Pano kung may humingi Sayo ng tulong tutulungan mo ba?
Pano pag hindi mo kilala tutulungan mo
Parin ba?.Tinulungan mo nga. Pero pano kung sa tinagal tagal napamahal kana kaya mo bang ibalik at bitaw an siya?
(Warning: Some errors ahead)
---------------------------------------
Nakatayo ako Ngayon sa labas ng classroom, dahil sa hindi ko na naman nagawa ang assignments ko. Eh sa ayo ko ring gawin ang hihirap hirap Kaya. Pinagtitinginan ako ng bawat estudyanteng dumadaan ang Ilan naman sa kanila tumatawa. Kung sapakin ko Kaya mga to, kinina pa sumasakit mga paa ko, Kaya nako wag kayong tumatawa tawa Dyan.
Bat ang tagal ng mag bell, gusto ko ng umupo.
Ilang minuto na lang tiisin mo muna barb. Dahil sa Wala akong magawa, pagtritripan Kuna na muna ang mga dadaan nga dito.
" tingin tigin mo Dyan.?" Sita ko sa babaeng dumaan na Kong Makatingin sakin, may sakit akong nakakahawa. Pinandilitan ko to ng Mata. Hindi naman ito sumagot at dumiretso ulit ng lakad niya.
" Pahingi bente." sabay lahad ng palad ko sa lalaking dumaan. Tinignan muna ako nito at may kinuha na Kung ano sa bag niya. Mukhang mag bibigay nga. May nilabas itong wallet. Tumalikod muna ito Sakin, at humarap ulit saka may nilagay sa palad ko ang Pera. Ngi-ngiti na Sana ako ng makita ko Kung anong halaga ang nilagay niya sa palad ko.
" Peso?" napangwi ako dahil sa Peso.
" Oo Peso." sagot nito
" eh bente hiningi ko." reklamo ko sa kanya.
" Mas mabuti nga Yan may Peso kana, Kaysa sa Wala." sagot nito. May pakukuha pa ng pitaka tas Peso Lang Iibigay.
" Anong gagawin ko dito.?"
" Obvious ba, humanap ka talon at ihagis mo Yan, tas mag wish ka, ano pa ngaba pangbili ng candy."
" pilisopo mo naman, sige nga matry Mamaya, maghahanap ako ng balon tas hahanapin kita at ikaw ang itatapon ko dun."
" Ito naman hindi mabiro, sige alis nako. " napanngiwi ito sa sinabi ko.
" Sa susunod singkwenta na sisingilin ko Sayo. " sigaw ko sa kanya.
" pak yu, Wala akong utang Sayo. " sigaw nito pabalik.
Nagulat na Lang ako ng may lumipad na eraser sa ulo ko. Kaya napa-ubo ko.
" putekkk sinong naghagis nun." sigaw ko.
Yung mga classmate ko naman tinuro Kung sino. Putachaa si Sir. Mandurugas.
Awtomatiko ko na namang pinulot ang eraser, at tumingin tingin Kung saan. " Pano nakalipad tong eraser.? " pag kukunwari ko, at iniwasang magtama ang Mata namin ni sir.
" Ms. Dela Cruz your so loud." Sita nito Sakin.
" Sorry." Sagot ko.
Bumalik ulit ako pagkakatayo. Ng tumunog na ang bell, yesss recess time na. Lumabas na sir manduragas. Kaya pumasok nako.
" Oi bat dimo ginawa Yung assignment? Yan tuloy." Tanong Sakin ni Pia Kaibigan ko.
" Abay Malay ko na Ngayon pala dapat ipapasa, saka ayuko ng math. " sagot ko sa kanya.
" Maganda nga Yung math eh. Nakaka talino." sabat ni Lian Kaibigan ko rin.
" Malay ko bang, kailangan pang hanapin si ex(x)." sagot. Ko sa kanya.
" Hay nako Barb, Kaya ayaw mo ba sa math dahil hindi ka parin nakaka move-on sa ex mo." ay takte bulgar rin minsan tong si Pia eh.
" ahh basta, ayuko ng math, puro ex (x) na Lang Yung Hinahanap. "
Sabay na kaming lumabas tatlo at dimeretso sa Cafeteria.