Beware of the following scenes ahead.
Umiiyak na tinanaw ni Dreval ang papalayong sasakyan ng mga magulang. Labis-labis na sakit ang kanyang nararamdaman mula ngayon dahil tuluyan na siyang iniwan ng mga ito. Dahil ba ampon lamang siya at hindi kadugo kaya kaydali na lamang siyang iwan ng mga ito.
Baon sa utang at nakasanla pa ang kanilang bahay sa bangko kaya ano mang oras o araw ay wala na siyang matutuluyan kapag nangyari iyon. Tanda niya pa ang sinabi ng kanyang
ama na wala na siyang silbi. Magpasalamat pa nga raw siya at pinakain at inalagaan siya ng mga ito
dahil kung hindi raw sa mga ito, baka palaboy-laboy na siya at baka napariwara pa.Gusto niyang isumbat na pagkatapos ba ng mga utang na loob niya sa mga ito, iiwan na lamang siya na parang ganoon-ganoon na lang.
Kaysakit isipin na kaya siyang saktan at tikisin ng mga magulang niya.
Lumaki siyang hindi na makalakad at nakaasa na lamang sa wheelchair. Bagamat may dalawang paa, hirap na niyang maigalaw at mailakad ang mga ito. Walang mga kaibigan, walang nakakapansin, parang anino lang sa hangin.
Masipag siyang magbasa at gumawa ng mga painting. Sa painting niya ibinubuhos ang mga nararamdaman niya. Hindi man siya nakaranas pumunta sa mga pampublikong lugar gaya ng mall, perya o paaralan maging kainan sa labas, masasabi niyang masaya pa rin siya dahil may isang taong sa kanya'y naniniwala at nagbibigay ng lakas sa lahat ng oras.
Walang iba kundi ang pinsan niyang si Pyrel. Hindi niya man ito pinsan na totoo ngunit higit pa sa tunay na kadugo kung ituring siya nito.
Pumasok na siya sa loob ng bahay na lumung-lumo dahil sa nangyari. Mag-isa na lamang siya. Iniwan na siya ng mga taong dapat ay kasama at inaalagaan siya.
Dumiretso na siya sa kanyang kwarto na nasa tabi lamang ng kusina. Pagkapasok ay isinara niya na rin ang pinto at ipinaikot ang wheelchair patapat sa kanyang kama. Pilit niyang
isinalampak ang sarili kahit nahihirapan siyang ibuhat ang kanyang mga paa. Gamit ang dalawang kamay ay buong-pwersa niyang binuhat ang sarili para umabot at mapasalampak na nga siya sa gitna ng kama.Nang makahiga ay nagsilimbayan na naman sa pagpatak ang mga luha niya dulot ng masakit na pangyayari.
Hindi niya namalayan na nahila na siya ng antok dulot ng labis na pag-iyak at tuluyan ng nakatulog.
Samantala..
May isang taong unti-unting binubuksan ang seradura ng pinto gamit lamang ang duplicate key na meron ito.
Nang tuluyang mabuksan ay pumasok na ito sa loob at isinara rin ang pinto.
Dumiretso ito sa natutulog na binata. Unti-unting inilapit ang sarili hanggang sa halos wala ng gahiblang distansya ang meron sila. Hinaplos nito ang mukha ng binata at bumulong.
"Ngayong wala nang hadlang, mapapasaakin ka na nang tuluyan!"
Mariing sabi nito sabay kintal ng halik sa noo ng natutulog na binata na dumausdos pa ang halik sa mapupulang labi. Sinakmal nito ng mapusok na halik si Dreval na ikinagising ng huli. Nanlalaki ang mga matang napatitig ito sa kaharap na lalaki.
"Ikaw!"
"Ako nga" sabay ng pagkawika ng salitang iyon ay mapusok muling sinakmal nito ng halik ang nakaawang pang mga labi niya.
Hope you like and read my story. Please be open-minded on what you may read.
SexyMomaindat5
BINABASA MO ANG
Pwede Bang Ako Naman?
Romance"Alam ko namang kahit anong gawin ko, hinding-hindi mo ako magugustuhan, pero bakit kahit anong sabi ko sa puso kong kalimutan at kamuhian ka, hindi ko magawa. Dahil mula noon hanggang ngayon, ikaw lang ang nakabihag nitong aking puso" ...