Chapter 11

2 2 0
                                    

Ako lang mag-isa ang tao dito ngayon. Kaya matutulog na muna ako. Kinuha ko cellphone ko tas sinaksak ang headset sa tenga ko, At nagpatugtug. Hiniga Kuna ang ulo ko sa mga nakapatong Kong libro. Saka Pinikit ang mga Mata ko.

Saglit lang ako nakapikit ang mga mata ko ng may naramdaman akong kakaiba dinilat ko ulit ang mga mata ko. At tumingin sa paligid ko. I have this kind of strange feeling, like there's someone who's watching you. At that's creeps me out. Dahil ako mag-isa dito nagsimula nakong kabahan.

Tumingin ulit sa Iba't ibang sulok ng Cafetria. Pero Wala akong makitang Tao. Baka guniguni mo lang Yan barb. Wag munang isipin. Tinignan ko naman ang oras 3: 45 P. M. Malapit naring mag-uwian.

Dumuko ulit ako para ipikit ulit ang mga Mata ko. Pero nandito parin ang kakaibang pakiramdam ko, alam kong meron talagang nakatingin sakin.

Nagulat na lang ako ng may kumalabit sa balikat ko. Kaya kinuha ko agad ang libro na nasa harapan ko at hinampas ko pagkaharap sa kanya.

"Aray, Aray Tama na oi." Putchaa si Mac lang pala.

" Wag kasing mangalabit, kinabahan ako Sayo."

" Kanina pa kita tinawag, hindi moko sinagot  Kaya kinalabit nakita." Sagot naman nito.

" ayy Naka headset pala ako. Hehe sorry." Sabay peace sign ko sa kanya.

" Bat andito? "

" Pinalabas ako eh."

" Si Mr. Mandurugas na naman ba? "

" Oo"

" Yan kasi hindi nakikinig." anong hindi, nasagot ko pa nga kanina eh.

" EH ikaw bat andito ka?" Tanong ko sa kanya.

" Tapos na kami." Sagot niya.

" Sakin kana sumabay Mamaya."

" Sige, pero pano sina Pia at Lian.?"

" May mga sasakyan ang mag Yun. " Sagot ko sakanya.

" Alam niya, bihira lang sa Mamayan ang kumakaibigan ng tulad namin. " Nagsimula ng mag kwento si Mac.

" Bat mo naman nasabi. Ano ba kayo? " takhang tanong ko sa kanya.

" Mga unggoy minsan baboy. "  Tinignan ko siya ng nagtataka. Kaya tumawa siya ng malakas." Joke lang, ano kasi yung katulad naming mahihirap. "

" Ano namang prolema sa pagiging mahirap?

" Alam mo Yun, yung mababa ang tingin Sayo, at pinandidirian ka. "

" Ahmm hindi."

"Pero alam mo na iiba kayo ng mga Kaibigan mo. Kahit pinagtitingin kayo ng dahil sakin. Parang wala lang sa inyo. "

" Ano kaba wala Yun Samin saka Wala kaming pakialam ng mga kaibigan ko sa kanila. Mga antisocial mga Yun." Sagot ko sa kanya. "Isa pa kaibigan ka rin namin."

" May kaibigan rin ba kayong mayayaman?"

" Meron pero Ilan lang." Sagot ko sa kanya.

" Bakit naman?"

" Ang lalaki ng ulo nila minsan pag pinuri ayun lalakas nalang bigla ang hangin. Tapos pabonggahan pa yung iba. Nakakairita lang. "

Naging mahaba ang usapan namin ni Mac. Pero tumigil narin kami ng mag bell na. At dalawa kami ngayong naghihintay kina Pia.

" Tara na. "  Sabi ko sa kanila.

" Teka san sasakay si Mac? " Si Lian.

" Sakin na. " Sagot ko sa kanya.

" Barb pwede ba tayong dumaan sa Candy shop ni tito."

" Aanhin mo naman ang candy?" Tanong ko sa kanya.

" Ibibigay ko Kay Henry." Ngiting sagot niya.

" Sige. So Tara na."

Pumasok na sina Lain at Pia sa mga kotse nila. Kaya pumasok narin ako.

" Mac halika na. " Yaya ko sakanya. Pumasok naman siya.

" Kuya Kaibigan ko nga Pala si Mac. Bading po Yan." Tumngo na lang din ito." daan napo muna tayo sa candy shop ni tito Miguel Kuya." Sabi ko dito bago niya pinaandar ang sasakyan.

Tinignan naman ako ni Mac, na halatang nailang dahil sa pinakilala ko siyang bakla.

BarbieWhere stories live. Discover now