinabi ko kaagad sa guard ‘yung sitwasyon at sinabihan ko siyang i-alert din ‘yung management. Sinabi ko rin na paparating na rito ‘yung mga pulis.
Tumakbo ako papunta sa elevator at pinindot ko ‘yung floor kung nasaan ‘yung writer na ‘yun at mas lalong bumilis ‘yung tibok ng puso ko. Hawak-hawak ko nang mahigpit ‘yung papel na sinulatan ko kanina habang binabasa ko ‘yung story niya at after ilang seconds ay huminto na ‘yung elevator. Dahan-dahan akong lumabas at naglakad ako papunta sa isang room.
Huminto muna ako sa likod ng isang poste at hinintay kong dumating ‘yung mga pulis. Sinilip ko ‘yung labas dahil glass naman ‘yung wall ng building at nakita kong nasa labas na ‘yung mga pulis. Mukhang sinunod nila ‘yung sinabi ko at hindi nila pinatunog ‘yung siren. Hinintay ko silang makaakyat at nung nakita ko ‘yung apat na pulis palabas ng elevator ay tinaas ko ‘yung kamay ko. Nakita naman nila agad ako kaya naglakad na ako papunta doon sa isang room habang nakasunod sila sa akin.
Nung nasa tapat na kami ng room na ‘yun ay parang sasabog na ‘yung dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi ko akalaing gagawin ko ang ganitong bagay. Imbes na ginagawa ko ‘yung thesis ko ay heto ako ngayon at kasama ang mga pulis.
Dinikit ko ‘yung tenga ko sa pinto at narinig ko ang usapan sa loob.
“Tapusin mo na ang istoryang ‘yan at ibigay mo sa akin. Hindi mo pa nalalagay ‘yan sa website na ‘yun, hindi ba? Kung ayaw mong bumaon sa ulo mo ang bala sa baril na ‘to, tapusin mo ‘yan ngayong gabi,” tapos bigla kong narinig ‘yung pagkasa ng baril.
Shit. Tama nga ang hinala ko.
“F-Fine. Pero aabutin ako ng 2 AM sa pagsusulat ng last chapter.”