BEAUTIFUL GIRL, ANGEL
Please don't copy, don't paraphrase and don't revise.
✏:Missygloss♡First Day of school ngayon kaya excited na ang mga mag aaral sa pagpasok pero may isang halatang napilitan lamang pumasok ngunit anong dahilan?
Nakita kong ang daming masasayang magkakaibigan ang nagyayakapan at nagkekwentuhan ngunit sya ay naglalakad lamang papasok sa silid at wala kahit isang mag aaral ang gustong lumapit sa kanya ngunit ano nga bang dahilan?
Alamin natin ang kwento ni Angel.
Si Angel na takot sa mga tao dahil natatakot syang mapagtripan at kutyain ng mga ito dahil sa may kakaiba sa kanya."Classmates nandyan na sya!" masayang saad ng isa sa mga kaklase nya.
"Guys ready na!" masayang saad nila..
Pagpasok ni Angel agad sumalubong sa kanya ang mga papel na binilog kaya napa-atras sya at natumba.
"Ay lampa din pala to eh" natatawang saad ng lalake niyang kaklase
"Oo nga pre ano ba yan tumayo ka nga dyan" saad naman ng isang lalake
Tumayo din agad si Angel at naglakad dere-deretso sa loob ng silid at hindi na nag abala pang tumingin sa mga kaklase nya.
Natahimik ang silid ng biglang pumasok ang kanilang guro at may kasama itong lalake kaya nagsimula na ngang din magbulungan ang mga kaklase niya ngunit sya nakatungo lang.
"Class may new tranferee tayo" saad ng kanilang guro
"Sir alam namin ayan nga oh katabi nyo HAHAHAHA" pilosopo namang saad ng bakla nilang kaklase at nagtawanan ang lahat maliban lang kay Angel.
"Quiet please! Yan ba ang ipapakita nyong ugali sa bago nyong kaklase!" inis na saad ng kanila guro na ikinatahimik ng lahat.
"Please introduce yourself" saad ng guro.
"A-ah Hi My name is Dwayne-" hindi natapos ni Dwayne ang kanyang sasabihin dahil bigla nag ingay ang buong klase.
"Waaaaaah ang pogi ng name"
"Oo nga sis yummy"
"Hoy mga bakla lalandi ha pero ang yummy nga aaaah"
"Sis akin na yan ha wag mong aagawin"
"Hoy atin yan wag kang selfish"
"Aba! Kailangan maging ka-clo-" hindi natapos ng isang estudyante ang kanyang sasabihin dahil sumigaw ang kanilang guro.
"Class! Please! Please naman oh wag kayong bastos may nagsasalita sa unahan! Ano ba?!"
Agad na nanahimik ang buong klase dahil sa hiya.
"Mr. Dwayne umupo kana kahit saan mo dyan gusto madami pa namang bakanteng upuan" saad ng kanilang guro at hindi na pinagsalita pa si Dwayne sa unahan
"Class ayoko maulit to pag nagkaroon ulit ng transferee at ganito pa din ang ugali nyo ipapatawag ko magulang nyo para kausapin ng Principal" kalma pero may diin na salita ng kanilang guro.
"Wait for your next subject teacher nawalan ako ng gana magturo sa inyo!" dugtong ng guro bago lumisan ng klase.
Napansin ni Dwayne si Angel na nakatungo lang at tahimik kaya napagdesisyonan niyang doon nalang umupo ngunit uupo palang siya ay nagsalita ang isang kaklase nilang lalake.
![](https://img.wattpad.com/cover/240112141-288-k156516.jpg)