Prologue

8 0 0
                                    

"Monsters weren't monsters. Until someone turned them into one."

Prologue:
Medusa

THE darkness enveloped my skin as the sunlight started to fade.

Mariin kong tinititigan ang papalubog na araw mula sa terasang aking kinalalagyan.

How can an end be so beautiful like this? Am I also gonna end like this?

Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa balikat ko. Nilingon ko kung sino ito. T'was, Justiça.

"Laki naman ata ng galit mo sa araw?" pabiro niyang tanong. I just smiled to her.

"Pa'no mo naman nasabi?"

"Nakakunot na naman 'yang noo mo. Aren't you going to join us for dinner?"

Umiling ako bilang sagot. Tumango naman siya. Naramdaman ko ang presensiya ng isa pang tao, saglit. Tao nga ba?

"The sunset is really beautiful. Right, Malaia?" tanong ni Isothta na may makahulugang kasama.

"Shut up, Iso."

Iso joined Hus with me in staring the sunset. Makahulugan nga ang paglubog ng araw sa amin. Sa akin.

"Sa tingin niyo, kung normal pa rin ako, gaya noon. Magiging ganito rin ba kasakit lahat?" wala sa sariling tanong ko. Nakita kong napalingon si Iso sa 'kin mula sa gilid ko. Si Hus naman ay nanatiling nakikinig at nakatingin ng diretso sa palubog na araw.

"Malaia, the world is cruel. Kahit na anong klase pa tayo. Kahit tao o hayop o kalahating-tao, magiging ganito pa rin kasakit lahat," Iso said in response.

Ngumuti ako ng mapait. Ganoon nga talaga. I'm a victim of the world's cruelty. Just like Justiça and Isothta, ang mundo kinagagalawan namin ay hindi kami tanggap.

Tuluyan nang inagaw ng dilim ang liwanag. Kasabay nito ay ang pananakit ng aking ulo.

"Malaia!"

---

Nagising ako na nakahiga sa isang malambot na kama. Tahimik ang paligid at ang gumagalaw na tubig lamang ang naririnig ko. Malapit ang tinitirahan ko sa isang kulay asul na dagat.

Niyakap ko ang isang bagay sa tabi ko ngunit hindi ito unan.

Iminulat ko ang aking mga mata at laking gulat ko na lamang nang makita ang isang tao na nakahiga sa aking tabi!

Naestatwa ako sa aking kinalalagyan lalo pa nang gumalaw ang taong iyon paharap sa akin.

Agad akong tumayo upang umalis sa kama ngunit naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa rin sa kamay ko upang pigilan ako.

I felt the chills ran down my spine. Ang taong ito ay gising at nasa ulirat na!

Nanatili ako nakatayo sa gilid ng kama habang nakatalikod sa taong iyon.

"M-medusa... mahal ko..."

Medusa?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Modern MedusaWhere stories live. Discover now